CHAPTER 15

556 26 0
                                    

Chapter 15

GLEE'S POV


Pa simple lang akong nakaupo habang pinapanood ang limang lalaking nag iinsayo. Tatlong minuto nalang, bago simulan ang kahulihulihang pagsubok ko. Gusto kong mag apply ng kaunti sa nalalaman ko para hindi ako masyadong mahihirapan. Ito din ang isa sa mga plano ko upang maging member ng glitch.

"Hey, are you ready? I tell you, this one is very dangerous. Pwede mong ikamatay 'to pag nagkataon" sabi ni Aziel pagkalapit n'ya sa pwesto ko.

Sinulyapan ko lang s'ya at ibinalik ko uli ang tingin ko sa limang taong nag iinsayo.

"If i win this fight, magiging member ako ng glitch, ano ba kadalasan ang mga ginagawa ng glitch?" Deritsong tanong ko sa kanya.

Noong una, medyo nag aalinlangan s'yang sagutin ang tanong ko, pero kalaunan ay sinabi n'ya din kong ano ang mga ginagawa ng glitch.

"Actually, Glitch is not about what you think. Marami kaming misyon na dapat lutasin, at malalaman mo 'yon kapag magiging member kana ng glitch"

Hindi ko man naiintindihan ang pinagsasabi n'ya ngunit isang bagay lang ang pumasok sa isipan ko. At para sa akin, parang imposible nga kung ganun.

"I should win this fight" sabi ko habang nakatingin sa mga taong kakalaban sa akin.

I think ready na sila at hudyat nalang ni Atlas ang hinintay. Dumikit naman si Aziel sa akin at may ibinulong ito.

"You should, because i badly need you in my side" pakatapos n'yang sabihin 'yon ay tumalikod agad s'ya sa akin habang may ngiting nakapasikil sa kanyang mga labi.

Weird! Maypa i need you i need you pa s'yang nalalaman, papatayin ko lang naman s'ya.

"Glee, maghanda kana. Dalawa ang makakalaban mo sa first round" sabi ni Atlas.

Inayos ko naman ang katana ko. Tumayo ako at pumunta sa gitna ng battle ground. Tumayo naman ang dalawang lalaking makakalaban ko at mukhang magagaling ang mga ito. May hawak na dalawang katana ang isa, habang yung isa naman ang mga throwing blade ang dala.

Uh uh! I think they really premeditated this fight. And i'm always ready for this. Isang madugong labanan ang pinaghandaan ko, ito pa kayang lintik na pagsubok lang? Kaya ko silang ibaon sa hukay kong gugustuhin ko, pero dapat dahan dahan lang.

Itinaas na ni Atlas ang kamay n'ya hudyat na sisimulan na ang lalaban. Hinintay ko nalang na susugod sa akin ang dalawang kalaban ko, at ginawa nga nila. Sabay silang sumugod sa akin habang yung isa ay nag papakawala ng throwing blade.

Inilagaan ko ang mga throwing blade na nagsisilipan sa ere, at sinangga ko naman ang bawat atake sa akin nung isang lalaki. Nakita ko pa ang isang kalaban na bumunot ito ng samurai, kaya throwing blade na at samurai ang hawak n'ya ngayon.

Pagkatapos ng isang malakas na atake nila sa akin ay ako naman ang sumugod sa kanila. Hinawakan ko gamit ng dalawang kamay ko ang katana ko at ginalaw ko ito ng pahalang sabay ikot sa ere, kaya nasugatan ko sa braso ang isa.

"Fvck, you're really good at this huh, hell" napangisi naman ako sa narinig ko, dahil kilala n'ya pala ako.

Dahan-dahan akong umikot sa kanilang dalawa sabay ikot ikot sa kantana ko gamit ang isang kamay.

"Masaya ako na kilala mo pala ako, ayos lang 'yon, ma mamatay ka naman" pagkasabi ko nun, ay ginalaw ko uli ang katana ko ng pahalang sabay atake sa kanya.

Huminto ako sa likuran n'ya habang nakatalikud din ako sa pwesto n'ya. Hinihintay ko kung ano ang susunod na mangyari. Dahan-dahan akong pumihit paharap at tumingin sa lalaking sinugod ko, at kita ko kung paano ito dumausdos pababa habang dahan-dahan nagsituluan ang mga masasaganang dugo nito galing sa leeg. Sobrang bigat na paghinga ang huling pinakawalan nito bago ito bumagsak sa ground.

Nakatalikod ako sa isa ko pang kalaban kaya hindi ko napansin ang atake n'ya. Naramdaman ko nalang ang dalang hangin n'ya dulot ng malakas na pagsugod n'ya sa akin, sabay lapat ng talim ng samurai n'ya sa likud ko.

Fvck!

Lihim naman akong napa impit dahil sa sakit at hapdi dulot ng pagkahiwa sa likuran ko, ngunit hindi ko na 'yon ininda. Mabilis akong humarap at sinabayan ko ang atake n'ya, ginalaw ko ulit ang katana ko ng pahalang, pagkatapos winasiwas ulit ito sabay atake ko sa kanya. Nilagpasan namin ang isa't isa kaya lahat ng taong nakatingin sa amin ay parang maubusan na din ng hininga dahil sa kabang bumabalot sa loob ng battle ground.

Hinintay kong atakihin uli ako ng kalaban habang nakatalikod ako sa kanya, ngunit sampung sigundo na ang nakalipas wala pa ding umatake sa akin. Mabilis akong humarap at nakita ko itong nakabulagta na ngayon sa ground habang sobrang dami na ng dugo ang dumadaloy sa buong katawan nito galing sa sugat nito sa leeg. Gaya ng una kong kalaban, pugot din ang ulo nito.

Lihim naman akong napangiti dahil sa tagumpay ko. Saka ko lang nararamdaman na kumikirot ang likud ko, kaya napahawak nalang ako ng mahigpit sa katana ko at itinukod ko ito sa ground upang mag silbing suporta sa akin para hindi ako tuluyang bumagsak.

Shit! May tatlo pa akong kalaban, and i have to end this fight as soon as i can.

"Glee" dining kong sigaw ni Aziel sa di kalayuan sa akin.

Kita ko pang mabilis itong tumakbo patungo sa direction ko at inalalayan ako.

"Marami ng dugo ang dumaloy mula sa likud mo. Kaliangan mong magamot agad"

May nakita akong pag alala sa mukha n'ya ngunit di ko nalang ito pinansin. Nag babait baitan huh!



VOTE


LEMONGREEN1675

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now