Kabanata 11

5.4K 243 177
                                    

11 – Truth

It was the happiest night of my life. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko sa yakap at halik niya sa kamay ko. Our favorite song was playing, lalo pang gumanda dahil sa sumasabay na crowd.

I closed my eyes and forced myself not to smile again. Dinama ko ang likod ng palad ko na hinalikan niya. Atlas kissed my hand! He hugged me in a public place while that song was playing! I can't calm down!

Bumalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko. Madilim na sa kuwarto dahil tulog na si Wendy habang ako naman ay dilat na dilat pa rin. It's four in the morning for goodness sake!

From Ar. Valdemar:

                  I'm sorry if this wakes you up but I can't stop thinking about you.

Mabilis kong pinatay ang phone ko saka tinakpan ang mukha gamit ng palad ko. What is he doing?! Why is he saying that to me? Hindi na nga ako makatulog, dumadagdag pa siya!

I giggled and read his text over and over again. Bumangon ako saka pinigilan ang ngiti ko. This means he's awake now. O baka naman hindi siya natulog gaya ko? Does this mean that we're both thinking about each other?

Maharot!

I lay back down and received another text message. Lumambot ang puso ko nang makita kung kanino iyon galing.

From Nanay:

                  Gud morning, nak. Naghahanda na ako sa palengke. Mahal ka ni nanay at tatay :))

I smiled and sighed. Miss na miss ko na ang magulang ko, pati na ang bahay namin at ang farm. Alam kong pinagkatiwalaan nila ko rito sa Maynila, na uunahin ko ang pag-aaral ko higit sa lahat. Ang sabi ni nanay ay dapat wala munang kahit na sino, dapat ay sarili ko muna. Dapat ay unahin ko muna ang karangalang maibibigay ko sa sarili ko bago sa iba.

But whenever I think of Atlas, I get confused. Will my parents be mad at me for doing this? Am I not allowed to be in a romantic relationship with someone?

May kasiyahan sa puso ko nang pumasok ako pero hindi ko pa rin maialis ang lungkot. Nakokonsensya ako dahil pakiramdam ko'y sinusuway ko sina tatay. Alam ko namang hindi pa puwede, pero paano iyon? Gusto ko si Atlas at sinabi niyang gusto niya rin ako. Hindi lang pagiging magkaibigan ang ginagawa namin. It was more than that.

Nilunod ko ang sarili ko sa musika habang mag-isang nagbabasa sa library. I saw Atlas earlier but I didn't call him. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi.

Bumuntong-hininga ako saka inilipat ang pahina ng notebook na ibinigay ni Atlas sa akin. I already memorized each and every poem in here. At habang binabasa ko iyon, lalo lang idinidikdik sa akin ng utak ko ang katotohanang gusto ko siya.

Napa-igtad ako nang mayroong humila ng kabila kong earphone. My eyes widened when I saw him sat down beside me. Marahan niyang hinila palapit ang notebook niya saka nakibasa ng tula. I gulped hard. He's so close to me. Bumalik na naman tuloy sa isip ko ang nangyari kagabi!

"Did you have a good sleep?"

Umawang ang labi ko. Magsisinungaling ba ako? O ang totoo ang dapat sabihin ko? Na hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip sa kagabi!

"Oo. Medyo t-tanghali na nga akong nagising."

I looked away and cleared my throat. Tumango siya saka inilipat ang pahina. Magkadikit na ang braso naming dalawa dahil sa lapit. Pilit kong pinakalma ang nagwawala ko na namang puso.

"Hindi ako nakatulog.." he casually said. "I kept on thinking about you."

Nanlaki ang mga mata ko. Why does he have to be that honest? I am not ready for those words! Nagwawala na nga ako dahil sa isang text, e!

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon