Kabanata 28

6.7K 214 130
                                    

28 - Broken

I didn't know how long was I clinging onto him. I cried and cried my heart out that night. Hindi ko malaman ang totoo kong nararamdaman. Halo-halo ang sakit at galit ko. Ni hindi ko maintindihan kung ano na ba talaga ang gusto kong gawin.

I love him, I admit that now. But that does not change the fact that I am still mad. Mahal ko siya pero galit at nasasaktan ako. Mahal ko siya pero hindi mabubura no'n ang mga nangyari noon. Mahal ko sya pero hindi maiaalis ang katotohanang nagdusa kami dahil sa kanila.

Ang sakit-sakit marinig mula sa kaniya na gusto niya akong protektahan. Na kaya niyang tanggapin ang galit ng pamilya niya kapag nalaman ang pagpapakasal namin. Na handa siyang maitakwil para sa akin.

Will I believe him? Sa lahat ng nangyari sa aming dalawa, maniniwala pa ba ako?

I am tired of being mad. I am tired of being in my world. Gusto kong maniwala pero hindi ko kaya. Gusto kong bumigay pero hindi ko magawa. I couldn't control myself anymore. Galit na galit ako sa kanila. Mahal ko siya, pero galit at nasaktan ako. Nagdusa ang pamilya ko.

I didn't bring any argument to him for the past week. Naging diretso ang pasok ko sa firm kahit na mayroong mga reporters na naka-abang sa labas. They never really saw me. Wala rin naman akong balak na magpa-interview sa kanila. I always use Atlas' car. They won't mistook it as mine because they clearly know our status. Hindi ako mayaman para magkaroon ng magarang sasakyan kaya hindi nila iisipin na ako ang nagmamaneho no'n.

My treatment to him was casual. Matapos ang gabing iyon, itinalaga ko na sa isip ko kung ano ang dapat kong gawin. Loving him again isn't on the plan. I am here to prove my mother's innocence. Nangyari na iyon pero hindi pa rin ako kuntento. Hindi ako masaya at hindi lamang iyon ang gusto kong mangyari. I want them to suffer as much as we did. Hindi lamang kalayaan ni nanay ang gusto ko.

Atlas would always try to get close to me. Isn't that good? Kung lalo siyang lumalapit sa akin para sa plano niya, ganoon din ako. Kailangan niyang mapalapit sa akin, para tuluyan siyang bumagsak sa mga palad ko. At kapag nangyari ang lahat ng iyon, susundin niya na ang lahat ng gusto ko.

I woke up the next morning without him on the bed. I yawned and went outside the room. Sinilip ko ang salas mula sa second floor at nakita siyang naroon at naghahanda. I frowned and went down the stairs. His face was serious while preparing himself.

He immediately glanced at me when he felt my presence. He sighed and smiled gently at me. Where is he going?

"Lola is in the hospital. I need to visit her."

Agad na kumulo ang dugo ko nang marinig kung kanino siya pupunta. Why is he going to that witch?

I walked towards him and gave him an embrace. Huminga siya nang malalim saka yumakap din sa akin.

"Ayokong umalis ka." Mahina kong sabi.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hawak niya sa baywang ko. He kissed my temple and played with the ends of my hair.

"Mabilis lang ako. I'll be back in an hour."

I shook my head. "Paano kung hindi ka na nila pauwiin sa akin?"

Lalong humigpit ang yakap ko saka ipinikit ang mga mata ko. I don't want him to go to that old woman. Ayokong umalis siya para puntahan ang matandang iyon.

"I will come home to you." He whispered.

"Ayokong umalis ka. Hindi ka aalis.." may pinalidad kong sabi. "Kukunin ka nila sa akin, Atlas."

Bumitiw ako sa yakap saka tinitigan siya. I acted scared but I am furious deep inside. Puno ng emosyon ang mga mata niya. Sapat na iyon para masaktan ako ngunit hindi ko iyon ininda.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Where stories live. Discover now