CHAPTER 8

668 30 0
                                    

Chapter 8

GLEE'S POV

Pagkatapos n'yang mamili ng mga ka ik-ikan kuno, dumiretso na kami sa palasyo n'ya. Grabe, ang laki. Palasyo nga naman diba?

So yun nga, pagpasok namin sa loob sobrang na lula ako dahil sa laki nito. Gold lahat ang kulay ng nasaloob pati na din sa labas. Maraming mga naglalakihang painting ang nakasabit sa dingding. Ganito nga talaga ka yaman isa kang Mafia king, walang duda.

"Dito ka lang, ipapahanda ko muna ang kwarto mo" iniwan n'ya ako dito sa sala at nagpunta sa di ko alam kung saa.

Sobrang laki kasi ng bahay nila este palasyo. Mas malaki pa sa ASF Mall. Grabe. Pero si Aziel, hindi mo s'ya mahahalataang isa s'yang king, dahil sa mga kilos n'ya. Simple lang, saka the way siya magsasalita parang ordinaryo lang na tao.

Nahinto ako sa pagmuni muni ng may naramdaman akong presensya sa likud ko. Mabilis kong hinugot ang katana ko at umikot ako, nabigla naman ang taong nasa likuran ko kaya hindi na n'ya nagawang umilag. Nasugatan ko s'ya sa tagiliran n'ya.

"A-Aww shit" anas ng babaeng nakaluhod ngayon sa harapan ko habang nakahawak sa sugat n'ya at may hawak din itong samurai.

Blanko lang ang expression ko habang nakatingin sa kanya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa katana ko, at itinaas ko ito, akmang pupugutan ko na sana s'ya ng ulo ngunit pinigilan ako ni Aziel.

"Shit, Glee, stop it" tumakbo s'ya papunta sa direction namin, at hinawakan ang braso ko.

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa galit. Galit dahil hindi ko natuloy ang pagpatay sa babaeng magtangkang patayin ako. Kinalma ko muna ang sarili ko sabay baba ng katanang hawak ko.

"King, anong nangyari?" Sumulpot naman ang mga taohan n'ya.

"Si Kira, dalhin n'yo siya sa clinic" sabi ni Aziel habang pasulyap sulyap sa akin.

Nagmamadali naman ang dalawang taohan n'ya upan mabuhat nila si Kira at dinala agad ito sa sinasabi ni Aziel na Clinic.

"Argus, iwan n'yo muna kami"

Mabilis namang tumalikod si Argus kasama ang iba pa n'yang kasamahan. Si Argus lang ang kilala mo sa kanila, pero yung iba, mukhang sila ang squad ni Aziel, dahil sa pamorma nila at tindig.

"Anong nangyari?" Malamig na tanong n'ya.

"Hindi ko na kailangang mag explain. Nakita mo na diba? Hindi ko naman alam na may hayop palang gumagala dito sa palasyo mo"

Umupo ako sa isang sofa at nilinis ang katana ko gamit ang tissue n'yang nakapatong sa mini table.

"Tss, ang brutal mo. Mukhang hindi ka na kailangang isabak pa sa mga pagsubok, dahil parang marami ka namang natutunan"

"Anong pinagsasabi mo?" Maang maangan ko.

Syempre, kailangan kong umakting dahil gusto kong malaman ang mga istelo n'ya.

"Akin na 'yan" sabi n'ya sabay kuha ng katana ko.

Inis namana ko kaya pinihit ko ang kamay n'ya at sinakal ko s'ya gamit ang isang kamay ko. Nakita kong napangiwi s'ya at gulat din at the same time.

Bigla naman akong natauhan kaya nabitawan ko s'ya bigla. Shit, bakit ba hindi ko makontrol ang sarili ko kapag naiinis ako?

Napakurap kurap pa s'yang tumitingin sa akin habang may mga ngiting nakapaskil sa labi n'ya.

Baliw! Sinakal na nga, nakangiti pa?

"Haha, grabe, hindi ko akalaing ganun ka kalakas Glee. Ngina, ang sakit ng leeg ko, a" hinimas pa n'ya ang leeg niya.

Inirapan ko naman s'ya at umupo uli ako sa sofa. Kinalma ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko, nanginginig na naman ako.

Gahh! I hate this feeling.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong wag ipakita ang ka brutalan ko, tingin ko kasi lahat sa kanila ay kalaban ko, na s'ya namang totoo. Hindi pwede 'to, kailangang mag ingat ako sa mga galaw ko, dahil matalino si Aziel. Parang may dahilan s'ya kung bakit palagi n'ya akong i tease.

Humakbang naman s'ya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. Nanatili lang ang tingin n'ya sa akin.

"Bukas kana magsisimula. Pahinga ka muna sa room mo" malamig n'yang saad.

Napasulyap naman ako sa kanya dahil parang nag iba ang aura n'ya. Seryoso na s'ya ngayon habang nakatingin sa ibang direction.

"Sige, akyat na ako sa taas" tumayo ako at humakbang paalis, pero huminto muna ako at nilingon ko s'ya.

"I'm soryy" huling sabi ko bago ko s'ya tinalikuran.

Tss! Tanga mo Glee.

VOTE.

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now