Chapter Sixteen

10.9K 291 6
                                    

"Sir." Wika ni Carlo. Pilit niyang ginigising si Bullet ngunit tila lumalim na ang pagkakahimbing nito sa kanyang mga hita.

"Sir gising na po. Namamanhid na po kasi yung mga binti ko." Wika niya. Marahan niyang tinapik tapik ang pisngi nito. Nagbabaka sakali siya na magising ito sa ganitong paraan. Naging epektibo ang ginawa ni Carlo dahil kalaunan ay nagising si Bullet.

"Do I look ugly to you?" Tanong ni Bullet. Nabigla naman si Carlo sa tanong niya. "Ho? Hindi naman po. Bakit niyo pala naitanong yan?" Wika niya. "Nothing. It was just a random thought in my mind." Sabi ni Bullet. Kahit hindi man niya aminin ay tila nahuhulaan na ni Carlo ang ibig ipahiwatig nito sa kanya. "Tingin mo ba kung pangit ka may lalapit ba sa'yo na mga babae para matikman ka? Syempre wala di ba? Kaya hindi ka pasok sa category ng pangit." Sabi ni Carlo. "So tell me, which category do I fit in?" Tanong ni Bullet. Nag-isip muna si Carlo bago ito sumagot. "Hmmm manyak pero malalim mag-isip tapos seryoso tsaka generous." Wika niya. "Seriously? Is that what you think of me? A pervert human being?" Hindi makapaniwalang sabi ni Bullet. "Sorry na sir pero yun talaga ang tingin ko sa'yo nung una. Kalaunan naman ay bumawi ka na sa ibang personality traits." Wika ni Carlo. Napabuntung hininga si Bullet. "I guess first impression lasts after all." Wika niya. Nakahinga ng maluwag si Carlo nang bumangon si Bullet.

"Did it hurt?" Tanong ni Bullet. Napansin niya kasi na minamasahe ni Carlo ang magkabila niyang hita. "Ahhh medyo. Namamanhid kasi yung mga binti at hita ko." Sagot naman ni Carlo. Nagulat siya ng simulang masahiin ni Bullet ang namamanhid niyang mga binti. "Teka sir, ako na lang po ang magmamasahe." Ang nahihiyang sabi ni Carlo habang pinipigilan niya ang mga kamay nito. "I insist. I was the one to blame bakit namamanhid yan ngayon." Pagpupumilit naman ni Bullet. Nahihiya man si Carlo ay pumayag na din ito kalaunan. Hindi kasi siya makatayo ng maayos dahil pakiramdam niya ay para siyang pinupulikat.

"Masakit pa ba?" Tanong ni Bullet habang minamasahe siya. Tumango naman si Carlo bilang sagot sa kanya. "Saan parte ba yung masakit?" Tanong muli niya. "Dito oh..." Wika ni Carlo sabay turo sa parte ng hita kung saan ito namamanhid. Natatakpan ng shorts na suot ni Carlo ang kaniyang hita kaya kinailangan ni Bullet na iangat ng kaunti ito. Tumambad sa kanyang harapan ang malasutlang kutis na mga hita ni Carlo. Sa unang pagkakataon ay napalunok si Bullet ng kanyang laway. Hindi niya mawari ang kakaibang init na kanyang nadarama habang pinagmamasdan niya ito. Napansin naman ni Carlo ang biglaan pananahimik ni Bullet habang nakatitig sa kanyang mga hita.

"Sir okay lang po ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Carlo. "Huh? Y-Yeah I'm o-okay." Ang nauutal na sabi ni Bullet. "Parang hindi kayo okay sir, pinagpapawisan po kayo. Masama po ba ang pakiramdam niyo?" Tanong muli ni Carlo. "I'm not sick. I feel hot that's why I sweat a lot. Enough with me. I will start massaging you now. Just relax. Okay?" Paliwanag ni Bullet. Tumango naman si Carlo bilang pagsang-ayon dito.

Hinilot ni Bullet ang parte kung saan ito masakit. Madiin pero banayad ang bawat hagod ng kamay nito sa kanyang hita. Nakadama naman ng pagkailang si Carlo habang minamasahe siya ni Bullet. Konti na lang kasi ang pagitan ng mga kamay nito sa kanyang natutulog na alaga. "Sir tama na po. Ako na lang po ang maghihilot ng hita ko." Ang nahihiyang sabi ni Carlo. "No. It's fine with me." Wika naman ni Bullet habang patuloy na minamasahe ang hita ni Carlo.

Hindi mawari ni Bullet ang init na kanyang nararamdaman habang siya ay nagmamasahe. Pinagpapawisan siya ng todo gayun malamig at mahangin naman sa kanilang pwesto. Hindi ito ang unang beses na nagmasahe siya ng parte ng katawan ng ibang tao. Kadalasan ay sa mga babae niya ito ginagawa hindi sa kapwa niya lalaki lalo na maging sa mga bakla. Ngunit kakaiba si Carlo sa lahat dahil siya lang ang nakagawa nito kay Bullet. Habang pinagmamasdan ang hita ni Carlo ay sunod sunod ang paglunok ni Bullet ng kanyang laway. Tila natuyo ang kanyang mga lalamunan habang nakatitig dito. Maputi at makinis ang balat ni Carlo tulad ng kanyang ina. Nahahalata ang pagiging maalaga nito sa kanyang sarili.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon