10

934 47 3
                                    

Chapter 10

Elladem

"Kainis talaga!" Sigaw 'ko habang nandito sa isang bench ng garden. Kainis!

Alam nyo ba kung bakit ako nandito?! Ha?! Hindi diba?! Pwes! Sasabihin 'ko sainyo!

Nakakainis lang naman kase yung Alex na yun! Napalabas nya talaga ako kase nga, nanalo siya dun sa basketball pustahan na yun!

"Nakaka-asar ka Alex! Grrrrr!" Galet kong sabi habang nagbabato ng mga batong maliliit kung saan-saan.

"Hey! Sino ba yung bumabato na yan?! Nakakasakit ka na!" Sigaw nang isang babae kaya napatigil ako sa pag babato. Nakita 'ko naman siyang nasa taas ng puno sa garden.

"Eeee?! Sorry! Napataas 'ko siguro yung pagbato!" Sigaw 'ko sakaniya pabalik. Nakita 'ko siya na bumaba.

Ang galing naman neto bumaba at umakyat nang puno. Lumapit siya sa akin habang nakasabit ang bag niya sa balikat niya.

"Ikaw ba yung babae sa Section E?" Tanong neto at tsaka tumabi sa akin. Tumango ako.

I don't know her kaya medyo lumayo ako.

"Wag ka matakot. Ako nga pala si Micaella. Mica na lang." Pakilala neto at naglahad pa ng kamay para mag shake hands kami.

Tinignan 'ko siya mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Maayos naman ang uniform niya, yung neck tie niya lang talaga hindi naka-ayos.

"Elladem. Ella na lang." Pakilala 'ko at ngumiti. Nakipag shake hands na ren ako.

"Parehas tayong may 'ella' ah! Nice naman!" Tugon neto. Naka pusod den siya katulad 'ko at feeling 'ko kapag nakita mo kaming nakatalikod, mukha kaming kambal dahil mag kasing height naren kami.

"Ba't ka nga pala nandito?" Tanong niya. Hayst! Naalala 'ko nanaman yung Alex na yun!

"Ahm, pinalabas ako nang magaling naming president!" Singhal 'ko na may halong inis.

"Ah yung Alex?! Ang sungit nun! Pero, alam mo ba? Bet 'ko yung kapatid nun!" Tugon nito at may halong kilig pa.

"Yung CJ?"

"Oo! Sayang nga, e! Hindi 'ko siya kaklase." Tugon nito na may halong dismaya naman.

"Anong section ka ba? At baket karen nandito?"

"Ahm, 2nd year college na ako, kaya di ko siya kaklase. Btw, kaklase mo yung kapatid kong si Marco, ha?! Kamusta naman ugali nun?" Kapatid niya si Marco? Ohh!

"Kaya naman medyo hawig kayo ni Marco. Oh, yung ugali niya? Okay lang naman. Mahangin lang minsan." Natawa siya sa sinabi 'ko.

"Totoo yan, napaka mahangin nung lalaking yun. Kaya, lagi kaming aso't pusa sa bahay, dahil sa sobrang kapal ng pagmumukaha niya." Tumango tango naman ako na may halong tawa.

"Oo nga pala, ate Mica—."

"Mica na lang Wag mo naman akong gawing matanda, nakakahiya sa baby face 'ko." Natawa ako sa sinabi niya. "Ba't ka natawa? Totoo naman ah!" Singhal niya.

"Oo na! Btw, about dun sa itatanong 'ko kanina. Bakit ka nga pala nasa puno at ang galing mo pang bumaba ah! Siguro magaling ka den umakyat." -ako.

"Syempre! Alangan namang bumaba ako galing dun na hindi ako marunong umakyat, diba? Hayst! Nag cutting ako." Napatingin ako sakaniya.

"Eeeee?! Hindi halata na nag c-cutting ka, kase baby face ka diba? Mukha kang good-girl." Natawa lang siya.

"E, ikaw? Hindi ba cutting tawag sa ginagawa mo ngayon? Nakatambay ka dito sa school garden tas nabato ka pa nang mga bato'ng maliliit." Tugon nito.

I hate you, Alex | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon