CHAPTER 21

737 47 21
                                    

AZIEL'S POV

"SO, ano na ang plano mo, King? Paano nga kung may nag tridor sa atin?" Tanong ni Atlas sa akin.

Nandito kami sa school dahil malapit na ang Inter High. Inaasikaso na din namin ang mga palaro ng bawat grade.

"Oo nga King. Anong plano mo tungkol doon?" Tanong naman ni Orson.

Ipinatong ko muna ang phone ko sa table saka sila hinarap. "Si Glee, alam kong may idea si Glee" sabi ko sa kanila.

Mataas ang kumpyansa ko kay Glee. Pakiramdam ko, safe kami kapag nandito siya sa tabi namin. Naturingan akong King pero hindi ako gaya ni Glee na kumilos at mag isip. For me, she is my everything.

"King, si Glee na naman? Hindi mo ba nahahalata na lalo lang tayong napapahamak habang nandito ang babaeng 'yon?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Argus. Hinarap ko siya at tiningnan ng deritso sa mata. "How could you say that? Ano bang nagawa ni Glee sayo? Ba't ganyan ang trato mo sa kanya?" Hindi ko man gustong singhalan si Argus ngunit kusa ko nalang naramdaman ang inis.

"King, ikaw na nga ang nag sabi na hindi basta-basta mag tiwala sa kakilala palang. Malay natin na si Glee pala ang traydor"

"Ano ba, Argus! Ang dami nang nagawa ni Glee na hindi natin nagawa! Pano mo nasabi 'yan?" Inis na sabi ni Atlas kay Argus.

Gaya ko, nainis din sila. Tama nga si Atlas. Marami nang nagawa si Glee na hindi namin kayang gawin. Marami akong alam sa pakikipag laban pero hindi ang istelo ni Glee.

"At bakit mo naman kinakampihan ang babaeng 'yon, Atlas?"

"Relly? Nasabi mo 'yan, Argus? Kung wala si Glee, sa tingin mo ba, buhay pa kami ngayon? Kung wala si Glee, may magagawa kaba sa panahon na 'yon? Stop acting like you did everything! Ni kahit buhay mo nga hindi mo kayang iligtas"

Napatingin ako kay Kendric. Bihira lang itong mag salita at hindi ko akalain na ganito ang expression ng mukha niya habang nakatingin kay Argus.

"At anong ipinag mamaliki mo, Kendric? Wala ka din naman nagawa!"

"Tama na, Argus. Pareho tayong walang idea kung sino ang traydor. But i'm sure, Glee is the only one got the clue. Just stay still. At pwede ba? Wag mong kwestyonin lahat ng desesyon ko, this is for us"

Hindi na sila umimik matapos kong sabihin iyon. Hindi na kailangang mag tatalo pa. Lalantad at lalantad ang lahat.

Nakayuko ako habang nilalaro ko ang phone ko. Narinig ko panh bumukas ang pinto dito sa underground pero hindi na ako nag angat ng tingin pa. Nag iisp ako. Pinag tagpi-tagpi ko lahat ng nangyari simula pa noong una, and i have this feelings na parang may mali.

"King, si Glee"

Bigla akong nag angat ng tingin ng marinig ko ang pangalan na 'yon. Pangalan na nakakawala ng pagod.

Nakita ko si Glee na nag lalakad patungo sa gawi namin. Kasama niya si Ximena. Ang lakas talaga ng dating nila, lalo na si Glee. Maiksi ang palda ng uniform dito at nababagay iyon sa kanya. Idagdag mo pa ang nakasabit na katana sa likud niya na nakadagdag ng charm niya.

Ang cool.

"Hello guys" bati agad ni Ximena sa amin.

Samantalang si Glee tahimik lang na umupo sa tabi ko.

Magkaiba silang dalawa ng ugali. Si Ximena ay masayahin at hindi suplada. Nakikipag kulitan ito sa mga taohan ko. Samantalang si Glee ay mainitin ang ulo, maangas at cold. Hindi mo din mahuhulaan kung ano ang iniisip niya dahil hindi siya mahilig magpakita ng emosyon. Blank expression and cold personality, iyon ang mga bagay na makikita mo sa kanya.

Mesteryosa din siya sa paningin ng lahat ng tao, dahil hindi siya mahilig mag kwento tungkol sa pagkatao niya. Pero isa lang ang bagay na nababasa ko sa pag katao niya. Poot, galit, at sakit. Iyon ang mga bagay ang nakikita ko sa kanya sa tuwing makikipag patayan siya.

Ngunit kahit ganun paman, gusto ko pa din siyang makilala ng lubusan. Gusto ko siyang protektahan at e ahon sa sakit at poot na 'yon. Mafia ako pero gusto ko pa ding mamuhay ng simple. At gagawin ko 'yon kasama si Glee.

"Stop staring at me!"

Napangiti nalang ako ng marinig ko ang malamig niyang boses. Bakit parang musika ito sa pandinig ko?

Nakakabaliw!

"Halika" kinuha ko ang mga kamay niya at hinila siya patayo.

"Saan mo ako dadalhin?"

"Kakain tayo" hindi ko na siya hinayaang bumitaw sa pagkahawak ko dahil hinila ko na siya paalis sa harap nina Argon.

"Heyy, shit! Stop pulling me! Hindi ako makakalakad ng maayos" pilit niyang bawiin ang kamay niya kaya huminto ako binitawan ang kamay niya.

"Nakakaintindi ka naman pa- Shit, Aziel anong ginagawa mo?"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil binuhat ko na siya ng pa bridal style. Nag pupumiglas pa siya at pilit inabot ang katana niya sa likuran niya ngunit hindi ko hinahayaang maabot niya iyon, mahirap na, baka maputulan ako nang ulo ng wala sa oras.

"Nahihirapan kang mag lakad diba? Well, this is the only way na alam ko, at kapag mag pupumiglas kapa diyan, makahatak lang tayo ng atensyon sa mga estudyanteng narito, at alam kong ayaw mo ng atensyon, kaya mahimik ka nalang diyan at hayaan mo na ako, okay?"

Natauhan naman siya sa sinasabi ko kaya hindi na din siya nag pupumilit pa. Isinubsob pa niya ang mukha niya sa dibdib ko.

Alam kong nahihiya siya at ayaw niyang makita ng mga estudyante dito ang mukha niya, at ayaw din niyang ma iskandalo.

Dinala ko siya sa underground. Pagdating namin dun ay may mga pagkain na nakahain sa mesa. Ang bilis talaga ni Regg. Kanina ko lang sinabi sa kanya na ipaghanda ako ng pagkain, tapos ngayon, nakita ko lang na maayos na.

"Ano ba, ibaba mo na ako, Aziel"

Sinunod ko naman siya. Binaba ko siya ng dahan-dahan at hinarap sa mesang puno ng pagkain. As usual, hindi ko na naman nakikita sa mukha niya na natutuwa siya o ano. Pati ang pagka surpresa ay hindi ko din nakita sa mga mata niya. Kung ano siya nung una ko siyang nakita, ganun pa din siya ngayon.

"Ano 'to?" Tanong niya sa akin. Tinuro pa niya ang mga pagkain na nakahain sa mesa.

"This is for you, Glee. Gusto ko lang bumawi sa pag ligtas mo sa amin. Alam ko kasi na hindi ka papayag kapag niyaya kitang mag date, kaya ito nalang ang paraan na alam ko" sabi ko sa kanya at pinaghila ko siya ng upoan, akala ko pa naman tatanggi siya, pero hindi pala.

Umupo naman siya at tahimik na kumuha ng kutsara at tinikman ang pagkain na nasa harapan niya. "Hm, masarap"

Napangiti ako sa sinasabi niya. Kahit hindi ako ang nag luto as long as nasarapan siya sa pagkain, masaya na ako.

"Buti naman at nagustuhan mo. Heto, tikman mo ang isang 'to" nilagyan ko ang bowl niya ng sinigan na hipon.

Tinikman naman niya ito at napatango-tango pa. Sumaya naman ang loob ko, dahil kahit papano, may nakita akong expression sa mukhan niya.

"Glee. Pwede bang malaman ko kung saan ka nakatira? Iyong bahay niyo talaga" Mahinahong tanong ko sa kanya. Baka kasi magalit. Iba kasi ang aura niya, 'yong tipong ingat na ingat ka talaga sa sasabihin mo dahil baka magkamali ka at magalit na naman siya.

"Bakit gusto mong malaman?" Hindi galit ang tuno niya, pero nakakatakot pa din.

"Para naman kahit papano may alam ako tungkol sa'yo"

"Dadalhin kita dun, pero hindi muna ngayon"

Bigla akong natahimik sa sinasabi niya. Talaga? Sinabi niya talaga 'yon? Naku, bakit biglang tumibok ng malakas ang dibdib ko? Iyon lang naman ang sinasabi niya eh. Bakit ganito?

Tangina, traidor talaga ang puso.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now