Kabanata 41

6.2K 213 90
                                    

41 – Prevail

"The defense may call its first witness."

I was left dumbfounded when he said that. Agad akong napatitig kay Alondra Valdemar na ngayon ay walang ekspresiyon ang mukha. Diretso ang tingin niya kay nanay na ngayon ay na sa unahan na.

I told Luigi not to bring nanay here. Pero, hindi rin naman ako ang nasunod dahil malakas na witness si nanay at alam ko iyon. And she also wanted to testify. Sandaling naiwan si tatay sa ospital habang bantay sa kaniya ang nurse.

"Please state your name for the record."

"Ako si Lilibeth Zamora, attorney."

Nanay's voice was different. Ang boses niya ay pagod at malamya. Her eyes were like that too. Hindi ko maiwasang hindi masaktan habang pinapanood siyang sinasagot ang mga katanungan ni Luigi. It was all personal questions just like the previous ones.

"Let's bring you back to the night of March 27th, when the crime took place.." he said. "What brought you there?"

"Nagpunta ako roon kahit na bumabagyo dahil hindi pa umuuwi ang anak ko. Nagtrabaho siya kay Nenita para sa kaonting pera para makabayad. Gabi na ngunit wala pa siya kaya pinuntahan ko, attorney."

Luigi nodded. Yumuko si nanay at pinunasan ang kaniyang mga mata. Nanginginig ang labi niya sa pagpipigil ng iyak.

"What did you see when you get there?"

"Hindi ko agad nakita dahil sa malakas na buhos ng ulan, at wala pang liwanag. Narinig ko lang ang isang sigaw.. S-sigaw ng pagmamakaawa.. Ng takot.. Ng sakit.."

Hindi niya na napigilan ang pag-iyak niya. She burst out her tears. Pinunasan niya iyon gamit ang kaniyang panyo habang humihikbi. I wanted to cry but I forced myself not to. Kailangan kong ipakita sa kaniyang malakas ang loob ko.

"What did you do after that?"

"Nang makita ko ang anak ko ay inihampas na niya ang bato sa ulo ng lalaking iyon. Umiiyak siya at mayroong mga pasa sa katawan. Punit na rin ang kaniyang panlamig noon.."

The people in the court started murmuring. I know, we lied. Ang pag-ako ni nanay ng kasalanan ko ay isang pagkakamali. Alam kong mali iyon. Pero, para kay nanay ay hindi. Ilang ulit mang mangyari ang bagay na iyon, alam kong aakuin niya ulit ang kasalanan nang walang halong pagdadalawang-isip.

"Ang sabi ko sa kaniya ay h-huwag matakot dahil naroon na ako at hindi ko siya pababayaan.." lumuluha niyang sabi. "Alam kong mali ang magsinungaling sa l-lahat.. Pero, sana ay maintindihan ninyo ako bilang isang ina. Inako ko ang lahat dahil sa matinding p-pagmamahal sa anak ko.."

I painfully smiled. Kung para sa akin ay sobra ang pagmamahal ko sa mga magulang ko, hindi ko pa rin malalagpasan ang pagmamahal nila sa akin.

Nanay sacrificed her everything for me. Tiniis niya ang lahat ng sakit at hirap para lamang manatili akong malaya at walang sala sa mata ng lahat. Habang siya ay tinatanggap ang lahat ng dapat ay akin.

"The defense may call its second witness."

The secretary of Ignatius Valdemar presented herself to be a witness again. Nang malaman niyang nakulong ako ay tumawag siya sa firm para sabihing maaari ulit siyang maging witness. We thank her for her bravery. She knows him, all of his secrets and such.

"I am Esther Limauco, Ignatius Valdemar's former secretary."

I saw how Esperanza rolled her eyes when Esther spoke. Hinawi niya ang buhok niya saka pagak na natatawa habang sinasagot no'n ang mga personal na tanong ni Luigi.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon