Kanina pa ako napapabaling sa opisina ni Trevor dahil kitang-kita ko ang isang brown envelope sa kanyang desk.
Ang DNA test.. sigurado akong iyon ang laman ng envelope na iyon. Nagtatalo ang aking isipan kung pupuslit ako upang kunin at tingnan ang laman o huwag na lang. Naroon ang sagot sa aking mga katanungan. Sigurado ako.. nararamdaman ko iyon.
Pabalik-balik ako sa harap ng aking laptop at pinagmasdan ang nasa monitor at lalayo ng bahagya upang mag-isip.
Should I sneak in?
Sumapit ang alas dos ng madaling araw at ganon pa rin. Hindi ako makatulog at pilit na iniisip kung magpupuslit ba ako sa loob ng opisina upang tingnan ang laman. Sigurado akong di pa iyon nababasa ni Trevor dahil na sa kwarto lamang siya buong maghapon at nagpapahinga.
Napapikit ako ng mariin at balak ko sanang pumasok ng palihim sa opisina ngunit natigilan ako ng makita ang isang pigura na pumasok sa opisina ni Trevor.
Isang babaeng naka-itim na cloak at sigurado akong si Mama ito!
Iniiwasan niyang mahagip siya ng CCTV ng opisina ngunit hindi niya alam na sa blind spots ng mga CCTV ay ang mga hidden cameras ko naman!
May hawak rin siyang kulay brown na envelope. Ah! I know what she's tryin to do!
Agad kong sinuot ang blue cloak ko at kinuha ang aking twin dagger. Ilinagay ko iyon sa magkabilang legs ko at sinuot ko rin ang gray lenses ko upang di ako makilala ni Mama. Tinakpan ko ng itim na tela ang aking ilong pababa sa aking bibig at leeg.
Agad akong lumabas ng kwarto ko. Halos wala ng guard na rumuronda sa loob ng mansyon dahil ayaw 'yon ni Trevor. Sa labas ang napakaraming guard sa paligid.
Imbes sa opisina ni Trevor dumeretso, sa isang pinto palabas ng mansyon ako dumiretso. Nakikita ko sa aking smartwatch na papunta na si Mama sa may labasan at pasimpleng linalampasan ang mga bantay.
Wala naman akong effort na lumampas sa mga bantay dahil alam nilang alagad ni Trevor si Blue Rose. Di nga lang nila maiwasang mapalingon sa akin dahil minsan lamang din nila ako makita sa mansyon.. not knowing that the one living inside the mansion is the one they called Blue Rose.
Nakita kong tuluyan si Mama na nakalabas sa vicinity ng mansiyon gamit ang daluyan ng tubig na siyang dinaanan namin noon ni Sun Carmela ng pumunta sila dito noon.
Nagmadali rin akong pumunta doon. I heard the alarm inside the mansion, ibig sabihin ay napansin ni Trevor na may gumalaw ng kanyang gamit sa opisina.
Mas lalo akong nagmadaling habulin si Mama and I succeeded when I saw her running away. Na sa masukal na kami na gubat. Sandali si Mama na nagpahinga sa kakatakbo kaya nakuha kong makalapit sa kanya. Hawak-hawak niya ang isang brown envelope dahil sigurado akong nasa sa kanya ang tunay na resulta ng DNA.
Nakita kong naglabas siya ng isang lighter at sinindihan niya iyon. Nakuha ko agad ang kanyang balak gawin ng itinaas niya ang envelope na naglalaman ng DNA test result. Mabuti na lamang at nakalapit na ako at di niya ako napansin. Sinipa ko ang lighter kaya natapon ito sa katabi naming batis.
Nagulat si Mama dahil bigla akong sumulpot ngunit ako naman ang nagulat ng maglabas siya ng baril at pinaputukan ako.
Mabuti na lang at nagawa kong hawakan ang baril at naiharap ko sa ibang direksyon bago pa ito mapaputukan ang aking sintido.
That was close! And crap! Mama knows how to shoot a freaking gun! What the hell????
Sinipa ako ni Mama sa tagiliran causing me to off balance. Tinutukan niya ako muli ng baril at pinaputukan na naman kaya gumulong ako upang makaiwas.
Ilang beses niya akong pinaputukan hanggang sa tinapunan ko siya ng aking dagger kaya napailag siya. Agad akong tumayo.
Patuloy akong pinaputukan ni Mama at alam kong hindi siya titigil. Sobrang seryoso ng kanyang mukha at hindi niya alam na anak niya ang pinapaputukan niya! Crap! Mama! Stop shooting me!
Tinapon ko ang natitira kong dagger sa aking kamay sabay gulong upang abutin ang nauna kong tinapon na dagger na nasa lupa.
Agad ko naman iyong nakuha at muli kong tinapunan si Mama na walang ibang nagawa kundi umilag naman sa akin. Ngunit hindi naman katawan niya ang puntirya ko kundi ang baril na kanyang hawak. Nasapul ko ang baril at nabitawan niya iyon.
Agad kong sinugod si Mama at pilit na inagaw ang envelope na hawak niya pa rin.
Mahigpit ang kapit ni Mama sa envelope kaya hindi ko agad makuha. I don't want to hurt her too kaya hindi ko siya kayang sipain or suntukin. Kaya naging puro pag-iwas ang ginawa ko.
Humanap ako ng magandang timing. Hanggang sa tumama ang tyempo ko't nahuli ko ang isang kamay ni Mama noong susuntukin niya sana ako. Agad kong pinilipit iyon papuntang likod niya. Tinulak ko si Mama mula sa likod kaya nawalan siya ng balanse. Umibabaw ako sa kanyang likod habang hawak ang kanyang kamay.
Kinuha ko ang isang device na ginawa ko at agad kong ginapos si Mama gamit iyon. Parang stick ang bagay na iyon at oras na ipalo ko iyon sa pala-pulsuhan ng isang tao ay titiklop iyon at pupulupot sa wrist, magmimistulang isang handcuff.
Kinuha ko pa ang isa niya pang kamay at dahil nakatalikod at hindi si Mama nakakagalaw ng maayos, nagawa ko ang aking gusto at tuluyan ko siya naigapos.
Pumilas si Mama ngunit mas lalo siyang hindi nakagalaw ng maging ang mga paa niyang igapos ko rin.
"Pakawalan mo ako!" Singhal niya sa akin.
Ngunit di ko siya pinakinggan. Tumayo ako at kinuha ang envelope na nasa lupa. Medyo nagusot iyon dahil sa encounter namin ni Mama.
"No! Give me that!" Ani Mama.
What are you trying to hide, Mama?
Pinagmasdan ko ang mukha ni Mama. Desidido siyang makawala upang hindi ko mabasa ang resulta.
Binalingan ko ang aking hawak.
Ito na..
Nasa akin na ang sagot sa aking tanong..
Ngunit sigurado ba ako na narito na nga ang sagot?
Malalaman ko lamang kung bubuksan ko..
So I did.
💙
YOU ARE READING
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 39: Answers in my Hands
Start from the beginning
