Kabanata 21

6.2K 256 59
                                    

21 – Defense

I prepared myself for this trial for years. Ginawa ko ang lahat ng kaya ko para magpatuloy sa pag-aaral. I sacrificed so many things to be where I am right now. Lahat ng luha at lakas ay ibinigay ko para ipagtanggol ang ina kong nasasakdal.

I did everything to prove everyone the truth. Ang lahat ng mga bagay na ginawa ko, lahat ng iyon ay para kay nanay at sa pamilya ko. Sinira nila ang lahat sa amin, wala silang itinirang kahit kaonting kahihiyan sa ginawa nila. Ang mga halang nilang kaluluwa ang dahilan kung bakit nag-aalab ang kagustuhan kong bumagsak sila.

"Matagal mong hinintay ang pagkakataong ito, Allysia.." I closed my fists. "You cannot lose."

I shut my eyes and inhaled deeply. Mariin kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Malakas ang laban ko sa kaso, alam ko iyon. I have witnesses and evidences to prove the truth. Kung hindi ko pa mapatutunayan ang talagang nangyari ay hindi ko na kakayanin pa. Wala na akong magagawa kung hindi palabasin ang totoo nang hindi nakabatay sa kamay ng hukuman.

I will free my mother, one way or another.

"You will win this, Atty. Zamora. I know it."

I smiled at her. "Thank you, Willow."

I breathed deeply and looked outside the window. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang pagsisimula ng trial. Kevin tapped my shoulders.

"We're here, we got you."

I nodded and smiled. Tumayo ako saka naglakad palabas ng kuwarto. I went to the bathroom and locked the door. Kahit na malakas ang laban ko ay hindi ko pa rin maialis ang kabahan. Alam ko kung gaano katuso ang pamilyang iyon. Alam ko kung anong maaari nilang gawin para magtagumpay sa hukuman. Alam ko ang kasamaan nila.

I went to nanay before going to the court. She did not fail to give me the smile she always give me. Nang makita ko siya ay lalong nag-alab ang kagustuhan kong maipanalo ang kaso. Palalayain ko siya. Magagawa ko iyon. I will prove to everyone that she is not guilty. I will prove to them that Ignatius Valdemar is a monster. Wala akong pakialam kung gaano karaming sinungaling ang iharap nila sa akin. They can lie to people but they cannot lie to me.

Mas mabuti pang mamatay na ipinaglalaban ang katotohanan kaysa mabuhay sa kasinungalingan.

"Matagal mong hinintay ang pagkakataong ito, Atty. Zamora."

Buong tapang akong tumango kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hinawakan ni Luigi ang kamay ko saka tinignan ako nang mariin. Ipinikit ko ang mga mata ko saka huminga nang malalim.

Inayos ko ang collar ng aking puting button down shirt. Muli kong hinagod ang buhok ko habang malakas ang kabog ng dibdib ko. I stared at myself directly in the mirror. I have prepared myself for this trial for years. I can't lose it.

Nang inilabas ang ina ko mula sa kuwarto ay hindi ko maiwasang masaktan. She suffered so much inside the prison. She didn't deserve it. At ngayon, ilalabas ko na siya. She will be free from all of this.

My mother is not guilty. She defended me from that monster. Wala siyang kahit anong kasalanan sa nangyari. Hindi siya dapat naririto sa kulungan.

Tatay is here with my friends. Kumpleto sina Luigi, Willow, Kevin, Jared, at Terry. Press were there. Ang asawa ni Ignatius Valdemar ay wala ro'n ngunit naroon ang ina niya. She was even teary eyed when she entered. Wala pang nangyayari ngunit umiiyak na. She's a good actress, I must say.

In front was the judge and on his side was the witness' chair. Ang court clerk ay na sa harap din katapat ng court reporter. The prosecutor who was full bearded was on my side. He looked foreign and his eyes were sharp.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Where stories live. Discover now