Chapter Forty Two

7.5K 215 26
                                    

Hindi naman agad na nakapagsalita si Carlo sa harap ng lalaki.

"Hmmm...let me guess, are you shocked because you saw me here or is it because we kissed again?" Ang tanong ni Bullet sa kanya.

"H-Hindi ah, p-pinagsasabi mo dyan? N-Nagulat lang ako kasi h-hinawakan mo yung braso ko. Maaari mo na akong bitawan kasi n-naghihintay na yung mga kaibigan ko." Ang nauutal na sagot ni Carlo.

"Tch. You're the one who kiss me and now you are asking me to let you go as if nothing happened between the two of us. That's it? You're just gonna kiss and run with someone whom you don't know?" Ang muling tanong sa kanya ni Bullet.

"Hindi naman sa ganun. Okay sige na, I'm sorry kung hinalikan kita ng walang paalam. Nagawa ko lang kasi yun dahil sa isang dare." Ang paghingi ng paumanhin ni Carlo.

Sumeryoso ang mukha ni Bullet sa kanyang narinig. "What dare? Wait, are you drunk? Is that part of your so called 'moving on' process? Kissing a stranger while dealing your heartbreak by drinking alcohol, really huh?" Ang magkakasunod na tanong niya kay Carlo. Bakas sa tono ng pagsasalita ng lalaki na hindi nito nagugustuhan ang mga inaasal ngayon ng kaharap niya.

Hinawakan ni Carlo ang kamay ni Bullet saka nito inalis mula sa pagkakakapit sa kanyang braso.

"Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa'yo tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi kita magulang, guardian o kahit kamag-anak para basta ka na lamang makikialam sa feelings ko kaya huwag kang magpanggap na nag-aalala ka talaga sa akin ngayon. Mas lalo din na hindi kita boyfriend kaya huwag mo kong pagbabawalan sa kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko. Pareho lang kayo ni Morris, sa umpisa lang magaling pero bandang huli ay wala din naman." Ang wika niya sa lalaki.

Mariing ipinikit ni Bullet ang kanyang mga mata upang pakalmahin ang sarili bago siya muling nagsalita. "I assumed that you haven't remember it yet. Alright, you're free to go now with your friends. Have fun."

Nagtama ang kanilang mga paningin pagmulat ni Bullet. Napansin ni Carlo sa mga mata nito ang labis na kalungkutan.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mukha ng lalaki bago siya nito tinalikuran. Pinagmasdan nang maigi ni Carlo ang papalayong si Bullet habang pilit nitong sinasariwa sa isipan niya kung ano ba talaga ang ibig tukuyin sa kanya ng mga tinuran ng lalaki.

Ngunit sa kasamaang-palad ay wala siyang nahagilap na kasagutan sa mga tanong niya, nananatili pa rin itong isang palaisipan para kay Carlo.

"Oh bakit ang tagal mo? Nagalit ba sa'yo yung hinalikan mo?" Ang bungad na tanong ni Tristan kay Carlo pagbalik nito sa kanila.

"Medyo. Pero huwag kayong mag-alala dahil humingi naman na ko ng sorry doon sa tao." Ang pagdadahilan ni Carlo. Inilihim na nito sa kanila ang naging pag-uusap nila ni Bullet.

Tumangu-tango lang sina Tristan at ang iba pa sa kanya.

"Anong balak ninyo ngayon? Susundan pa ba natin yung isang bote?" Ang tanong naman ni Sylvester sa kanila.

Tumanggi na sa kanila si Carlo. "Tama na ang isang bote para sa akin, kayo na lang siguro kung gusto niyo pang uminom." Ang wika niya.

Kalaunan ay nagbukas muli sila ng isa pang bote subalit tanging kina Tristan, Sylvester at Spencer na lamang umiikot ang tagay. Pasado ala una na ng madaling araw nang sila'y matapos.

Tuluyan nang bumagsak sina Spencer at Sylvester sa dami nilang nainom na alak. Pinagtulungan na nina Tristan at Carlo ang pagliligpit at paglilinis ng mga kalat. Matapos nilang mailipat ang tatlo sa inilatag na higaan ay saka nagpaalam si Carlo sa kaibigan para umuwi.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon