Chapter Thirty Eight

11.4K 336 116
                                    

Naging abala si Carlo sa kanyang pag-aaral sa bago niyang eskwelahan sa pagsisimula ng pasukan. Madali siyang nakapalagayan ng loob ng iba pa niyang mga kaklase dahil sa pagiging masayahin at positibo nito. Napawi ang lahat ng agam-agam ng kanyang mga magulang nang makita nila ang mga magagandang nangyayari sa kanilang anak.

"Nakakabilib ka talaga, bunso." Ang wika ni Miguel kay Carlo habang sila ay kumakain sa canteen.

"Bakit naman po kayo bumibilib sa akin, kuya?" Ang tanong sa kanya ni Carlo.

"Kasi biruin mo, dalawang buwan ka pa lang dito sa school pero ang dami mo ng ginagawa. Pero kahit busy ka sa extra-curricular activities mo ay hindi mo pa rin napapabayaan ang iyong pag-aaral. Sabi nga ni Tristan baka ikaw daw ang maging top one ngayong first grading. Nagpustahan pa nga ang mga loko-loko natin mga kaibigan." Ang natatawang kwento sa kanya ni Miguel.

"Naku sigurado ako na si Spencer ang nakaisip ng pustahan na yan, baliw talaga yun. Pero yung totoo ay kaya ako nagsusumikap at nag-aaral nang husto ay para maging proud sa akin sina tatay at nanay. Ayaw ko silang bigyan ng sakit ng ulo. Ano bakla na nga, pasaway pa?" Ang pabirong sabi ni Carlo sa kanya.

"Hindi ka naman pasaway bunso at huwag mong iisipin na walang halaga ang pagiging bakla mo dahil ang totoo nga nyan ay marami kang napapasaya at nabibigyan ng inspirasyon para mag-aral nang mabuti. Isa na ko doon." Ang wika sa kanya ni Miguel.

"Salamat sa'yo, kuya. Alam mo naman na isa ka sa mga nagpapalakas ng loob ko kaya pakiramdam ko ay kakayanin ko ang mga pagsubok na darating sa akin. Pasensya ka na kung madalas ay hinahamak ko ang aking sarili. Hindi ko kasi maiwasan na panghinaan ng loob kapag ang kasarian ko na ang napag-uusapan." Ang malungkot na sabi ni Carlo sa kanya.

"Ano ka ba bunso, huwag kang ganyan. Hindi naman lahat ng tao ay tulad ng iniisip mo. Ako, sina Tristan, Sylvester at Spencer, hindi ba buong puso ka namin na tinanggap nang umamin ka sa amin? Ni minsan ay hindi mo kami kinakitaan na pinandirihan o hindi kaya ay ginawang katatawanan ang kasarian mo. Huwag mong isipin ang ibang tao na hindi ka naman tanggap. Ituon mo ang iyong sarili doon sa tanggap at mahal ka kung ano at sino ka. Huwag mong pag-aksayahan ang mga bagay na magpapalungkot lang sa'yo. Doon ka lang palagi sa positibo at masaya." Ang payo naman sa kanya ni Miguel.

Nangilid ng luha ang mga mata ni Carlo sa sinabi ng kaibigan sa kanya. "Ano ba yan kuya, sa lahat naman ng lugar na mapipili mo ay dito pa sa canteen mo naisipan na paiyakin ako. Kainis ka talaga." Ang wika niya.

"Sorry naman, bunso. Gusto ko lang palakasin ang loob mo. Sadya lang talaga na iyakin ka." Ang pabirong sabi ni Miguel sa kanya.

"Tse! Tapusin na nga natin itong kinakain natin at marami pa tayong gagawin." Ang sambit naman sa kanya ni Carlo.

Labis ang pasasalamat ni Carlo dahil mayroong isang Miguel na umaagapay sa kanya. Lalo pa ngayon na hindi sila nagkakaintindihan ng kanyang nobyo na si Morris.

Nag-ugat ang kanilang problema nang sumapit ang second monthsary nila. Mula nang magsimula ang klase ay unti-unting nababawasan na ang oras nila para sa isa't-isa. Muli kasi siyang inaya ng nobyo at ngayon ay gusto na nitong may mangyari na sa kanila, nais nitong pasukin ang butas ni Carlo. Pilit niyang pinaintindi sa kanyang nobyo na hindi maaari dahil hindi pa niya kaya. Doon na nagsimula ang kapansin-pansin na pagbabago ni Morris. Nagalit ito sa kanya at nagawa pa siya nitong sumbatan.

Matapos ang kanilang second monthsary ay lumipas pa ang isang linggo bago siya muling kinausap ni Morris. Kung hindi pa pumunta si Carlo sa kwarto ng nobyo para kausapin ito ay baka tumagal pa ang pang-dededma sa kanya. Kinailangan pa niya na paligayahin ito para sila ay magkabati lang.

Pinangangambahan ni Carlo na baka muli itong maulit ngayong nalalapit na naman ang kanilang third monthsary. Nagdadalawang isip ito kung papayag ba siya na ibigay kay Morris ang kanyang virginity o hindi. Nag-aalangan siya sa ipinapakitang pagbabago ng ugali ng nobyo.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon