32

416 25 16
                                    

Elladem

Patuloy lang akong naglalakad. Nagulat ako nang may humigit ng aking braso. Napatingin ako rito.

"A-alex?" Banggit ko sa kaniyang pangalan. Nakipag titigan ako sakaniya. Siya unang umiwas.

"E-ella, wala na akong ka relasyon. I don't have any gf anymore." Nagtaka naman ako at napatitig sakaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakaniya. Huminga siya ng malalim.

"Wala na kami ni Lize. Nakipag break siya sakin last night and di ko manlang nalaman ang rason niya." Tugon niya.

"Kaya please, Ella. Stop saying na mali yung ginawa natin. I really mean it. May ibig sabihin yung mga halik na yun Ella." Di ko namalayan na may tumulo nanamang luha sa aking mga mata.

"Alam mo Alex? Wag ka nga mag salita ng ganiyan. Umaasa ako ano ba!" Sigaw ko sakaniya at aalis na sana nang higitin niya nanaman ang aking braso at nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.

H-hinalikan niya ako. Yes. We kissed again.

"A-ano ba!" Sigaw ko at pilit siyang tinutulak kaso di niya talaga binitawan ang aking mga labi. Ilang minuto, siya na ang unang bumitaw sa halik.

"E-ella. I love you." Napatingin naman ako sakaniya.

"H-ha?" Utal kong tanong. He kissed my forehead.

"I love you, Ella. Mahal kita. Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon. Alam mo ba? Sa tuwing nakikita ka kasama ang kapatid ko, naiinis ako. Nag seselos ako. Ella, I really mean it. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon." Natulala naman ako sakaniya dahil sa sinabi niya.

"M-mahal rin kita." Tugon ko at unti unting nagdikit muli ang aming mga labi.

***

"Anak! Ella!" Napadilat naman ako nang sumigaw si mama mula sa baba.

"Ma! Ano po ba yun?!" Sigaw ko pabalik. Ilang minuto lang, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ma? Ano po ba kase yun? Aish, natutulog pa po ako e." Tugon ko sakaniya at napakamot pa sa aking ulo.

"Ella, nanjan sa baba si Alex. May dalang bulaklak. Hmm?" Nanlaki naman ang mata ko at agad akong tumayo. Tumungo ako sa Vanity Table ko at tsaka nag suklay ng buhok.

"Sus, anak ko ang papaganda." Napatingin ako kay mama. Lumapit ako sakaniya at unte unte siyang tinulak palabas.

"Maaaa, labas muna po kayo hehe." Tugon ko at tsaka sinara ang pinto. Huminga ako ng malalim at nag tungo sa cr at nag hilamos. Nag sipilyo narin ako.

"Okay na ba to? Aish, maganda naman na ako so goods na ito." Tugon ko at sinuot na ang aking salamin.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko agad mula dito sa taas si Alex na nakikipag kwentuhan kay mama at papa sa may sala.

"Alam mo ba kung bakit ang tagal ng babaitang iyun? Jusko, nagpaganda pa." Rinig kong sabi ni mama kaya agad akong bumaba.

"Ay Alex! Hindi totoo yun, nag suklay at hilamos  lang naman ako e. Tsaka, nakakahiya naman kung may muta pa ang mata ko na haharap sayo." Tugon ko at awkward na ngumiti.

"Sus, anak wag ako! Mapula pula pa nga yang labi mo." Tinignan ko ng masama si papa. Punyeta naman oh!

"Pa, Ma! Ano ba? Dun na nga muna po kayo, usap lang kami ni Alex hehe." Tumatawa pa sila na umalis sa sala.

"Aish! Hayaan mo na nga yun, bakit ka nga pala nandit--" di ko na naitapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa pisnge.

"A-alex?! Ano ba yan! Nandito sila mama ano ka ba." Kinikilig ko pang sigaw at umupo na sa sofa. Tumawa lang siya at umupo narin.

I hate you, Alex | ✓Where stories live. Discover now