Chapter Forty Three

2K 101 24
                                    

"Yan talaga ang susuotin mo? Sa bahay lang naman tayo kakain, hindi sa isang five star hotel."

Hindi makapaniwalang sambit ni Carlo habang pinagmamasdan niya si Bullet na nagbibihis, nakasuot kasi ito ng tuxedo na ginagamit lamang niya sa mga pormal na okasyon.

"Tch. It's my first time to meet your parents as your boyfriend so that's why I want to look pretty decent when I introduce myself to them later." Ang paliwanag ni Bullet habang inaayos nito ang kanyang kurbata sa harap ng salamin.

Napailing naman na lumapit si Carlo sa nobyo para tulungan ito. "Naiintindihan ko naman yung nais mong ipahiwatig pero magugustuhan ka nina tatay at nanay kahit na simple at ordinaryo lang din ang suot mo. Pwera na lang kung hubo't-hubad kang haharap sa kanila, yan dyan ka na kabahan talaga." Ang natatawang sabi niya.

"That part is exclusively for your captivating eyes only, Mrs. Dominguez." Ang wika ni Bullet sabay halik sa labi nito. "And your lips, that precious lips will be mine only."

"Sige na. Panalo ka na, nadaan mo na naman ako sa mga ganyan paandar mo. Tara na nga at pihado akong naghihintay na sila doon sa bahay." Ang saad ni Carlo.

Bago sila umalis ay muli siyang hinalikan ng nobyo.

"Thank you and I love you, Mrs. Dominguez." Ang sambit ni Bullet.

Isang ngiti ang sumilay kay Carlo. "You're welcome and I love you too, Mr. Dominguez." Ang sagot niya.

Magkahawak ang kamay ay sabay na pumasok ang dalawa sa loob ng bahay. Naabutan nila na nakaupo sa may hapag-kainan sina Jay, Ferdie, Zoey, Tin, Morris at ang mag-asawang Delfin at Susan.

Lahat sila ay huminto sa kanilang pag-uusap at dumako ang mga tingin sa dalawang bagong dating.

Napatakip ng bibig si Susan, waring batid na nito ang mga susunod na mangyayari. Samantalang nanlilisik naman ang mga mata ng dating nobyo na si Morris sa kanila.

Ngunit sa kabila nito ay hindi nagpatinag si Carlo sa kanyang gagawin.

"Good morning po, nais ko pong ipakilala sa inyong lahat si Bullet, boyfriend ko po."

"Tch. I don't like that." Ang wika ni Bullet. Napakamot na lamang ng ulo si Carlo habang pinagmamasdan ang kanyang nobyo. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang department store at namimili, nakakailang palit na kasi si Bullet ng damit subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakapili.

"May I borrow a bit of your home essentials time, Mrs. Dominguez?" Ang tanong ni Bullet sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang paggo-grocery ni Carlo, tuwing sabado kasi ay namimili ito hindi para sa kanya kundi para sa nobyo. Magmula nang maging sila ay naging responsibilidad na ni Carlo ang pag-aasikaso sa kusina ng lalaki.

Napabuntung-hininga si Carlo. "May magagawa pa ba ko? Sige na, take your time." Ang tanging nasabi na lamang niya bilang tanda ng pagsuko dito.

"Thank you. I'll be more patient in the supermarket later, that's a promise." Ang pangako ni Bullet sabay kindat sa kanya.

"Sinabi mo yan ah? Wala nang bawian yan." Ang saad ni Carlo.

"Yes, I'll promise. I love you, Mrs. Dominguez."

"I love you so much, Mr. Dominguez."

Habang pumipili ng damit si Bullet sa di kalayuan ay hindi naman maalis ang ngiti sa mukha ni Carlo habang tinitingnan niya ang lalaki. Hindi niya lubos na akalain na magiging ganito kasaya sila ngayon magbuhat nang ipakilala niya bilang nobyo ito. Bakas pa rin sa alaala ni Carlo ang pangyayaring yaon.

Pabalik-balik sa paglalakad sa may sala si Delfin. Nakatanaw sa malayo at waring malalim ang iniisip. Ilang sandali pa ay umupo ito, kaharap niya ang asawang si Susan habang sina Morris, Carlo at Bullet naman ay nakaupo sa may sofa. Lahat sila ay tikom ang mga bibig at nakamasid lang sa padre de pamilya.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon