Kabanata 17

5.3K 230 91
                                    

17 – Fail

Nang matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin ng linggong iyon ay agad akong bumalik sa amin. Hanggang ngayon ay parang masamang panaginip pa rin ang lahat. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Buong linggo akong wala sa sarili at nanghihina dahil sa lahat ng nangyari sa amin. Nakulong si nanay at na sa ospital si tatay. Kabi-kabila ang utang namin at hindi ko alam kung saan ako hahanap ng pambayad sa mga iyon.

Walang gabi na hindi ako umiyak. Habang malayo ako ay lalo kong nararamdaman na wala akong lakas at kapangyarihang ipagtanggol ang pamilya ko. Para silang bingi na walang naririnig sa lahat ng sinasabi ko. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag mag-alala dahil alam kong mayroong trial na magaganap dito. Pero, hindi ko magawa dahil alam ko kung anong kayang gawin ng pamilyang iyon. Sino pa ba ang magtatanim ng ebidensya sa bahay namin? Sila rin ang nag-utos sa mga pulis. Ginawa nila iyon dahil marami silang pera. At ang kaisa-isang taong inaasahan kong tutulong sa akin ay hindi ko pa makausap. Ni ayaw na yata akong kausapin.

Sa tuwing maiisip kong naniniwala siyang nagnakaw kami kaya pinatay ni nanay ang ama niya ay nabubuo ang galit ko. Kailangan niyang maniwala sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo. Siya na lang ang maaasahan ko sa panahong ito, hindi niya ako bibiguin.

Sa ospital ako dumiretso nang makauwi. I plastered a smile on my face when I went inside the room. Naroon si tatay, nakahiga at mukhang mahina pa. Hindi ko alam kung ilang beses pang mababasag ang puso ko sa mga problemang kinahaharap ko ngayon.

"Tay.."

Nakangiti kong hinawakan ang kamay niya. Mang Boni and his wife were on the room, chitchatting with the other patients.

"Anak.. Kumusta ka?"

"Ayos ako, tay. Kayo po? Kumusta kayo rito sa ospital?"

I sat down and smiled. Hinalikan ko ang kamay niya saka pinigil ang mga nagbabadya na namang luha. I don't want to cry infront of him. Mahina na siya, lalo ko lang dadagdagan iyon kapag ipinakita kong pagod ako.

"Kailan ba ako lalabas dito, 'nak? Ayoko na rito.."

Pumikit ako nang mariin at tumango. "Malapit na po, tay. Konting tiis na lang, okay?"

He sighed and nodded. Muli kong hinalikan ang kamay niya ngunit naging maingat ako dahil sa IV. Palihim kong pinunasan ang mga mata ko upang itago ang papatulong mga luha.

I stayed there and had a talk with Mang Boni. Ang sabi niya ay nagiging maayos naman na ang kalagayan ni tatay sa nakalipas na apat na araw. Palaki nang palaki ang bill ngunit hindi na iyon mahalaga. Gagawan ko ng paraan ang lahat. Ako ang bahala sa lahat.

After going to the hospital, I went directly to nanay. Puno ng galit ang puso ko nang makarating sa presinto. I clenched my jaw and closed my fists firmly. Hindi ko matanggap na narito siya. Kahit kailan ay hindi ko iyon matatanggap.

I waited and sat down. Agad akong napatayo nang nakita kong sinamahan siya ng siyang pulis patungo sa akin. My tears started forming.

"Nay.. Kumusta kayo?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang datnan ko siya. She gently pulled the chair to sit down. Ngumiti siya sa akin habang naluluha ang mga mata.

"A-anong nangyari rito? Anong nangyari sa inyo?"

Nanginig ang kamay ko nang hawakan ang baba niya. She has bruises on her face. Mayroong sugat ang gilid ng kaniyang labi habang halos namamaga ang kanang mata. Tumulo ang mga luha ko.

"W-wala ito, anak. Nauntog ako habang naglilinis."

"Nauntog? Nay, hindi ako tanga!" I slammed the table. "Sinong gumawa nito sa inyo?!"

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Where stories live. Discover now