Kabanata 49

34 1 0
                                    

Kabanata 49

Maganda rin yung venue ng reception. Perfect wedding talaga. Ang galing.

Nagspeech muna yung mga kamaganak nila bago kumain. Pinalabas yung VTR habang kumakain yung mga tao. Nagpalakpakan ang lahat nang matapos yun. Maganda, eh.

"I just want to thank the best photographers we've ever met," sabi nung bride. Nasa kanila kasi yung microphone. We actually mean it. Dead serious. They are also the ones who made the beautiful VTR we just aired. Miss Katherine Reyes and Mister Keith de Guzman. They're just perf!"

Tumayo si Keith at nag-bow pa. Hinila niya ako patayo. Ngumiti lang ako.

And as expected, ang daming dalaga ang nag-gwapuhan sa kasama ko. Hindi ko naman itatanggi na gwapo talaga siya. Naghiyawan pa yung iba.

Umupo na kami. Actually, nagpipicture pa rin.
Nang nagsimula nang kumain at marami-rami na kami shots na nakukuha, lumabas muna ako para magpahangin.

Lalong mas maganda sa labas dahil over looking iyon ng Taal Lake. Lalo na dahil sa sunset. Kung gusto mo talaga matahimik, dito ka pupunta. Ang ganda.

"Reyes."

"Keith," sagot ko. Nandoon na siya sa tabi ko. Tinititigan ko lang yung sunset.

"Sama ka sa akin bukas, please?" cold pa rin niyang tanong. Tumingin siya sa'kin.

Ngumiti ako. "Saan?"

"Sa Batangas. Sa lugar namin," sagot niya. "Gusto ko kasing may kasama ako."

"Sure," sagot ko.

Tumango siya.

"Ang ganda dito," bulong ko.

"Marami pang mas maganda diyan," sagot niya.

"Ha? Ano?" nagtatakang tanong ko.

The mischevous smile again. "Thats for me to know and you to find out," sabi niya.

Tumawa ako nang mahina. Maya-maya, umambon nang kaunti.

"Oy, tara na. Naambon na," aya niya.

Umiling ako. "Ayoko pa," sagot ko nang hindi natingin sa kaniya.

Hindi siya nasagot. Naramdaman ko na lang na may telang nakapatong sa ulo ko. Tinignan ko.

"You'll catch a cold," walang emosyon niyang sabi. Nilagay niya yung coat niya sa ulo ko. Alam kong nangyayari na to sa mga telenovela at pelikula, pero bakit, kinilig ako?

"Ang cold mo," sabi ko.

"Ha?"

"Yung pagsasalita mo, walang emosyon, cold."

"People change, darling," sagot niya.

Napangiti ako. "Salamat sa tulong mo. Sa VTR, I mean," sabi ko.

"Responsibilidad ko iyon," sagot niya. Cold. Tumango lang ako. "UGGGGH!" Nagulat ako nang sumigaw siya no'n.

"Bakit?! Okay ka lang?!" alala kong tanong. Nakakagulat!

Hinilamos niya yung kamay niya sa mukha niya. Ginulo niya buhok niya. Shetshetshet. Ang gulo na naman!

"Ang. Ang-" Nakatakip yung kamay niya sa mukha niya na para bang nahihiyang siyang ewan. Ang weird. "Ang g-ganda. Ang ganda mo talaga ngayon."

Shetshetshet.

Tumawa ako. "Weirdo. Thankies," sagot ko. Pero ang totoo, halos tumalon na ko sa kilig! Jusko. Nakakabaliw. "Seriously, mas gusto ko kapag sinasabi mo sa'kin kung ano talaga gusto mong sabihin."

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon