6. Schoolmate: Make you feel my Love

7 0 0
                                    

"Hobi?“

Dahan-dahan kong itinulak ang pintong nasa harapan ko habang mahinang sinasambit ang pangalan niya. Pero nakapasok na ako sa kwarto ay ni anino niya ay di ko naman nakita.

Nasaan kaya siya?

Madalas naman ay dito ko lang siya nakikita kaya lang ay ang nakabukas niyang laptop lamang ang naabutan ko ngayon. Pero hindi lamang yon ang nakatawag ng atensyon ko..

Sino tong babaeng nasa wallpaper ng laptop ni Hobi?

"Nicole? Anong ginagawa mo dito?"

Napaayos ako ng tayo at napatingin sa pinto kung nasaan siya.

"Ah.. Eh.. I was actually looking for you. Ibibigay ko lang sana sayo tong copy ng names ng finalist ng mga nag-audition sa team.." Sagot ko.

Kinuha naman niya agad ito at tumango.

"Hmm. May kailangan ka pa ba?" Nagtatakang tanong niya ng makitang hindi pa rin ako kumikilos sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Natatakot akong itanong pero alam ko sa sarili kong hindi ako matatahimik hanggat di ko nalalaman ang sagot.

"H-Hobi.. Ahmmm. A-Ano. Pwede ko bang malaman kung sino siya?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.

Matagal na kaming magkaibigan ni Hobi. Well, matatawag niyo bang kaibigan ang isang tulad ko kung nanatili lang naman ako sa tabi niya dahil mahal ko siya? Na kaya ako nakokontentong palihim na minamahal siya ay dahil masaya ako sa tabi niya? Hayy. I consider myself not.

Nagsimula lang naman kaming maging malapit sa isat-isa nung napigilan ko siya sa muntikan na niyang pagsuicide noon sa rooftop. I was there. Actually, I was there pero hindi yon nagkataon lang. Sinusundan ko talaga siya nung araw na yon dahil matagal ko na siyang gusto. Palagi ko naman ginagawa yon pero mukhang di niya yon napapansin kaya nagulat ako nung araw na yon sa plano niyang gawin.

Tao lang naman ako. Kahit sino naman atang makakita ng ganong scenario ay gagawin din ang ginawa ko. Nakakatawa diba? Lahat ng students sa sa school namin ay tinitignan siya as a Jolly person, a sunshine. Isang taong punong puno ng hope kaya sino mag-aakalang minsan sa buhay niya ay nadaananan niya ang puntong tapusin ito?

Napatigil ang paglipad ng isipan ko ng marinig ko siyang tumawa. Lumipad din ang tingin niya mula sa akin patungo sa screen ng laptop niyang itinuturo ko. Kita ko rin ang ngiti niyang ni minsan ay di ko pa nakita..

Ngiting kakaiba sa lahat.

"Nakakahiya! Nakita mo pa yan!“ Namumula pang sabi niya."Her name is Tina, She's a transferee in our school.. And.. She's the girl I like.."

Mula sa kanyang nakangiting mukha ay nagbaba rin ang tingin ko sa larawan ng babae. Hindi para memoryahin ang kanyang mukha kundi para itago lamang kay Hobi ang emosyong suguradong babakas rin sa aking mga mata.

"N-Nililigawan mo na ba siya?" Nag-aalangang tanong ko pa.

Kailangan kong itanong yon. Para naman di niya mahalatang sobrang apektado ako sa balitang pinasabog niya sa akin sa mga oras na ito. Pero mas nagimbal pa ako sa sunod niyang sinabi.

"Di pa. Actually, Im planning to asked you for some advice. You know, ikaw lang naman ang kaibigan kong babae.."

Pakiwari ko ay tila ilang libong beses niyang pinunit sa pinakamaliit na piraso ang puso ko. Ang sakit sakit. Sana hindi na lang ako. Grabe na yung nalaman kong may gusto ka ng iba..

Tapos magpapatulong ka na lang.. sa akin pa?

------

"Ang Cliché, Ha! Ilang beses na akong nakabasa at nakarinig ng ganyang kwento. Wala na bang bago?“ Nakasimangot na sabi sakin ni Shey, Bestfriend ko.

BTS ONE SHOT [2020]Where stories live. Discover now