Kabanata 47

9.9K 188 13
                                    

47

Allysia went home when vacation came. Ako naman ay tumungo sa Cebu kasama si mama. Kuya Ayden will go straight there to be with us. Kuya Aziel kept on bugging and calling me to tell Ayden that Elianna is alive so we needed to go. Noong una ay hindi pa ako naniwala ngunit nang magpadala siya ng litrato ay wala akong nagawa kung hindi pauwiin si Ayden dito.

I kept on calling her when I was there. Nang makarating ay ginusto ko nang umuwi agad dahil kay Ally pero nanatili na rin ako dahil magkakaroon pa ng pagdiriwang sa resort ni kuya. We needed to be there for formality.

Nang makauwi ay dumiretso agad ako kay Allysia. She was shocked when she saw me. Hindi niya inaasahan ang mabilis kong pag-uwi. I don't really want to have my vacation in Cebu. I want to spend it with her.

I told her what I feel for her. Kinakabahan ako nang aminin sa kaniya iyon ngunit kinain ko ang takot ko para sabihin sa kaniya ang totoo. She likes me too and I know it. I feel it. Maybe she just haven't realized it yet.

I was quite disappointed when she told me she doesn't want to be in a relationship. Ayaw niyang malaman ng mga magulang niya ang namamagitan sa amin. Ang pakiramdam ko noong umpisa ay itinatago niya ako ngunit nang sabihin niyang uunahin niya ang pangarap niya ay naging ayos na rin sa akin. I respect her decision. Tama ang desisyon niyang unahin ang pag-aaral at pangarap. I'm gonna stick around anyways, so it's not a problem.

We stayed as more than friends and less than lovers. Nang matapos ang bakasyon ay pareho kaming bumalik ng Maynila. She became sweeter to me. Lalo na siyang nagiging malapit sa akin at wala na akong hindi alam tungkol sa kaniya dahil sinasabi niya ang lahat. It feels like I'm her boyfriend but I'm not. She still cannot give me the label I want but it's fine as long as she stay with me.

"Mahal mo ba ako?"

She let go of my arm and looked away. Pinigilan ko ang tawa ko saka tumingin sa papalubog na araw. I am kidding but I don't mind if she'll answer it.

"D-dapat mo bang itanong 'yan?"

I sighed. "I want to know. Ni hindi mo nga mabanggit ang pangalan ko sa harap ng kumausap sa 'yo kanina."

Someone talked to her earlier. I felt jealous at first but when she bravely stood up for herself and asked the guy a Physics question, my bitterness suddenly went away. Natawa ako sa inasal niya, mabuti na lamang at dumating ako at alam ko ang sagot dahil pati sa notebook ko ay puro solving niya ang na sa likod.

"Oo na. Tama na 'yong sinabi mo."

I chuckled to tease her even more. "Nah. You don't love me."

"What do you mean?"

I sighed and shook my head. Pinigilan ko ang tawa ko at nagpatuloy lang sa pagmamasid. She's confused. I wanted to burst out of laughter.

"Maybe you're just overwhelmed. You don't really love me, Allysia."

She frowned. "Bakit? Alam mo ang nararamdaman ko?"

"Ano bang nararamdaman mo?" I asked.

"Tignan mo. Hindi mo nga alam tapos nagmamarunong ka!"

I stood up and wore my hood. Tumakbo ako patungo sa gitna ng garden at iniwan siya ro'n. I was laughing silently as I ran away.

"Ang arte mo talaga! Sinabi ko na ngang mahal kita!" She shouted.

I stopped running and turned to her. Sumenyas akong walang naririnig saka mabagal na naglakad paatras. Namumula ang pisngi niya at parang nahihiyang sabihin ang gusto kong marinig.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora