CHAPTER 19

419 29 0
                                    

Chapter 19

GLEE'S POV

PAGKATAPOS kong marinig lahat ng ekweninto ni Atlas sa akin ay agad-agad akong umalis para bisitahin si Elaina sa condo ni Ximena. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang kapatid kong nakaupo sa mini table habang nag babasa ng books.

"Elaina" tawag ko sa kanya.

Mabilis naman syang lumingon sa gawi ko at halata sa mukha nya ang saya nang makita ako. "Ate" mabilis syang tumayo at nilapitan ako at agad niyakap. "I miss you. Akala ko ba wala kang oras dalawin ako dito?"

Bumuntong hininga muna ako bago ko hinagod ang likud nya. "I was busy, i'm sorry" kinalas ko ang sarili ko mula sa pagkayakap nya at tiningnan ko sya ng maigi. "What kind of clothes is that, Elaina? natuto kanang mag suot ng ganyan?"

Kunot noo naman nyang tiningnan ang sarili nya. "What's wrong with my clothes ate?"

"Masyadong maiksi"

"Ate naman. Sinanay ko lang ang sarili kong mag suot ng ganito dahil palagi lang akong binu-bully ni Ate Ximena" nakangusong saad nya habang nakatingin pa din sa sarili nya.

Inaamin kong mas gumanda sya ngayon ngunit hindi ko gusto ang pamamaraan ng pananamit nya. Kung ano man ang mga sinasabi ni Ximena sa kanya, isa lang ang nasisiguro ko. Bad influence sya para kay Elaina.

"Next time, i don't want to see you like that, Elaina. Change your clothes"

"But ate-"

"Change your clothes"

Narinig ko ang buntong hininga nya at nakita ko din ang disappointment sa mukha nya ngunit walang ibang masusunod dito kundi ako.

Sinunod naman nya ang gusto ko ngunit nahahalata kong mabigat sa loob nyang sundin ako. I know what's Elaina's type. Elaina and I was different. Lahat ng bagay ay magka-iba kami, but it doesn't change for what we have. I love her so much that's why i will do everything for her. I will do everything just to protect her.

Ilang sigundo lang nung umalis si Elaina sa harap ko ay sya namang pasok ni Ximena. May mga bitbit itong paper bag at plastic, halatang galing itong mall.

"Sinadya mo ba talagang iwanan ang kapatid ko dito?" Seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya na nag lalakad at walang ka malay-malay na may bisita sya.

Gulat naman syang napatingin sa gawi ko at mahigpit ang pagkahawak sa mga paper bag na bitbit nya. "Oh my God! Glee, what are you doing here?"

"It isn't obvious? I'm here for my sister. Do you really have to ask?" Nag kibit balikat ako at umupo sa upoang malapit sa akin. "Ipinagkatiwala ko sya sayo. But it seemed, you really enjoyed your life alone, Ximena"

"Ano ba 'yan, saglit lang naman ako eh. At saka namimili ako ng food supply dahil naubusan na kami" ibinaba nya ang mga dala nya sa mini table at lumapit sa akin. "I'm sorry, hindi na mauulit"

"Dapat lang. Wala akong ibang pinag kakatiwalaan, Ximena. You know how much i care for my sister. You know how much i protect her from our enemies. And you know what happened to us back then. You know how my parents died." Hindi ko pinutol ang tingin ko sa kanya. Sinuri ko ang buong reaksyon nya bago ko itinuloy ang sasabihin ko. "So please, kapag sinabi ko sayong mag ingat ka, mag ingat ka. Alam kong kaya mong lumaban but how about my sister? She's innocent, Ximena. She doesn't know how to protect herself. Wala syang alam kundi ang umiyak at matakot, at 'yon ang ayaw kong mangyari"

Dahan-dahan nyang hinawakan ang kamay ko at tiningnan ako ng deritso sa mata. "Alam ko ang history nyo Glee. Alam ko ang mga dinanas nyo, and i promise that i will protect Elaina the way you protect her. She's like a baby sister to me. Hindi ko pa nasabi sayo kung gaano ako nag hahangad ng kapatid noon, at sayo at kay Elaina ko lang iyon nakikita at nararamdaman. Don't worry, i will do everything just to protect her."

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now