35

303 18 7
                                    

Elladem

"Parang tanga kayo." Tugon ko kila Mica at Drei na nagsusubuan pa ng pagkain.

"Bitter ka parin hanggang ngayon, Ella? Nililigawan ka na nga ni Alex." Nanlaki ang mata ko at tsaka lumingon kay Drei.

"Teka nga? Paano nyo nalaman, ha?" Singhal ko sakanila. May dinukot si Drei mula sa bulsa niya at yun ang cellphone niya. Hinarap niya sakin to at nakita ko ang convo nila. Nila ni Alex.

"Oy ah, okay na pala kayo ni Alex ah, ba't di kayo nagsasabi." Pang asar na tugon ni Niel. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy na kumain ulit.

"Kase mahal ko na uli siya." Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Alex. Napatayo naman ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sakaniya. Nginitian niya ako bago niya sagutin ang tanong ko.

"Kakain, alangan namang tumae ako." Tugon nito at tsaka umupo sa katabi kong bakanting upuan. Oh come on, gandang sagot naman nun, bwiset.

"Oh? Naka uniform ka? So, it means mag aaral ka na ulit dito?" Nakangiting tanong nina Marco. 

"What do you think? Tatambay lang ako dito?" Pilosopong sagot ni Alex. At kelan siya naging ganito? Kainis ah.

"Oh? Niligawan mo lang uli si Ella naging pilosopo ka narin?" Tugon ni Niel at tsaka tumingin sakin. "Ikaw, nakakahawa pala pagiging pilosopo mo, virus ba yan?" Natatawang tanong nito.

"Gaga." Tugon ko at tsaka kumain na ulit.

"Ganun talaga kapag nakatabi mo sa isang kama yung nanghawa sayo." Nanlaki naman ang mata namin at sabay sabay kaming lumingon kay Alex. "What?" Natatawang tanong niya.

"Bunganga mo." Bulong ko sakaniya at hinampas siya sa hita palihim. Napa-ouch naman siya at pinanlakihan ko siya ng mata.

"Woah? Wag nyong sabihin na--" Agad kong pinigilan si Mica sa sasabihin niya.

"Wala. Natulog lang siya roon, yun na yun. Wag na kayo mag isip ng kung ano pa yan." Pag putol ko at tsaka pinagpatuloy na talaga ang pagkain ko.

"What? Wala pa naman ako, kaming sinasabi ah? Bakit? Ano ba yang akala mo na iniisip namin, hmm?" Mica asked while smirking. I just roll my eyes and eat again.

"Tara na nga at kumain na lang." Singit ni Maxine at nakiupo narin sa table namin. 

"Babaeng to, parang kabute." Tugon ni Niel at tsaka tinuro si Maxine. "Wala kang pake." Tugon naman ni Maxine. Napailing na lamang ako at tsaka nag patuloy na kumain. 

"Order muna ako." Tumango lang kami at tumayo na si Alex para mag order sa counter. Sinundan ko siya ng tingin kaso. lumanding ang mata ko kay Lize na nakatingin kay Alex habang nag o-order. 

Hindi nanaman maganda pakiramdam ko sa manlolokong babaeng to. Biglang nanlaki angn mata ko nang sakin naman tumingin si Lize. Nag smirk lang siya at nag iwas uli ng tingin. Ba't ba napaka hilig niya mag smirk? E, kung banatin ko kaya yang labi niya tch.

Napairap na lamang ako at tsaka kumain na uli. Ilang minuto, nakabalik naman agad si Alex dala dala ang inorder niyang pagkain. 

***

"Oh, bumalik na kayo sa mga room nyo, tutungo na ako sa building ko. Bye." Tugon ni Mica at tsaka sumunod si Maxine, magkaiba kase kami ng building. Tumango lang kami at tsaka nag lakad na patungo sa Building namin.

"Oy, di nyo ba mamimiss tong Building? Ga-graduate na tayo next month, ta's itong Alex nyo, ngayon lang nag Transfer. San nga pala kayo mag c-college?" Tugon ni Marco habang nakatingin kami sa building namin.

I hate you, Alex | ✓Where stories live. Discover now