Prologue

1.4K 15 0
                                    

Lumingon ako sa kanya at mahinahon na sinabi ang mga katagang 'to, "Itigil mo na 'to."

Walang emosyon ang naging tono ko. Sobrang seryoso. Nabatid niya yun dahilan para ang kaninang masasayang ngiti sa mukha niya ay unti-unting mabura. May pagtataka sa mga tingin niyang yun. Hinintay niyang sundan ko ang sasabihin ko at nang hindi nakatanggap ay pinilit ulit na makangiti pa—

Napasinghap pa ako bago nag-iwas ng tingin sa kanya, "Sabi ko tama na. Itigil na natin itong kalokohan mo."

Muli kaming binalot ng awkward na katahimikan. Hindi ko siya nilingon dahil sa isip ko pa lang ay nakikita ko na kung anong itsura niya. Kung anong reaction niya. Kung gaano magiging malungkot ang mga matang yun sa mga nasabi ko at  masasabi ko.

Aaminin  kong sobra akong naging masaya sa surpresa niyang ito. Sa sobrang saya ko ay nasasaktan ako sa matinding konsensya na nararamdaman ko. Dahil sa sobrang takot. Oo, dahil sobrang duwag ko. At gusto kong paulit ulit na humingi ng tawad sa kanya sa isipan ko dahil mas masasaktan ko pa siya. at paulit ulit pang sasaktan kung hindi siya susunod sa hihingin ko.

Ayoko mang gawin ito. Ayoko mang makita kung paano siya masaktan. ..Pero ito lang talaga ang naiisip kong paraan. Pasensya na, hindi talaga ako magaling pagdating sa ganitong bagay. Ito lang ang paraan ko para makasigurado na mananatili siya sa tabi ko, kasi ngayon palang.. nagiging mahalaga na siya sakin. Minamahal ko na talaga siya ng sobra.

"Peij.." halos pumiyok ang boses niya. Alam kong kahit na oras ay iiyak na siya.

"Ititigil mo 'to. Hindi mo na ako dapat magustuhan. At higit sa lahat, wala ka ng gagawing ganitong bagay. Hindi mo na patutunayan sakin kung gaano ako kaespesyal sayo. At hindi mo na rin sasabihin ang walang kwenta na mga salitang mahal mo ko.

Patitigilan na kita. At hindi na bibigyan ng pagkakataon.. dahil ayoko na. Nagsasawa na ako."

Saka lang ako naglakas loob na tingnan siyang muli.

"Higit sa lahat, ikaw ang mas nakakaalam ng lahat ng ito, Shans. Isang malaking kalokohan na magkagusto ka sa babaeng sobrang kinaiinisan mo. Alam natin na dalwa, na ayaw mo sakin sa simula pa lang. Kaya imposible ang bagay na'to.

Larong bata lang ang pangako na yun. Hindi kailangang matupad. Dahil sa loob ng ilang taon, hindi kailanman pumasok sa isip ko ang tungkol sa batang yun. Ang tungkol sayo. Binaon ko na sa limot ang lahat, kasama ka na.

Hindi mo ako katulad. Hindi naging mahalaga sakin ang tungkol sa alaala na yun."

Nahusgahan ko kung paanong unti unting namuo ang mga luha sa mga mata niya. At bago pa man pumatak ang mga yun ay mabilis na kong nakatayo at iniwan siya na mag-isa.

Patawad. Yan lang ang nasambit ko sa isipan.

Just YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu