CHAPTER 5

813 38 3
                                    

Chapter 5

GLEE'S POV.

"Marami akong gustong malaman tungkol sa paaralang ito. Would you mind to tell me everything?" Nakatitig lang ako ng deritso kay Regg habang sinasabi 'yon.

Nakita ko naman ang takot sa mga mata n'ya. Gumagalaw pa ang adams apple n'ya tila nagpipigil lang ng takot.

Haha, nakakatuwa! Nakakatuwang makitang takot s'ya sa akin. Dagdagan n'yo pa ang kagustohan kong patayin kayo lahat dito, dahil ang takot n'yo ang appetiser ko.

"P-Pwede bang sa iba ka nalang magpaturo? I-Im busy" aniya sa utal utal na boses.

Humakbang ako palapit sa kanya kaya nakita ko kung paano manginginig ang kamay n'ya at kita ko din kung paano s'ya namumutla.

"Oh, poor Regg, are you scared? Hindi ako nangangagat. At saka diba ikaw ang leader? So obligasyon mong pag tuonan ng pansin ang gaya kong baguhan"

Nilaro laro ko sa ang hairclip ko na hawak ko. Bukod sa katana, hindi ko din ito ihiniwalay sa akin. Dala dala ko lahat ng gamit kong pwedeng puputol sa hininga nila.

"Ako din, i just want to know more about this school cuz i'm also a newbie here"

Napatiim bagang nalang ako sa boses ni Ximena sa likuran ko.

Shit! Hindi talaga hihiwalay sa akin ang babaeng 'to. Ito ang kahinaan ko. Mawawala ako sa concentration kapag may aaligid sa akin. Mas mabuti na 'yong ako lang nag iisa dahil hawak ko ang buhay ko.

Pero yung mga nagiging partner ko, hindi ko hawak ang buhay nila kaya hindi ko sila ma poprotektahan sa kung anong pwedeng mangyari.

"Regg Olivar right? Sabi ni prof mag papaturo daw ako sayo" sabi ni Ximena habang sobrang lawak ang ngiti n'ya kay Regg.

Uh uh! Hindi maganda 'to.

Binalingan ko s'ya at sinamaan ng tingin ngunit kinindatan lang n'ya ako. Aist! Freak!

"S-Sige. Sasabihin ko sa inyo ang rules dito. Sumunod kayo" sabi ni Regg sabay talikod.

Sumunod naman si Ximena at kumindat ulit sa akin. Ganun pa din ang ginagawa ko, sinamaan ko pa din s'ya ng tingin. Sumunod lang kami ni Regg at dinala n'ya kami sa underground.

Not bad! Simula na ito upang alamin namin ang pasikot sikot dito. Nakamasid lang ako sa paligid. Pagpasok namin sa underground ay napasinghap agad si Ximena dahil sa ganda at laki nito. May pasilyo din.

Huminto si Regg sa tapat ng pintuan at bahagyang kinatok ito. Nakailang katok lanh si Regg ay may isang lalaking matangkad ang lumabas agad.

"Regg, anong kailangan mo?" Tanong nito kay Regg.

"Si king? Kailangan ko ang permission n'ya upang maituro ko sa dalawang ito ang kung anong dapat gawin at hindi dapat"

"Newbie sila?"

"Oo"

Tumango naman ang lalaki at umalis saglit sa harapan namin. Mga dalawang minuto lang ay bumalik ulit ito.

"Papasokin mo daw sila Regg"

"Sige"

Humarap naman si Regg sa amin at kay Ximena lang ito nakatingin. Napangiti nalang ako ng lihim dahil sa inasta n'ya.

Ang galing n'yang mag aangas angasan sa harap ko kahapon, tapos ngayon ni pagtingin sa akin hindi kayang gawin? Yun pa nga lang ginagawa ko takot na s'ya, paano pa kaya kung pupugutan ko ng ulo ang hari nila sa mismong harapan n'ya.

"P-Pasok daw kayo" aniya.

Walang pa ligoy ligoy na pumasok si Ximena at hinila pa ako. Hinablot ko ang kamay ko na hawak n'ya at sinamaan ulit s'ya ng tingin. Ngumiti lang s'ya sa akin na parang abnormal.

Pagpasok namin sa loob ay nakita namin ang lalaking nakatalikod sa direction namin habang nakatayo at umiinom ng alak.

"King, andito na ang mga newbie"

Dahan dahan namang humarap ang tinawag nilang king. Napangiti nalang ako ng masilayan ko ulit ang mala adonis na si Aziel.

"Oh my God! Ang gwapo"

Siniko ko naman si Ximena dahil para na s'yang bulati na sinisilihan.

"OMG Glee, ang gwapo ni King Aziel" kinikilig na saad ni Ximena.

"Pwede bang magbigay galang naman kayo?"

Sinunod nalang namin ang sinasabi nang taohan ni Aziel. Dapat galingan pa namin ang pag papanggap sa harapan ng hari nila. Dahil s'ya ang pakay namin.

"Ayos lang, sige check mo 'yang isa. Lahat ng gamit n'ya check n'yo" sabi ni Aziel habang tinuro si Ximena.

Tila nagtaka naman sina Regg at yung isang lalaki, kung bakit si Ximena lang ang i checheck.

"E 'yang si Nerd, king?"

"Ako ng bahala d'yan" lumapit naman sa kinaroroonan ko si Aziel at hinagud ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Umikot pa s'ya habang sinusuri ang kabuohan ko.

"Katana Glee Watson. Parang napaka mesteryoso naman ng pangalan mo" ngumiti s'ya sa akin at hindi man lang nag abalang kunin ang mga gamit ko.

Mabuti naman at hindi n'ya ako nakalimutan. Para kapag patay na s'ya, dala n'ya hanggang hukay ang pangalan ko.

Tama nga 'yan Aziel!

Nakatingin lang ako sa kanya habang cold ang expression ko. Kahit saang angulo mo s'ya tingnan, sobrang gwapo n'ya pa din. Pero sayang lang ang ka gwapohang taglay n'ya dahil ako ang tatapos sa kanya.

"So paano king, alis na kami?"

"Okay, pero iwan n'yo si Glee dito. Ako na ang bahala sa kanya"

Lihim naman akong napangisi. Tingnan mo nga naman. Ang bait talaga ng tadhana sa akin. Yung swerte ang palaging lumalapit sa akin.

Tiningnan ko si Ximena sa gilid ko. Sobrang laki din ng ngiti n'ya, tiningnan n'ya ako na parang nagdidiwang ang mga mata.

Gusto ko sa part na 'yan Ximena.

"Sige king, alis na kami"

Tumango lang si Aziel.

Tumalikod na si Regg at si Ximena naman ay kinindatan pa ako bago sumunod kay Regg.


Vote.

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now