22

639 37 18
                                    

Chapter 22

Elladem

"Bakit doon ka natulog? Bukas naman lagi ang pinto kapag hindi pa tayo kumpleteo sa loob, diba?" Tugon ni mama sa akin.

"Oo na nga po. Sorry na, please." Nag puppy eyes pa ako. Napabuntong hininga naman si mama.

"Oo na. Kumain ka na." Agad naman akong dumeretso sa kusina at nakita 'ko dun si Eron na kumakain.

"Hindi sayo bagay mag puppy eyes. Mukha kang asong kanto na naliligaw." Napasimangot ako sa sinabi ni Eron. Sinipa 'ko siya sa ilalim ng lamesa.

"Aray! Mama oh—." Agad kong tinakpan ang bunganga niya. Mabubungangaan nanaman ako ni mama nito e.

"Buset ka. Shut up ka nga. May pasok pa tayo, kaya dalian mo na kumain. Naka kain na ako e." Tugon 'ko sakaniya at tsaka binitawan siya.

"Oo na. Potek ka." Inirapan 'ko lang siya. After kumain ni Eron, nagbihis na siya ng uniform at ako rin.

Bumaba na ako kasama ang bag 'ko. Agad naman akong nag suot ng black shoes at nagpaalam na kami kila mama.

Ilang buwan na lang g-graduate na kami. Siguro, 4months? Pero hindi 'ko parin alam kung bakit pinapasok parin si Lize sa school, kung kailan malapit na ang graduation.

Nag lalakad at kwentuhan lang kami ni Eron nang may kotseng nag stop sa harap namin. Bumaba ang salamin nito at nakita 'ko si Niel.

"Eron, Ella. Dali sakay na kayo, anong oras narin oh." Napatingin ako sa relo 'ko at malapit na mag start ang first subject namin.

"Ah tara na Eron. Dali." Sumakay naman kami agad sa backseat kase nasa harap si Drei. Lagi naman magkasabay tong mokong na 'to.

"Ikaw mag a-attendance diba?" Tanong ni Niel. Tumango naman ako. "Absent si CJ. Nasa opisina nanaman kasama yung ex mo— ay si Alex pala" napatingin ako sakaniya.

"Anong ex ka jan! Gaga! Hindi naging kami." Singhal 'ko sakaniya. Napatingin ako kay Drei nang magsalita 'to.

"Chill, Ella. Pft." Napairap na lang ako at tsaka sumandal. Tch! Parang mga tanga! Naiinis ako ah.

Ilang minuto lang ang byahe at nakarating na kami sa school. Agad naman nag park si Niel at lumabas na kami.

"Eron, bye." Paalam 'ko sa kapatid 'ko at tumango lang siya at naglakad na. Sabay sabay maming tatlo na nag lakad patungong Senior High Building.

Class Section E is still our section. May dalawang strand sa bawat section at malaki ang room. Ang strand kase nina Niel, Drei, Marco at ako. Magkasama.

"Ang tagal nyo naman." Reklamo ni Marco na mukhang bagong gising. Agad naman akong tumabi sakaniya at binatukan siya.

"Anong oras ka nanaman siguro natulog kaya dito ka nanama natulog." Singhal 'ko sakaniya. Napakamot siya ng ulo.

"E, si ate kase e! Ginising agad ako tapos pumunta pa ako kila Alex, diba?" Tumango tango na lang ako.

Ilang minuto nakalipas, dumating na rin ang prof namin. Pero, akala 'ko siya lang.

Si Lize din pala.

"Oh hi Class Section E. You have a new classmate. Ms. Scott, kindly introduce your self." Nakatingin lang ako kay Lize na naka fully uniform.

"Hi, nice to meet y'all new classmates. I'm Charlize Renè Scott. Lize na lang for short. 18 years old and soon to be a Doctor. Sana maging magka-kaibigan tayo." Napatingin siya sakin. Tinarayan niya pa ako ah.

"Okay Ms. Lize. Now sit. There." Turo ng prof sa kabilang row na kaharap 'ko pa. Umupo siya dun at flinex pa ang pwet nya.

Papansin ampota.

I hate you, Alex | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora