CHAPTER 17

861 37 3
                                    

Chapter 17

GLEE'S POV


"Glee, kumusta na? Nakapasa kaba sa pagsubok?" Tanong ni Maynard sa akin.

Nandito ako sa opisin n'ya dahil pinapatawag n'ya ako. Akala ko sabihin na n'ya sa aking simulan ko nang ubusin ang glitch, hindi pa pala. Naiinip na ako, gusto ko nang tapusin ang misyon ko dahil gusto ko ng panibago.

"Oo, isa na akong glitch. Kailan ko ba talaga sisimulan ang paglagas ko sa glitch?" Inip na tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman s'ya at napadako ang tingin kay Ximena na masayang nanood ng palabas.

"I think, kaya na ni Ximena yan. Ngayong isa kanang glitch, wala kang ibang gawin kundi ang gampanan ang pagiging glitch mo"

"What? Are you damn crazy? This is my mission Maynard, i won't let anyone do this fucking mission, dahil ako lang ang uubos sa glitch. Ako lang Maynard"

"Glee, paano ka makapag fucos hanapin ang pumatay sa mga magulang mo, kung maraming bumagabag sa isipan mo?"

"Tingin mo ba, disturbo to sa akin? This is what i want, Maynard. Sasaya ako dito, ito na ang naging buhay ko, tingin mo ba may iba pang bagay ang makapag pasaya sa akin bukod sa pag patay?"

"Glee, hindi namin ipagkait ang mga bagay na 'to sayo, pero sana naman bigyan mo ng halaga ang buhay mo. Kailangan mo ding maranasan mabuhay ng normal"

Napatawa nalang ako ng malakas dahil sa sinasabi ni Ximena, nakangisi akong humarap sa kanya at tiningnan s'ya mula ulo hanggang paa.

"Sa kabila ng trabaho natin, nagawa mo pang mag isip na dapat mamuhay tayo ng gaya ng ibang tao? We are a killer, a damn killer Ximena. Do you think we can live this fucking world like a normal people at mag magpapakasaya?. Wala tayong lugar doon Ximena, hindi tayo nababagay sa mundong 'yon, dahil ito ang mundo natin, ang pumatay ng tao"

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Ximena, kaya napa irap nalang ako. Assassin, saan paba pwede ilugar ang aasassin na gaya namin? Katulad lang kami ng isang patapon na tao. Nakikita pero hindi importante.

At wala akong ibang gagawin ngayon kundi ang gampanan ang mga bagay na nararapat kong gawin.

"Alam kong hindi iyon ang gusto mo, Glee. Alam kong gusto mo ding mamuhay ng gaya ng ibang tao. Hindi mo lang maamin sa sarili mo 'yon dahil sa kagustuhan mong maghiganti. Glee, sana naman kapag natapos na ang totoong misyon mo, bigyan mo ng halaga ang buhay mo. Mamuhay ka ng tahimik Glee, hindi ito ang nararapat sayo"

"Will you shut your fucking mouth Ximena! Sino kaba para diktahan ako? You are a killer too, wala tayong pinagkaiba"

Nakita ko namang nangilid ang mga luha n'ya sa pisngi n'ya. Gulat ako pero hindi ko pinahalata. Oo mga assassin kami ni Ximena, pero magkaiba kami. Si Ximena may puso, pero ako? Ewan ko, may puso naman ako, pero bato nga lang.

"Kung walang halaga sayo ang pagkakaibigan natin, pwes sa akin meron, Glee. Gaya nga ng sinabi mo, magkaiba tayo. Marunong akong maawa, marunong akong magpahalaga ng tao, hindi kagaya mo"

Nagulat man sa inasta n'ya, pero nangingibabaw pa din ang galit ko dahil sa sinasabi n'ya. Galit akong tumayo at binunot ang katanang naksabit sa likud ko. Humarap ako kay Ximena at bigla kong ginalaw ang katana ko ng pahalang.

"Shitt, Glee! What are you doing?"dinig kong sigaw ni Maynard, pero hindi ko na s'ya pinansin.

Akma kong patatamaan ng katana ang leeg ni Ximena, ngunit hindi ko ito natuloy. At may isang bagay ang pumasok sa isipan ko ngayun, ganito din ang nangyari kahapon nung balak kong patatamaan si Aziel ng katana ko, ngunit hindi ko natuloy.

Anong nangyari sa akin? Bakit nagkaroon na ako ng pag alinlangan na pumatay ng tao, gayung ito ang nakasanayan ko.

Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko at mabilis kong kunuha ang hairclip ko at pinitik ko ito sa ere. Sa isang iglap lang ay bumaon ito sa leeg ni Ximena at bigla nalang s'yang bumagsak sa sahig na walang.

"Fuck! Glee"

Hinarap ko si Maynard.

"Don't worry, hindi n'ya ikakamatay 'yan" sabi ko kay Maynard sabay talikod.

Umuwi muna ako sa palasyo. Baka matuloyan ko pa si Ximena. Hindi ako sanay na ganito. Kapag hindi ko gusto ang isang tao, pinapatay ko. Pero bakit yung kay Aziel, ilang beses ko na s'yang pinagtangkaang patayin ngunit bakit hindi ko matuloy-tuloy? Bakit palagi akong inuunahan ng pesting konsinsya na'to? Aaminin kong nagi-guilty ako kapag pinagsalitaan ko si Ximena ng masakit, lalo na kapag pinagtangkaan ko s'yang saktan, pero syempre natural lang 'yon kasi kahit papano may pinagsamahan kami.

Pero yung kay Aziel? Bakit nararamdaman ko sa kanya ang nararamdaman ko kay Ximena? Magkaibigan kami ni Ximena, pero hindi si Aziel. Kaaway ko s'ya at hindi pwedeng maramdaman ko ito dahil baka ito ang dahilan kung bakit hindi ko matuloy ang balak ko.


VOTE


                        LEMONGREEN1675

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now