CHAPTER 6

740 35 1
                                    

Chapter 6

GLEE'S POV

"So, what do you want to know?" Simpleng tanong ni Aziel sa akin.

Kami nalang ang naiwan dito sa underground dahil may inutus s'ya sa mga taohan n'ya.

Humakbang ako patungo sa upoang malapit sa kanya at umupo.

"Everything. Diba yun naman talaga dapat? Since i am a newbie here, you have to tell me everything about this school" sabi ko.

"Would you mind if i asking?"

Napatitig naman ako ng deritso sa kanya. Kalauna'y tumango din ako ng dahan dahan.

"Ano yun?"

"Bakit ka pumasok sa paaralang ito?"

Napatigil naman ako dahil sa klase ng tanong n'ya. Anong ibig n'yang sabihin? Duda din ba s'ya sa akin? Hindi ba s'ya kombisido na isa akong Mafia?

Napahigpit ang hawak ko sa hairclip na dala-dala ko. Kung totoosin, pwede ko na s'yang patayin ngayon gamit ito, pero masyado pang maaga para d'yan. Kailangan ko munang malamang lahat ng inpormasyon tungkol sa kanya at group n'ya. Isa s'yang mafia, at malamang marami s'yang kasapi bukod sa Raxious.

"Pati ba ikaw duda din sa akin? This tattoo isn't enough to prove that i'm one of the mafia?"

"No, that's not what i mean. Look, we are all a mafia here. And yes, we have a drug lords, the gangs, at lahat ng mga illegal na gawain ay meron kami. Lahat lahat ng mga kalaban ng batas ay nandito. Lahat ng estudyante dito marunong makikipaglaban, dahil kita mo naman, araw araw silang nag iinsayo. Ang tanong, alam mo ba kung paano makipag laban? As you can see, sa lahat ng estudyante dito, ikaw lang ang nerd, a weak kung titingnan"

Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinasabi n'ya. So yun ang tingin n'ya sa akin? Weak, a simple nerd? Ganum naba ako kagaling mag panggap, dahil ganun ang tingin n'ya sa akin? So yung nangyari kay Lulu, hindi n'ya alam na ako ang may gawa nun?

"What do you mean?" Deritsong tanong ko.

"Kalangan ko ng isang member sa Glitch. Yung mapapagkatiwalaan. Ikaw ang gusto ko. At syempre, kailangan mo din sumabak sa mga pagsubok"

This is it. Ito ang pagkakataong hinintay ko, ang makuha ang tiwala n'ya at makapasok sa group nila.

"Bakit ako? Diba sabi mo, isa lang akong mahinang nerd kung titingnan?"

"Oo, at yun ang gusto ko. Yung mahina tingnan pero may maibubuga?"

Napaawang naman ang labi ko dahil sa sinasabi n'ya. Bakit kung makapagsalita s'ya parang may alam s'ya tungkol sa akin? Ano ba talaga ang ibig n'yang ipahiwatig.

"Nakita ko kung paano mo patayin si Ludisa Meranda, o Lulu. And i was impressed with your ability. Ka mangha mangha" aniya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tinitingnan s'yang nagsasalita. Wala ka talagang maipipintas pagdating sa hitsura n'ya. Actually marami namang gwapo dito sa loob ng paaralan, pero in his case, kakaiba ang dating n'ya. Yung tipong lahat ng babae handang magpapa alipin sa kanya masisilayan lang s'ya araw araw.

"Isa kang hari diba? Bakit ka nag aksaya ng oras para kausapin ang gaya kong nerd?"

Tumawa naman s'ya bigla at tumayo. Naglakad s'ya papalapit sa akin at nagpunta sa likuran ko. Naramdaman ko pa ang hininga n'ya malapit sa tainga ko.

"Dahil hanga ako sayo. And i want to know more about you, because i know, you are not an ordinary"

Napatiim bagang naman ako. Pilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil parang bumilis ang tibok ng puso ko.

Akma n'yang bubunotin ang katanang nakasabit sa likud ko, pero mabilis kong nahawakan ang kamay n'ya, pagkatapos binalibag ko s'ya.

Nakasalampak s'ya sa sahig habang tumatawa, kahit halatang nasasaktan s'ya sa ginawa kong pagbalibag sa kanya.

"KING"

Mabilis namang lumapit sa kanya ang isang taohan n'ya na kakarating lang at pinatayo s'ya. Pagkatapos nilapitan ako ng taohan n'ya para sana sapakin, pero pinigilan n'ya ito.

"Argus. Enough" tumingin muna s'ya sa taohan n'ya bago pa ika ikang lumapit sa akin " See, kakaiba ka. That is why i really want you in my side"

Napabuntong hininga naman ako. Kung ano man ang plano mo, Aziel, sisiguradohin kong mauunahanan kita.

"Okay deal. Kailan ako magsisimula sa pagsubok na yan?" Walang pa ligoy ligoy na tanong ko.

Ito ang pagkakataong hinintay ko. Baka wala pa 'to, kung babagalan ko ang kilos ko.

"Bukas, at ako at si Argus ang susubok sayo" aniya.

"What? Pero king, marami namang iba d'yan na gagawa nun? Ba't ikaw pa? Kaya ko naman na 'yon" sabi naman ni Argus.

"No, gusto kong matutu s'ya gamit ang mga natutunan ko. Argus"

Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko. Bakit lahat ng pagkakataon pabor sa akin?

Pero hindi dapat ako makampanti. He is a king, at gaya ng narinig ko, tuso ang hari ng Glitch. Hindi ako dapat kakagat sa mga bitag n'ya. Pero gusto ko pa din malaman ang istelo n'ya sa pakikipag laban. At ito ang gagamitin ko, kapag dumating na ang panahon na pwede ko na s'yang patayin.

VOTE.

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now