Chapter Twenty Six

8.6K 260 54
                                    

Magpahanggang ngayon ay nananatili pa rin tikom ang bibig ni Bullet sa destinasyon na kanilang pupuntahan. Inabutan na sila ng takipsilim sa gitna ng dagat kung kaya't doon na din sila sa yate kumain ng kanilang hapunan.

"Is that your boyfriend?" Tanong ni Bullet sa kanya. Napansin kasi nito ang madalas na pagtunog ng cellphone ni Carlo habang sila ay kumakain.

"Ah oo. Nag-uupdate kasi si Morris sa akin tungkol sa nangyayari doon sa resort. Syempre kasama na din yung ginagawa niya doon tapos ako din, sinasabi ko sa kanya yung ginagawa ko dito." Ang paliwanag naman ni Carlo sa kanya habang patuloy ito sa pagtipa ng kanyang cellphone.

Napangiti si Bullet. "You both are so clingy to each other. I remember myself in your boyfriend. I always keep in touch with my girlfriend, same thing with her. We've been talking and texting to each other twenty four hours a day, seven days a week." Kwento niya dito.

Huminto sa pagtitipa ng cellphone si Carlo saka ibinaling nito ang tingin kay Bullet. "Hindi ba kapag palaging ganun ang ginagawa ninyo ay darating sa puntong magkakasawaan kayo? Okay lang siguro kung paminsan minsan niyo lang ginagawa yan pero kung madalas na ay tingin ko hindi na healthy para sa inyong relasyon yung ganyan set-up." Wika niya.

Huminga ng malalim si Bullet. "I guess you were right. Maybe that's one of the reasons why she left me. She's been fed up with the kind of relationship that we've had." Ang malungkot na sabi niya kay Carlo.

"I'm sorry, Bullet kung nabanggit ko pa ito sa'yo. Alam kong hindi mo maiiwasan na masaktan pa rin sa tuwing mababanggit ang dati mong nobya pero huwag mo sanang hayaan ang sarili mo na magpakalunod sa lungkot. Deserve mo din ang maging masaya at matupad ang iyong mga pangarap sa buhay tulad ng ginagawa ngayon nung dati mong karelasyon." Ang payo ni Carlo sa kanya.

Namangha naman si Bullet sa mga sinabi sa kanya ni Carlo. "Wow. That's the first time you've said something good in our conversation. Is there something in the food that makes you change in an instant? I wonder." Tanong niya.

Natawa naman si Carlo sa naging tanong nito. "Baliw. Syempre kahit papaano ay may napupulot din akong aral mula sa'yo at sa mga naging karanasan ko. Sinusubukan ko siyang i-apply sa buhay ko ngayon para maiwasan ko ulit ang parehong pagkakamali na nagawa ko na dati." Ang paliwanag naman nito kay Bullet.

"That's good to know. Thank you for your wonderful and very timely advice. I will take note of that." Wika naman ni Bullet sa kanya.

Matapos ang kanilang hapunan ay naisipan ni Carlo na magpahangin sa harap ng yate. Bumungad sa kanya ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit at ang bilog na buwan na siyang tumatanglaw sa kanilang paglalakbay.

"Ang ganda." Ang tanging nasabi ni Carlo habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"Yeah. It's so beautiful." Bungad ni Bullet ngunit hindi ito nakatingin sa langit kundi nakatutok ang mga mata nito sa direksyon ni Carlo.

"Parang hindi naman yung langit ang tinutukoy mo." Ang natatawang sabi ni Carlo sa kanya.

"Hindi nga." Sagot naman ni Bullet sa kanya. Lumapit ito kay Carlo at iniabot sa kanya ang hawak nitong tasa.

"Coffee?" Alok ni Bullet.

"Uy salamat. Tamang tama, malamig pa naman dito sa taas." Wika ni Carlo sabay kinuha nito ang tasa na hawak niya. Umupo si Bullet sa kanyang tabi. Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang ganda ng langit ay muling tumunog ang cellphone ni Carlo.

"Si Morris, tumatawag. Sasagutin ko lang." Wika ni Carlo. Tatayo sana ito para lumayo ngunit pinigilan siya ni Bullet. "No worries. Okay lang kahit hindi ka na umalis sa pwesto mo. I'll behave myself." Wika niya.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon