34

322 19 9
                                    

Elladem

"Ella, huy gising na." Napadilat ako nang may kumakalabit sa akin. Nakita ko naman ang mukha ni mama.

Tinignan ko ang tabi ko at nadatnan ko na wala na pala si Alex. Nasaan siya? Umuwi na ba siya?

"Ma, nasan na po si Alex?" Tanong ko kay mama.

"Nauna na siya. Umalis na, pupunta raw siya sa kumpanya nila. Ay tsaka nga pala, tawagan mo raw siya kung gising ka na." Sagot ni mama bago siya lumabas ng kwarto ko.

"Aish, di manlang ako ginising ng kumag na yun." Sabi ko sa sarili ko at tsaka kumilos na. May pasok nanaman kami ngayon, aish jusko.

"Ate, sabay na tayo ah?" Napatingin ako sa pinto at nakita ko roon si Eron. Tumango lang ako sakaniya at lumabas na siya dun.

Naligo na ako at nagready. Sinuot ko na ang uniform namin at tsaka inayos ko na ang aking buhok at naglagay ako ng kunteng make up sa aking mukha.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para kumain ng Almusal. Nakita ko roon sila mama at papa at Eron.

"Anak, dali na kain na tayo." Tumango ako at tsaka umupo na. Masarap naman ulam namin, pang karaniwang almusalan lang.

"Nga pala, may ginawa ba kayo ni Alex kagabi?" Napaubo ako dahil sa tanong ni papa. Ano ba yan!

"Pa! Kumakain tayo at tsaka, ano ba namang tanong yan. Gosh." Tugon ko kay papa.

"Sagutin mo na, Ella." Napatingin naman ako kay papa. Umiling ako.

"Buti naman." Tugon ni papa. Tinapos na namin ang pagkain at tsaka nagpahinga sandali bago kami umalis ng bahay.

"Ate, wala ba talaga?" Tanong ni Eron agad agad nang makalabas kami ng bahay. Binatukan ko nga.

"Isa ka pa 'no? Wala nga, e kung ikaw kaya tanungin ko kung ano na meron sainyo ni Davien." Tugon ko sakaniya.

"Davien? Tch, wag mo na nga banggitin yun. Naiinis ako dun." Tugon niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"E kase, nakita ko sa harap ng hotel may kasamang babae. Pft, bahala siya hahanap na lang rin ako ng babae." Tugon niya. Naglalakad na kami ngayon patungo sa terminal.

"Gago." Natatawa kong tugon. Nag kwentuhan lang kami ng kung ano-ano at nakarating na kami sa Terminal.

"Mukhang matatagalan tayo nito, Ate. Ang haba ng pila." Tugon ni Eron habang nakadungaw kami dito sa pinaka likod ng pila.

"Mukha nga, e wala na tayo magagawa kundi mag hintay, ayos lang yan ke't late tayo, tangek." Tugon ko sakaniya.

"Anong ayos dun? It's already 6:45. Ilang minuto na lang tanga." Sagot sa akin ni Eron. Napakamot ako sa batok ko.

"E, paano yan? Jusko naman, pag talaga ako yumaman bibili ako ng kotse para sating dalawa aish." Tugon ko at tsaka lumayas na kami sa pila.

"Lakad na lang kaya tayo? Pareho lang naman siguro yung minuto na tambay natin sa pila at sa paglalakad." Tugon ko kay Eron.

"Ngek? Ayoko nga, nakakatamad." Tugon niya. Binatukan ko nga. Tamad tamad na bata.

"Anong gugustuhin mo? Ha? Mag lakad ng ilang minuto o tumayo na parang hatdog jan sa pila ng ilang minuto kakahintay ng jeep? Hmm?" Suway ko sakaniya. Napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Oo na! Maglalakad na nga e." Pagsuko niya. Pinat ko ang balikat niya.

"Yun naman pala e, tara na." Yaya ko sakaniya at nagsimula na kami maglakad patungong school. Kamiss yung grade 10 days oh, tas grade lang nun si Eron.

I hate you, Alex | ✓Where stories live. Discover now