39

362 19 5
                                    

Elladem

Nandito ulit kaming mag kakaibigan sa canteen para mag lunch. Lagi naman.

"Yie, excited na ako sa graduation nyo." Biglang singhal ni Mica. Tch, mas excited pa siya kesa saming g-graduate.

"Babe, mas excited ka pa kesa samin ah." Tugon ni Drei at tsaka pinisil ang ilong ni Mica. Kinilig naman ang babae nyo. 

"Tol, wag nga dito. Single lives matter." Reklamo naman ni Niel. Natawa na lang kami, gago talaga tong lalaking to.

"Oh, kelan mo ba sasagutin tong si Alex, Ella?" Tanong ni Maxine. Lagi narin namin kasama si Maxine tuwing lunch time at tsaka sina Cj at Jacky.

"Kaya nga, ilang buwan narin siya nanliligaw sayo. Actually, hinihintay na lang maging kayo para matapos na tong story." Napairap na lang ako sa sinabi ni Drei, tse. Malapit na grad, ilang weeks na lang 2 or 1? 

"Nga pala, do y'all want to receive Graduation Gifts?" Tanong ni Jacky. Sabay sabay naman kami tumungo. "Syempre naman." Sagot ni Marco.

"Gusto ko lang talaga ng kpop merch," Tugon ni Max. Nga pala, fangirl ang babaitang ito. "Si Max lang," Banat naman ni Niel at tsaka kumindat kay Max. Sus, di na ako magugulat kung magkatuluyan ito.

"Shopping money from mom and dad," Sagot ni Mica. Tumango naman si Marco. "Same." Tugon nito.

"Nike shoes and car." Sagot naman ni Cj. "That's all?" Tanong naman ni Alex rito. Tumango lang si Cj. At ganun rin si Alex- tumango tango.

"Ikaw ba Alex, anong gusto mo?" Tanong nila kay Alex, lumingon ako sakaniya at sakto nakatitig siya sakin. Namula naman ang mga pisnge. Unte unte siyang lumapit- napapikit ako dahil sa ginawa niya.

Hahalikan niya ba ako.

Tanong ko sa aking sarili. Wait, hahalikan niya ba talaga ako? Ba't parang ang tagal naman?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napadilat ako dahil sa pagtawa ng mga kasama ko. Napatitig ako kay Alex na nagpipigil ng tawa, napalingon ako sakanila. 

Tawa sila ng tawa na parang tanga.

"Hoy HAHHAAHH, gagi akala mo ba hahalikan ka niya? HAHAHAHA!" Tawang tawa na tugon ni Mica. At tinignan ko sila, tawa parin ng tawa. Kasama na dun si Cj at Jacky.

"Tch." Tugon ko na lang at tsaka umalis na roon. Ang sakit lang e, pinagtawanan pa ako. Tch, nakakahiya kaya sa part ko yun. Argh, that is so embarassing!

"Ella," Di ako lumingon ng may tumawag sa pangalan ko. Tch, wala ako sa mood-bahala siya kung sino man siya.

"Ella!" Tawag pa nito pero di ko siya pinansin. Tse, bahala siya jan! Nanlaki naman ang mata ko nang may humila sakin at dinala ako kung saan.

"Ella," Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Alex. Napatingin ako sa paligid at nasa likod kami ng campus. Napatingin ako sakaniya na nakayuko sa harap ko.

"A-alex? Bakit ka nakayuko?" Tanong ko sakaniya. Umangat ang tingin niya at tsaka biglang lumapit sakin kaya napasandal ako sa dingding ng mataas na building rito sa school.

"Ella, sorry kanina, di ko naman kase dapat gagawin yun pero-" Di ko na siya pinatapos.

"Okay lang, kasalanan ko. Masyado akong nag assume diba? HAHA, okay lang nama-." Di ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang malambot na labi ni Alex. Nanlaki ang mata ko.

Napapikit ako unte unte nang ginalaw niya ang kaniyang labi, hindi ako marunong humalik kaya sinabayan ko na lang siya. Napakapit ako sa leeg niya nang biglang lumalim ang paghalik niya sakin.

Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko siyang pigilan dahil nasa school kami at wala pa namang kami. Gusto kong itulak sya, pero di ko kaya na ayoko.

Nanghihina ang mga tuhod ko sa paghalik niya. 

Naghahabol kami nang hininga nang bumitaw kami sa halik ng isa't isa. Napatingin ako sakaniya habang naghahabol ng hininga at ganun rin siya.

"Iloveyou, Ella." He said ang cupped my both cheeks. Alam ko namang namula ang pisnge ko dun at bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Iloveyoutoo." Bigla kong saad at nakatitig lang sakaniya. Ngumiti siya at tsaka nagulat ako nang halikan niya ako ulit at agad naman akong tumugon dun.

"Really?" Agad niyang tanong nang magkahiwalay ang aming labi. Tumango ako na nakangiti sakaniya. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. 

Sarap sa feeling, inggit ka nanaman.

"Iloveyou, iloveyou, iloveyou." Paulit ulit niyang saad habang paulit ulit rin niyang hinahalikan ang noo ko. Napangiti naman ako at hinalikan siya sa pisnge at biglang yakap.

"Iloveyoutoo." Bulong ko at hinigpitan ang pagyakap sakaniya. Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik kaya mas dinama ko pa yun.

***

"Soft lips, ha." Napatingin naman agad ako kay Alex. Pauwi na kami sa bahay ay hahated niya na raw ako. Di nanaman namin kasama si Eron syempre laging nauuna kasama tropa niya.

"Shut up ka nga. Nakakahiya yun no, nasa school pa tayo. Buti na lang talaga walang tao dun sa likod ng building." Tugon ko sakaniya. He just chuckle.

"Yea, buti nga't wala." Tugon niya habang nag d-drive.

Nakarating na kami sa bahay at hinatid niya ako hanggang pinto ng bahay. Aalis na sana siya nang tinawag siya ni papa, kaya napalingon ito.

"Po?" Halata sa boses ni Alex ang kaba. Pft, napatawa na lang ako palihim.

"Pasok ka muna ijo," Tugon ni papa at tsaka nilahad ang kamay niya sa harap ng pinto. "Ay hindi na po, una na po ako." Sagot naman ni Alex, tumango lang si papa.

"Nakita kita hinalikan anak ko sa harap ng kotse mo bago kayo tumungo rito sa pinto, ano ibig sabihin nun?" Tanong ni papa habang palipat lipat ang tingin niya samin ni Alex.

Hala? Nakita ni papa yung kanina? Sa bagay, di naman kami nagtago nung hinalikan niya ako paglabas ng kotse kanina.

"Pa, kami na po." Mahinahon kong tugon kay papa habang nakasmile. Tumango ito.

"Talaga? Kelan pa?" Tanong pa nito. "Kanina lang po." Sagot ko naman.

"Kanina? Bakit may halik agad, ha? Wala pa nga kayong isang buwan." Tugon ni papa. Tch, nanliligaw pa nga lang may kiss na, nako pa.

"Pa, nanliligaw pa nga lang siya naghalikan na kam-"

"ANO?!" Nagulat naman kami ni Alex nang biglang sabihin ni papa yun. Hinawakan ko si papa sa magkabilang balikat niya.

"Pa, chill, joke lang yun," kahit di naman talaga hehe.

Lumingon ako kay Alex na nakatingin lang kay papa. Tinawag ko siya at mauna na. Hinalikan niya ako ng mabilis sa noo at nag iloveyou't goodnight.

"INGAT!" Sigaw ko at tsaka pumasok sa loob ng bahay kasama si papa.

I hate you, Alex | ✓Where stories live. Discover now