Chapter Forty Seven

1.9K 101 56
                                    

"Actually, we are the surprise. Happy birthday, son."

Hindi nakakilos si Miguel nang marinig niya ang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran, tila napipi din ito dahil nakaawang lang ang kanyang bibig subalit walang tinig na lumalabas mula dito.

Sa puntong ito ay lumapit na si Carlo kay Miguel. Kahit siya man ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari ngunit mas pinili niya ngayon na maging mahinahon para sa kanyang kaibigan. Inalalayan niya ang kaibigan paharap sa dalawang importanteng tao sa kanyang buhay.

"D-Dad? M-Mom? Y-You're here. Y-You're real..." Ang nauutal na sabi ni Miguel, kita sa reaksyon ng mukha nito ang labis na pangungulila sa kanyang mga magulang.

"Of course we're real, anak. We couldn't afford to miss your special day that's why we're here now." Ang masayang wika ng ina.

Hindi na napigilan ni Miguel ang sarili, dagli itong lumapit sa kanyang mga magulang upang yakapin sila nang mahigpit. "I miss you both." Nagsimula naman mangilid ang luha sa kanyang mga mata, hindi dahil sa kalungkutan kundi sa labis na saya na nadarama niya.

"We miss you too, son. We deeply regret those lost years that we are not present in your life because we choose to concentrate ourselves in business over you. We take you for granted and we're very sorry for that." Ang pahayag ng kanyang ama.

"Ang tanging hangad lang namin ay mabigyan ka ng magandang kinabukasan kaya tinanggap ng ama mo ang posisyon sa ibang bansa. Nang dahil sa desisyon na iyon ay tuluyan na kaming napalayo sa'yo. Basta ka na lang namin iniwan sa pangangalaga ni Aida, ni hindi man lang namin inisip ang mararamdaman mo. Labis kaming nagsisisi sa aming ginawa, sana'y mapatawad mo pa kami, anak." Ang paliwanag naman ng kanyang ina.

Saglit na kumalas mula sa pagkakayakap si Miguel, nagpahid muna siya ng luha pagkatapos ay nag-angat ito ng ulo upang salubungin ang mga tingin ng kanyang mga magulang.

"Hindi niyo po kinakailangan na humingi ng tawad sa akin dahil hindi naman po ako galit sa inyo. Aaminin ko po na nung una ay sumama ang loob ko, hindi ko naiintindihan ang dahilan kung bakit kailangan pa ninyong pumunta sa ibang bansa para doon magtrabaho. Pero ngayon ay nauunawaan ko na po ang lahat kaya wala po kayong dapat na ipangamba pa. Ang totoo po nito ay sobra akong nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng mababait, mapagkalinga at mapagmahal na magulang, kasama sa bahay at mga kaibigan. Wala pong rason para ako'y malungkot at magdamdam." Ang sagot ni Miguel sa kanila.

"Thank you, son. We will make it up to you." Ang pangako sa kanya ng ama.

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na makita kayong tatlo na magkakasama. Teka sandali at kukunan ko kayo ng picture." Ang maluha-luhang sabad ni Manang Aida. Kinuha niya ang camera at pinapwesto sila sa harap ng function area. Lahat ng tao na nandoon ay pawang napapasinghot at nagpapahid ng mga luha habang sinasaksihan nila ang masaya at makapagbagbag-damdaming tagpo ng pamilya.

Nakaramdam ng kaunting lungkot sa puso si Carlo habang pinagmamasdan niya si Miguel kasama ang mga magulang nito. Bigla kasing sumagi sa kanyang isipan ang nobyong si Bullet. "Sana nandito ka para nakita mo din kung gaano kasaya ang pinsan mo." Ang mahinang usal niya, bakas sa himig nito ang pagkasabik na makitang muli ang lalaking labis na pinakamamahal.

"What's with the sad face?" Ang tinig galing kay Tristan.

Nilingon ni Carlo ang kaibigan. "H-Ha? Anong sinabi mo?"

Napailing ng ulo si Tristan. "Mukhang malalim ang iniisip mo kanina kaya hindi mo narinig yung tinanong ko sa'yo."

"Sorry. Narinig ko naman pero hindi ko naintindihan. Ano nga ulit yung tanong mo?"

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon