Chapter 40: Infront of a Mirror

Start from the beginning
                                        

Kunot ang noo ni Mama ng balingan niya ako. Makikita ang pagtataka dahil sa reaksyon kong kanyang nakikita.

"Explain this to me!" Singhal ko kay Mama. I love her as my mother. I really do love her as my mother.. but this time.. I don't know what to feel. I'm in the deepest frustrations at halos ayaw kong paniwalaan ang katotoohanang nasa harap ko na.

Kasi pano mangyayaring si Sir Harris ang tunay kong ama kung hindi naman nila kilala ang isa't isa?

And then I remember the sketch.. ang sketch ng isang pamilya na nakaframe sa ibabaw ng desk ni Sir Harris.

It was him hugging a woman beside him, two little girls and a boy. Bakas ang ngiti sa mukha niya roon, malayong-malayo sa mukha niya ngayon. The woman he's hugging looks familiar in my eyes, pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita o nakilala. Her hair was wavy ang long, her eyes was dark, it reflects her dark hair. She has that skinny body. But the highlights of her beauty was her smile. It's warm and peaceful. Parang walang pinagdadaanan na problema. Napadako ang tingin ko sa dalawang batang babae. Hindi sila magkamukha. Ang isa'y parang maliit na version ng babaeng yakap-yakap ni Sir Harris. Ang isa nama'y parang halo lamang ang kaniyang itsura-her eyes reflects Sir's but her smile reflects the woman. Ang lalaki naman sa kaniyang tabi ay halos kamukha niya. It's looks like, they're twins.

"Caramel? How sweet! At malapit na sa Carmela! Wow. Ang tamis naman ng pangalan mo. Pero, para kang si Daddy." Sabay lingon ni Desire kay Sir Harris na sobrang seryosong nakatingin sa kanyang anak. "A Human Ice."

"Manang-mana ka sa Daddy mo." - Mama.

"Manang-mana ka talaga sa Daddy mo." - Wright Mama.

"Acting like you didn't care but the truth is, you care more than anyone else." - Wright Mama.

Napapikit ako ng mariin sa mga sumasagi sa isip ko.

"You look like your father, and beautiful like your Mother. It's a good thing that you inherit character traits from both of your parents."

Napahalakhak ako sa aking mga naiisip. All this time, na sa harap ko lang ang sagot? I should have look in the mirror! Damn!

Ba't ngayon ko lang pinansin ang mga sagot na matagal na palang nasa harap ko?!

Kamukha ko ang tunay kong ama. And Sir Harris and I both have caramel eyes. Hindi siya kasing puti gaya ko, but our hair! Parehong-pareho ang kulay ng aming buhok. The way our face was structured, It's almost the same too! The shaped of our jaw line, our nose, our cheeks, our forehead.. I look exactly like him! Gosh! Bakit ngayon ko lang 'yon pinansin?!

I know, hindi iyon mahahalata kasi babae ako at lagi rin nakasalamin si Sir Harris but what the hell?! Isa pala ako sa sketch na 'yon?!

"...Kung totoong buhay pa nga ang kambal, maaaring kasing edad niyo na ni Orville ang mga kapatid ko ngayon."

Naalala ko ang binitawang salita noon ni Desire.

All this time.. I thought I was pretending to be Snow..

Ang totoo pala'y.. hindi ako nagpapanggap?

Ang marka ni Snow..

Napasabunot ako sa aking sarili ng maalala kong may birthmark nga pala ako sa aking likod. Damn! All this time, iyon ang sinasabi nilang marka ni Snow?

Ang birthmark ko na kasing hugis ng snowflakes?! Iyon ang marka ni Snow?! Naalala kong noong gabi nga palang sumugod kami sa Mansyon na ito dahil sinundan namin si Mama, nahubad nga pala ang hoody jacket ko kaya sigurado akong na-expose ang birthmark ko n'on.

Code: ICE (Code Series #1)Where stories live. Discover now