Chapter 40: Infront of a Mirror

Start from the beginning
                                        

And Sir Harris! Tinanggal niya ang cloak ko noong sumugod naman ako sa Torch Base at natigilan siya ng makita ang likod ko! Damn!

Ako pala si Snow?!

Tumalikod ako kay mama at marahas na pinunasan ang aking mga luha.

Linakumos ko ang dalawang DNA test at tinapon sa batis samantalang ang DNA Test na nagsasabing si Sir Harris ang ama ko ay tinupi-tupi ko't itinago sa aking bulsa. Pinulot ko ang twin dagger ko at sunod kong pinulot ang baril ni Mama.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon dahil sa aking nalaman. I know, my eyes were bloodshot but I don't care. Nagtataka si Mama dahil sa aking kinikilos. Mama, You're already busted. And I won't let you know that I already know the truth.

Nakaramdam ako ng mga hakbang. Tila mga tumatakbong tauhan ni Trevor kaya agad kong hinubad kay Mama ang kanyang cloak na suot.

"What are you doing?! Pakawalan mo ako!" Singhal niya sakin. Hindi niya ako nakikilala. Nagtataka pa rin siya sa aking naging reaksyon.

"Shut up." I said in a cold tone.

Ng matanggal ko ang cloak niya ay tinapon ko iyon sa batis and the next thing I did is something I don't really want.

Tinutukan ko ng baril si Mama kaya pilit siyang nagpupumiglas. But I pulled the trigger without blinking.

I'm sorry Mama, I have to do this.

"Ugh!" Napadaing si Mama sa sakit ng tamaan siya sa kanyang braso. Daplis lamang iyon pero alam kong nasaktan ko si Mama sa ginawa ko. But I have no choice.

Itinapon ko rin sa batis ang baril at agad na lumapit kay Mama at inalalayan siyang tumayo kahit nagpupumiglas pa rin siya. Matalim niya akong tinitigan ngunit nagulat siya ng kalasin ko ang gapos niya sa paa at kamay. Hindi siya nakagalaw ng ilang segundo lalo na ng punitin ko ang aking cloak at ipinulupot sa kanyang sugat na ako mismo ang gumawa.

"Cherry?"

Pareho kaming napalingon ni Mama sa humahangos na si Trevor. Na sa likod niya ay si Cace at iba pang Autotrophs.

Kunot ang noo ni Trevor na bumaling sa akin.

"What happened here?" Tanong niya at pinagmasdan ang paligid.

"The Intruder kidnapped your wife, Master. Ginamit niya si Mistress Chiena upang makahanap ng mapapasukan sa Mansyon." I answered in a flat tone.

Tumango naman si Trevor at agad na linapitan si Mama. Mama on the other hand ay kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Hindi makapaniwala sa pagsisinungaling ko sa aking master.

"Blue Rose.." Trevor called me. "Capture that Intruder." Utos niya sa akin at tumango ako bilang sagot.

Bumalik sila sa loob ng Mansyon habang ako'y pinagmasdan silang papalayo sa akin.

Ng tuluyan silang makalayo, agad kong binalingan ang ilang Autotrophs na naiwan upang maghanap rin.

"Habulin niyo siya, ang batis ang kanyang dinaanan upang makatakas." Utos ko sa kanila. Ang iba'y ayaw akong sundin but when I said.. Dorn at umilaw ang aking twin dagger, sumunod sila sa aking utos.

Ng makalayo sila, agad akong bumalik sa mansyon upang magbihis ng pangtulog.

Napatulala pa nga ako sa salamin ng tingnan ko ang aking repleksyon..

I saw my father's face right infront of me.

Huminga ako ng malalim.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at bumukas agad iyon. Ilinuwa noon si Cace na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

"Nakilala mo ba ang may gawa nito sa Mama mo?"

Umiling ako bilang sagot. Tumango siya sa aking tugon.

Bumaba ako at natagpuan ko si Mama sa couch.. nakaupo siya roon at linagyan na panibagong benda ang kanyang sugat.

Tulala siya habang nakaupo at pilit siyang kinakausap ni Trevor ngunit hindi siya nagsasalita. Sorry Ma if I have to hurt you.. I didn't do that for revenge.. ginawa ko 'yan upang mapaniwala si Trevor na hindi ikaw ang Intruder.

"Ma.." I called her. Umangat ang kanyang tingin sa akin. And I saw it.. nakikita ko kung gaano siya ka-guilty sa akin. Maaaring pinag-iisipan niya kung sino si Blue Rose dahil alam niyang may ibang nakaka-alam ng kanyang sekreto.

"What happened to you?" Sinubukan kong burahin lahat ng kapaguran sa aking boses.

Umiling lamang sa akin si Mama at yinakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry, baby.. I'm sorry my ice cream.." paulit-ulit niya iyong binubulong sa akin. I tapped her back to make her calm. Alam kong ako lang ang nakakaintindi sa kanyang binubulong.. umiyak si Mama sa balikat ko at hinayaan kong siyang gawin iyon. Akala ko nga, iiyak ako ulit ngunit hindi.. kaunti lamang siguro ang luha ko.. madaling maubos..

O baka, tulad ko ay pagod na rin ito..

💙

"How's your Mama?" Tanong sa akin ni Trevor na nag-abang pala magdamag sa pinto ng kwarto niya. Sa kwarto kasi ni Trevor pinatulog si Mama. Magdamang ko siyang pinatahan. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit siya umiiyak. Natatakot ba siya na baka kapag nalaman ko ang totoo ay iwan ko siya?

"She's sleeping." Sagot ko't sinarado ang pinto.

Maglalakad na sana ako paalis ngunit tinanong ulit ako ni Trevor kung ano ba talaga ang nangyari.

"Nakita ko si Mama na tumatakbo habang pinapaulanan ng bala ng intruder. I helped her but she's already wounded. Nakatakas pa rin ang Intruder dahil mas kinailangan kong bigyan ng paunang lunas si Mama kaysa habulin ang sino mang nanakit sa kanya."

I said in a very flat tone. Maging ako'y napapansin ko na ang pagod sa aking boses.

Muling bumalik sa akin ang katotohanang hindi siya ang tunay kong ama.

Ano kaya ang magiging reaksyon mo Trevor, kapag nalaman mong ang kinikilala mong anak ay anak pala ng iyong kalaban?

"Because you're my Cherry's daughter. And I love her so much that it made me love the person she carry for nine months.. even if it's not mine. Even if your not mine.. I love you as my daughter that's why I want you to always be strong."

Ano ang mararamdaman mo Trevor, kapag nalaman mo ang totoo na ang sinasabi anak na minahal mo kahit hindi iyo ay hindi naman talaga anak ng taong minamahal mo..

Sabi mo, minahal mo ako dahil anak ako ng taong pinakamamahal mo.. But Trevor.. that was a lie..

I'm Sir Harris Daughter..

I'm not yours in the first place..

I'm not Mama's daughter..

I'm not from her.. She didn't bear me on her womb for nine months.

💙

Code: ICE (Code Series #1)Where stories live. Discover now