Kabanata 34

45 1 0
                                    

Kabanata 34

Buong second day, nagbible study lang kami. Puros discussion. Ako, tahimik lang. Gagawa kung may ipagagawa. Magsasalita kung kailangan. Mostly, inaasa ko nalang sa groupmates ko.

After ng dinner, magbibigay daw ng sobrang importanteng activity. Importante daw. Okay, fine. -__-

Kumain na ako ng dinner na fried chicken with peas, carrot, corns bits na may orange juice. May dessert pa na Leche Flan. Leche naman, ang sarap. Lol.

Pagkabalik sa Assembly Hall, nagannounce na yung facilitator.

"Ang gagawin niyo ngayon, ibibigay ko sa inyo ang remaining time, hanggang eleven o'clock, para lumapit sa mga taong gusto niyong pasalamatan o hingan ng tawad. Kung may problema man kayo sa isa sa mga tao sa room na ito, lapitan niyo na. Sa mga may gustong pasalamatan, sabihin niyo na. You'll never know if this is the last chance para pasalamatan or mag-sorry sa kanila. This is the highlight of our spiritual retreat. You can find a private place kung masyadong confidential ang paguusapan ninyo. Your time starts now."

Nagsitayuan na ang lahat. Unang lumapit sa akin si Sedrick. Well, hindi naman lumapit kasi katabi ko na siya, pero siya unang kumausap sa'kin.

"Kath! Haha. Ikaw muna unahin ko," sabi niya. "Thank you sa lahat. Siguro iisipin mo, wala ka pang nagagawang favor para sa'kin, well actually, marami na! Parang nagkaroon na rin ako ng little sister sa'yo eh. Masaya ako at nakilala kita. Siguro kung di dahil kay Kyle, di pa kita nakilala. So," tumingin siya sa taas at nag prayer position pa, "God thank you for giving Kyle to me. Thank you. Haha. Ayun, salamat, Erp, ah!" Niyakap niya ako. "Basta kapag may kailangan ka, nandito lang kami nila Colleen at Art para sa'yo. I love you so much-as a friend- Kath!"

I chuckled, "Ya. Same to you, Erp! Thank you kasi kahit ang drama ko sa buhay, nandiyan ka pa rin. Ikaw yung lagi kong iniiyakan at nilalabasan ng sama ng loob. Thank you!"

Ngumiti siya, "Yes. Sige. Doon na ko sa iba ha? Ingat!"

"Thanks."

Tumayo na ako at hinanap si Art. Nang makita ko siya, wala siyang kausap. Sakto.

"Bakla!" I exclaimed.

"Baklush!" nakipagbeso ako sa kanya.

"Alam mo, lalo kang gumwapo. As in. Dagdag sa beauty mo!" sabi ko.

"Sira ka. Gumwapo tas beauty? Gulo ng sinabi mo," nagpoker face siya.

"He-he. Pero kung hindi ka talaga baklush, papatulan kita eh!"

"Eww! Ako ang hindi papatol sa'yo! Mas mukha pa akong babae sa'yo eh. Tseh!"

Hinila ko yung buhok niya, "Baliw."

"Okay, sis. Simulan mo na ang thanksgiving mo sa'kin."

Humalakhak ako, "Pero seriously, thank you, Bakla! Alam mo naman ikaw ang pinakagwapo- ay este pinakamagandang bakla sa balat ng lupa! I love you sooo much!"

Niyakap niya ako, "And I, you. Stay pretty sis! Para marami tayong boylet!" Bigla siyang sumeryoso, "Nakausap mo na ba si Fafa Keith?"

"Uh, hindi pa."

"Now is the time, Sis. Kausapin mo na ha?"

Tumango ako.

"Sige na. I love you sis! Andito lang ako lagi para sa'yo! Byeee!"

Ngumiti nalang ako at hinayaan na siyang mawala sa paningin ko. Nagulat ako nang may tumulak sakin sa likod.

"Ay kalabaw!" sabi ko. Whew, buti hindi ako nahulog.

"Besh!" Si Colleen. "Hallo! Hoy may message of gratitude ako sa'yo!"

"Meron din ako."

"Ako una!" sabi niya. "Besh, thank you ha? Alam mo namang kahit inaasar kita lagi, love na love kita. Ikaw ang pinakamatalino, pinakamaganda, pinakamabait kong BFF. Ikaw na talaga! Pero shumpre, mas maganda pa rin aketch."

"Baliw! Oki langs. Thank you dahil nandiyan ka lagi kapag kailangan kita! Kahit bwisit ka, mahal na mahal din kita!" niyakap ko siya. Naiiyak na ko dahil nafa-flatter ako sa mga kaibigan ko. How lucky I am I became friends with them. "Words can never express how lucky I am to have you as my BFF! I love you so much!"

"I love you too, Besh!" Nagbeso kami. "Sige na ha? Marami pa kong lalapitan eh!"

"Bye!"

Nagikot-ikot muna ako, binabati yung mga kakilala ko, hanggang sa nakaratin ako sa terrace. (Nasa second floor kami ng Assembly Hall.)

Pagdating ko doon, may nakaupo sa harang ng terrace, nakatingin lang sa malayo.

I almost wished it was Keith. Pero hindi.

Si Kyle pa to.

"Kyle?" bulong ko, hindi sure kung maririnig ba niya. Surprisingly, humrap siya at ngumiti. Tumingin ako sa space sa tabi niya, at nagtanong, "May I?"

"Sure," sagot niya.

Umupo na ako. Pagkaupo ko, nagtanong ulit ako, "Bakit wala ka sa loob?"

"Ayoko. Nalulungkot lang ako doon," sagot niya nang hindi pa rin natingin sa'kin.

"Kyle, sorry kung may nasabi or nagawa man ako sa'yo noon," bigla kong sinabi.

Tumingin siya sakin. "What? Ako nga ata ang kailangan magsorry sa'yo ng sobra. Ako dapat ang magpakababa. Wala kang ginawa na masama. Ako lahat ang sumira sa atin. Kasi kung hindi ako nagpakatanga, nagpakainsensitive, okay pa tayo. Sorry hindi ko matutupad yung pangako ko sa'yo na pupunta tayo sa Paris. Sorry, Katherine." Naiyak na siya.

"Sus. Kyle," naiiyak ko na ring sabi. "Ano ka ba? Okay na yun. You're forgiven. Matagal na."

Niyakap niya ako, this time alam ko na wala nang malisya. Okay na siya. Naka-move on na siya at masaya ako na pinakawalan niya na ako ng buong buo.

"You mean everything to me, Kath, so its okay with me for you to find your everything in another guy," ngumiti siya. Napangiti na rin ako. He has changed. And he's better.

"Thank you, Kyle, for letting me go."

"It is an honor, my princess."

"Congrats. Ga-graduate ka na," ngumiti ako.

"Thank you. Wag mo kong kalilimutan ha?" ngumiti rin siya.

"Of course, bestie." Iyan yung tawag ko sa kanya noong hindi pa kami.

"Yes, bestie," he smiled. The smiled I fell for before became the smile that I will treasure the most.

"Puta, ang gwapo mo pa rin!" pagbibiro ko habang pinipisil yung pisngi niya. Tumawa kami parehas.

"Tanga, mai-in love ka ba sa'kin kung pangit ako?" tanong niya habang nakasmirk.

"Gago ka, tinanga mo pa ako." Tumawa ako. Ganito yung ginagawa namin dati pa eh. Nagmumurahan.

"Gwapo, hindi gago."

"Ah hindi! Gago!"

"Gwapo!"

"Gago."

"Gwapo."

"Gago," bumelat ako.

"Tangina mo."

Tumawa kami.

Pinisil niya pisngi ko. "Sige na, bestie. Papasok muna ako sa loob. Kausapin ko ang gagong si Sedrick. Dito ka muna?"

"Oo. Sige. Bye, bestie."

"Bye."

Pumasok na siya.

Nanatili akong nakaupo doon. Maingay pa sa loob. Ayoko pang pumasok.

Maya-maya, may dumaan na malakas na hangin. Muntikan na akong mahulog, pero na maintain ko yung balance ko. Hay, buti nalang.

"Venice," bulong niya.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon