07

1K 55 10
                                    

Chapter 07

Alexander

"Bakit ngayon ka lang? Alas nwebe na at nauna pa sayo si CJ?!" Yan agad ang bumungad sa akin. Sermon ni mommy. Tch! Puro CJ!

"Nag practice lang po ng basketball." Tugon 'ko sa mahinahon at tsaka aakyat na sana sa hagdan nang sumigaw nanaman si mommy.

"And where do you think your going, Alexander Jann?! Nanay mo ako at wala kang karapatan talikuran ako! Bakit ka ba ganyan, AJ, ha?! Nagiging bastos ka na nowadays! Bakit?! Kase nilipat 'ko si CJ sa school na pinapasukan mo?! What a stupid reason! Bakit ka ba ganyan, AJ?! Bakit hindi mo matanggap tanggap na si CJ ay kapatid mo?!" Napalingon ako kay mommy at masamang tumingin dito.

"FCK THAT CJ! PURO NA LANG CJ! CJ NA NGA SA SCHOOL, CJ PA REN DITO?! TANGINA! TANGGAP 'KO SIYA BILANG STEP BROTHER 'KO! PERO TANGGAP NIYA BA AKO?! FCK YOU ALL! LAGI NA LANG AKONG TALO, LAGI NA LANG SI CJ ANG BIDA! FCK SHIT!" Sigaw 'ko at tsaka tumungo sa kwarto. Bubuksan 'ko sana ang pinto nang biglang lumabas si CJ sa kwarto niya.

"Bakit mo sinigawan si mommy?! Wala ka nang respeto!" Sigaw nito sa akin. Hind 'ko na siya pinansin at tuluyan nang pumasok sa kwarto 'ko.

Nilapag 'ko ang back pack 'ko sa kama at tsaka nagpalit ng damit. Nag suot lang ako ng black shorts at grey shirl. Nag black cap ako at tsaka kinuha ang belt bag 'ko.

Kinuha 'ko ang phone 'ko at tsaka tinawagan sina Marco, Niel at Drei para mag-inuman. Gusto 'ko kalimutan ang problema 'ko. Parang gusto 'ko na nga ren mawala sa mundo.

Lumabas na ako ng kwarto with my car key at tsaka bumaba na walang paalam. Sigaw nanaman ang sumalubong sa akin pero hindi 'ko na lamang iyun pinansin.

Nakakasawa na! Putcha! Biglang nag ring yung phone 'ko kaya sinagot 'ko ito na hindi 'ko alam kung sino ang tumawag.

"Hello?!"

"Dre! Pass ako! Hindi ako makatakas sa bahay. Bantay sarado ako ni ate Mica."

Si Marco pala ito.

"Ah sge. I just call Drei or Niel na lang." pinatay 'ko na yung call at tsaka pumasok na sa kotse 'ko.

Automatic ang gate namin kaya hindi 'ko na kailangan lumabas ng kotse para buksan ang gate. Nang bumukas ito, nag drive na ako papunta kila Niel.

Kinuha 'ko yung phone 'ko at tsaka din-ial ang number ni Niel.

"Bro?"

"Pass bro."

"Pati ba naman ikaw?! Okay fine!" At tsaka ko in-end ang call. Agad ko naman tinawagan si Drei. Subukan niyang mag pass ren, ewan 'ko na lang kung san ako mapupunta.

"Bro?! Wag mong sabihing, pass ka ren?! Damn!"

"Yun na nga bro, eh. Hindi ako pinayagan ni mom. Gabi na raw kase. Good boy kaya ak—." Hindi 'ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"I don't care! Bye!" Tsaka in-end yung cal. Saan naman ako pupunta?

Kay Ella?

***

Elladem

"Ate, natutulog ka na ba?! Inaantok na kase ako. Baka mga around 9pm or 10pm makarating si papa. Ikaw na lang magbantay." Napalingon ako sa pinto. Nakatok si Eron. Tumayo ako mula sa study table 'ko at tsaka tumungo sa pinto at binuksan ito.

"Anong sabi mo ule?!"

"Inaantok na ako, 'te. Ikaw na lang muna mag bukas ng gate kay papa dahil late 'yun uuwi, kase mga mag o-ot siya." Tugon ni Eron. Sinenyasan 'ko siya na pumasok na sa kwarto niya.

Kinuha 'ko muna ang sketchpad at lapis 'ko at tsaka bumaba na patungong sala. Inayos 'ko muna ang pag-suot ng salamin 'ko at tsaka naupo sa sofa.

Habang nag d-drawing, may narinig akong kumakatok sa gate kaya sinilip 'ko ito at napakunot naman ako ng noo nang makita 'ko ule si Alex.

Lumabas ako ng bahay at tsaka hinarap siya. Anong oras na at mag a-alas dyis na ng gabi, naka pang alis pa siya.

"Alex?! Anong ginagawa mo dito? Anong oras na?" Mahinahon 'kong tugon dito. Naka pamulsa lang siya at tinignan 'ko siya mula ulo hanggang paa.

Naka pang-alis nga siya. Bumalik ang tingin 'ko sa mukha niya na walang ekspresyon. Napaka poker talaga ng lalaking ito.

"Lumayas ako samin. Pwede maki tuloy? Kahit ilang days lang." napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Hoy Alex. Ano ka ba naman?! Anong days? Sabihin mo nga, ano bang problema mo at lumayas ka sa bahay nyo?" Naka cross arms kong tanong. Tinignan lang niya ako.

"Is none of your business. It's family problem. Wala ka na reng pake dun." Sagot nito sa akin na naka pamulsa. Napabuntong hininga naman ako at tsaka pinapasok siya sa gate.

"Papayagan kita mag stay. Pero ngayon lang! 'Wag ka nang pumasok bukas dahil wala ka namang uniform dito at hanggang bukas lang. Okay?" Tumango lang siya at tsaka nauna nang pumasok sa bahay. Aba't ang kapal naman ng feslak ng lalaking ito? Mas nauna pa sa may-ari.

Pag-pasok 'ko ng bahay. Naka tulala lang siya sa sofa. Para siyang tanga, sa totoo lang. kinalabit 'ko siya kaya napatingin siya sa akin.

Umupo ako sa katapat niyang sofa at hinarap siya. "You can tell me your problem. 'Wag ka mag-alala. If tungkol yan sa family mo, hindi 'ko naman ipagkakalat." Tugon 'ko at tsaka inayos ang salamin 'ko.

"Just buy me a beer or alcohol. Gusto kong uminok at kalimutan ang problema 'ko ngayon!" Tugon nito at tsaka sumandal na nakapikit sa sofa.

Napakamot naman ako sa batok. Tumayo ako at tsaka tumabi kay Alex.

"Ano bang problema mo? You don't need to drink alcoholic stuff, para lang makalimutan ang problema mo. Now, tell me kung ano ang problema mo." Tugon 'ko. Lumingon siya sa akin at tinitigan ako.

Nanuyo ang lalamunan 'ko na nang biglang bumaba ang tingin niya sa labi 'ko. Lunok lang ako ng lunok ng laway 'ko dahil kinakabahan ako.

Mas lalo akong kinabahan nang paunti-unti lumapit ang mukha niya sa mukha 'ko. Malapit na malapit na!

Itulak mo na siya, Ella. Kaya mo naman gawin iyun.

Yun ang sabi ng utak 'ko, pero bakit hindi 'ko magawa?! Bakit?! Napapikit na lamang ako nang maramdaman 'ko ang hininga niya na amoy mentos.

"Juicecolored!" Nanlaki ang mata 'ko nang marinig 'ko ang boses ni papa. Nilingon 'ko ang pinto at nandun si papa, nakatayo.

"Pa?! N-nakauwi na pala kayo. Ah, pa.. s-si Alex, kaibigan at kaklase 'ko po." Nauutak 'kong tugon kay papa. Tinignan 'ko si Alex na nakatayo na ren.

Ano ba naman ito?! Nakakahiya!

"G-good evening po." Bati ni Alex kay papa. Wow! Good boy ha!

"Ay jusko! Bakit ba kayo maghahalikan at bakit mo hahalikan yung anak 'ko?! Akala 'ko ba kaibigan at kaklase lang?!" Suway ni papa. Susko po!

"P-pa! Pagod kayo. Tsaka anong maghahalikan? Baka naman po, namimilik mata lang kayo. Pagod kayo pa, kaya hatid na kota sa kwarto mo." Tugon 'ko kay papa. Tinignan niya, nginitian 'ko lang siya. Tumango lang si papa at tsaka hinatid 'ko siya sa kwarto niya.

Pagbaba 'ko, nakita 'ko na naka upo at feel at home si Alex sa sala. Bumalik ako sa sala at sa katapat na sofa niya na lamang ako umupo.

"Bakit mo ba kase nilapit ang mukha mo sa mukha 'ko?! Napagkamalan pa tuloy ni papa na mag hahalikan tayo, I mean, hahalikan mo ako." Singhal 'ko sakaniya.  Tinignan niya ako with nakakalokang ngiti. Puminitin 'ko yang labi mo eh!

"Maghahalikan? So, you will kiss me back too? Come on, Ella. Just admit it, gusto mong halikan talaga kita 'no?!" Nangaasar niyang tugon.

"Ewan 'ko sayo!"

Nakakaloka!

***

Short Ud

I hate you, Alex | ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora