5. Schoolmate: Love Ache

6 0 0
                                    

"Crush mo na ako niyan?" Nakangising pang-aasar ko sa kanya.

Agad naman siyang napasimagot at inirapan ako. Tumayo pa siya mula sa pagkakaupo sa gilid ko at akmang lalabas na sana sa kwarto ko. Naalarma naman ako sa balak niyang gawin kung kaya mabilis ko siyang hinawakan sa Braso.

"Wait lang, Seokjin! Eto naman, hindi na mabiro.." Nakanguso nang sambit ko.

Muli syang umupo sa upuang nasa tabi ko at kinuha ang librong nasa harapan namin. Pinakiusapan siya ni Mama na turuan ako sa isang subject kong alam naming lahat na sablay ako. Pero eto ako, imbis na nagfofocus sa aralin ay si Jin ang inaatupag ko.

"Stop it, Shey. 'Cause if you dont. Iiwan talaga kita dito at hahayaan kong bumagsak ka sa subject mo." Seryosong saad niya.

Napairap na lamang ako sa tinuran niya. Kahit kailan talaga ay nakakaasar ito. Palagi ko siyang tinutukso pero in the end mas napipikon pa ako. Bakit ba napaka-seryoso niya?

Magbestfriend ang mga Nanay namin ni Jin. Dahil don ay pinili ng mga itong tumira malapit sa isat-isa nung nagsipag-asawa na ang mga ito. Pero kung inaakala niyong gaya ng mga magulang namin ay magbestfriend din kami ni Seokjin? Nagkakamali kayo.

Yes. I can say, na we are close. Well.. wala naman siyang choice. Sabay kaming lumaki at dahil nga magkaibigan ang mga magulang namin ay kung nasaan ako. Nandoon din siya.

Mas matanda lamang siya sa akin ng isang taon pero sa lahat ng ginagawa namin sa buhay mula pagkabata ay magkasama na kami. Lumaki siyang ganyan, Boring... Napakaseryoso. Samantalang ako... Jolly and... Hmmm ano pa nga ba? Maganda? Joke. Haha!

But kidding aside. Ay maganda naman talaga ako. Sabi ng Nanay ni Jin, Sabi ni mama, sabi ng mga tatay namin at syempre! Sabi ko. Si Seokjin lang ata ang di nakakakita ng ganda ko. Siguro lumalabo na ang mata niya kakabasa ng libro? Hmp.

"Kaya mo naman pala, e." Walang emosyon pa ring sambit niya.

Napangiti na lamang ako ng marinig ang reaksyon niya pagkatapos kong masagutan ang isang sample equation na binigay niya.

"Well, Thanks to you. Ang galing ko no?" pataas-taas pang kilay na saad ko.

Hindi siya nagsalita sa halip ay iniwas niya pa sa akin ang tingin niya at itinuon sa mga mga kwaderno kong nagkalat sa harapan namin. Natawa naman ako.

"Namumula na naman yang tenga mo. Hayy, Ayaw mo pa kase amining crush mo ko, e. Hindi naman ako magagalit-----

"Stop."

"Why? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Bakit ka namumula kapag inilalapit ko ang mukha ko sayo? At minsan pa nauutal ka kapag kausap mo ako? Ano ka ba, Seokjin. Buong buhay ko kasama na kita sa akin ka pa ba mahihiya-----

"I said stop it."

"Tss. Fine. Titigil na ako."

Pabagsak ko na lamang na inihagis ang aking katawan sa kama kong nasa likuran lang naming dalawa habang siya naman ay tahimik na inililigpit ang mga gamit kong ginamit namin sa pag-aaral kanina.

Nakatalikod siya sa akin habang nag-aayos kaya naman malaya ko siyang napagmamasdan mula sa aking kinalalagyan. Hinayaan ko na siyang magbalik ng mga gamit ko sa tama nitong lagayan. Alam naman niya ang mga ito dahil madalas naman siya sa kwarto ko sa tuwing nakikisuyo sa kanya si Mama na turuan ako.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago siya natapos. Agad kong ipinikit ang aking mga mata ng makitang lilingon na siya sa akin. Ilang beses kong narinig na tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko ito pinansin. Ni hindi ko idinilat ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog.

BTS ONE SHOT [2020]Where stories live. Discover now