Kabanata 43

10.1K 249 91
                                    

43 – Dangerous

Three days in the hospital have passed and I didn't saw him again. Wala na ang baby sa nursery kaya naman baka naroon na sa kuwarto ng ina, o kaya naman ay nakauwi na. Hindi ko na tinanong pa ang pediatrician kung inuwi na ba ang bata dahil baka magtaka sa ikinikilos ko. I'm just curious. I want to see her mother.

I searched for news about his relationship on the internet. Akala ko ay malalaman ko ro'n kung sino ang nobya niya ngayon ngunit wala naman akong nakita. The last article about him was about the expansion of his company. Walang nabanggit tungkol sa kahit sinong karelasyon. Is he hiding it? He wants lowkey a relationship?

Teka, ano naman ngayon sa akin? It's his choice if he doesn't want to disclose it in public. Mahirap din ang maraming nakakaalam dahil maraming mangingialam. If it's a lowkey relationship, then it's good for them. Some things doesn't really need to be displayed.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang nararamdaman ko. I am happy for him, of course. Pero sa tuwing naiisip kong mayroon na siyang pamilya ngayon, naaalala ko rin ang mga nangyari sa amin noon. Sinong mag-aakalang malalampasan namin ang nangyari? Hindi nga lang sa tabi ng isa't isa, pero nalampasan pa rin namin. We are here now. He's happy and I am too.

Noon, ang sinabi niya sa akin ako ang pipiliin niya. At talagang pinanghawakan niya iyon. I wanted him to choose someone else, and now, it happened. May iba na siyang pinili, pinipili, at pipiliin ngayon.

I shut my eyes and sighed. Isinuot ko ang coat ko saka lumabas na mula sa quarters. I stretched my arms and yawned. Buti naman ay nakatulog ako kahit papaano ng isang oras.

I walked to the hallway with my white coat on and a stethoscope on my neck. Sandali akong pumunta sa nurse station para tignan ang iilang records ng pasyente. Umalis din naman ako agad nang matapos. I was reading it while walking to the canteen. I need to eat lunch now.

I was about to turn when I bumped onto someone. Bumagsak ang hawak kong mga papel sa sahig. Kumunot ang noo ko saka tinignan kung sino iyon.

It was a man with deep eyes. Maputi ang kaniyang balat at kulay tsokolate ang buhok. He was wearing a black long sleeve with a black watch on his left wrist.

"Allysia."

His voice immediately sent shivers to my spine. Umawang ang labi ko saka nanlaki ang mga mata. Hindi ako agad nakagalaw dahil hawak niya ang braso ko. Ni hindi ko agad nakuha ang sumabog na mga papel.

"Atlas."

Nanginginig nang matindi ang kamay ko. Para akong nahirapang huminga dahil sa hawak niya. He's here again.

"Hey.."

I gulped hard. "Hi.. Anong ginagawa mo rito?"

Malamig ang naging boses niya. I tried acting as casual as possible to not look awkward infront of him.

"I visited someone." He answered.

I nodded and forced a smile. Wala siyang naging reaksiyon at nanatili lamang ang titig sa akin. Nagmamadali kong dinampot ang mga papel ko sa sahig.

"Ah, ganoon ba? Sige, mauuna na ako."

He leaned down and helped me. Napalunok ako habang malakas pa rin ang hataw ng dibdib ko. Is this even normal? He has someone now and I am acting like this!

Nang makuha ko ang lahat ay ngumiti ako ulit saka nagmamadaling nilampasan siya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka naglakad palayo. I was about to enter the elevator when he pulled my arms back.

"Allysia, wait."

My lips parted and glanced at him. I gulped hard when I realized how his voice grew deeper than before.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Where stories live. Discover now