04

1.2K 59 13
                                    

Chapter 04

Elladem's POV

*riiiiing*

After 5 hours, nag ring na ren ang bell at lunch time na namin. Nagayos lang muna ako ng gamit ko at tsaka tumayo na at binitbit ang bag ko. Aalis na sana ako, nang bigla akong harangin nung tatlong lalaki na mag ooffer sakin na ihatid ako sa seat ko.

"Hi, Ella. I'm Marco. Nice to meet you." Pakilala sa akin nung tinutukoy kong Classmate #1, Marco pala ang pangalan.

"Ako naman si Niel. Nice to meet you den, Ella." Pakilala naman nung classmate #2 na cute. Tumango lang ako at tsaka nakipag shake hands den.

"At ako naman si Drei." Nakipag shake hands den ako. Alam nyo na ren naman kung sino siya sa tatlo, diba? Siya classmate #3.

"Ah sge, nagugutom na kase ako. Pupunta na ako ng canteen." Paalam ko sakanila at nilagpasan sila. Lumabas na ako ng room at laking gulat ko na lahat ng estudyante nakatingin sa akin.

May dumi ba ako sa mukha? Wala naman siguro diba? Tch. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Joke.

"Siya ba yung new student na nasa section E?"

"Hindi ba halata siz? Galing nga sa loob ng Class Section E, diba?"

"Makakayanan niya kaya jaan?"

"Nako, feeling ko hindi."

Umirap ako ng palihim at tsaka nilagpasan sila.  Lumabas na ako ng Building namin at bulungan paren ang bumungad sa akin.

Ano bang meron at ako ang topic nila? Ganito ba sila kapag may new student? The heck?

"Potek na yan, ganun ba sila pag may new stud—." Di ko na natapos ang pagbulong ko nang marinig ko ang pinsan kong si Maja na nagsalita mula sa gilid ko.

"Oh, dear insan. Hello and welcome to the school that you're not belong." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Taena ba siya? Anong belong belong? Tanga! Siya yung di belong dito dahil sa basura niyang ugali. Oh come on, kahit pinsan ko siya? Wala akong pake! Basta, feeling ko talaga di ko siya kadugo.

"Ano nanaman ba?!" Pasigaw na tanong ko dito. Ganito kami tuwing family reunion. Sigawan here, sigawan there!

Lumapit naman siya sa akin with her two friends na parang espasol sa sobrang puti ng mukha. Sorry na. Mapanghusga kase talaga ako.

Naka shoulder bag silang lahat, at nakita ko naman sa uniform niya na 3rd year palang siya pero akala mo kung sinong matapang.

"Tch!" Tugon nito at tsaka nilagpasan ako. Nag flip pa siya ng hair kaya tumana sa buhok ko ang mabantot niyang kulot kulot na buhok na sobrang dry!

Oo! Feeling ko nga di siya naliligo, e! Puta! Kasuka! Kababaeng tao! Umirap lang ako sa hangin at tsaka nagtext kay Eron na sabay na kami mag lunch.

Hinintay ko naman siya dito sa labas ng 2nd year Department. Tagal naman nun! Ilang minuto nakalipas, nakita ko den si Eron na may kasamang tatlong lalaki. Tropa niya siguro 'to.

"Sge tol, nandito na pala ate ko. Later na lang!" Nag fist bump pa sila bago magsihiwalayan. Sana ol may kaibigan na.

Wala kase ako makaclose dun sa section ko dahil puro sila lalaki. Kainis! Ayoko naman mag kaibigan ng lalaki kase alam kong hihigit pa yun dun!

Oo na! Ako na ang advance mag-isip. Pero kase, alam ko den na dun rin tutungo dun. Di ko naman nilalahat.

"Sabay tayo mag lunch, ate?" Tumango ako kay Eron at tsaka naglakad na kami patungong Roses Canteen. Oo, may pangalan ang canteen nila dito. Arte diba? Charot!

I hate you, Alex | ✓Where stories live. Discover now