CHAPTER 14

658 28 1
                                    

Chapter 14

GLEE'S POV

Dahan dahan akong humarap sa kanila, kaya kita ko kung paano mag laglagan ang panga nila. Medyo kinabahan naman ako dahil baka makilala nila ako, ngunit nakahinga naman ako ng maluwang ng magsalita si Atlas.

"Woah, that was close"

Lihim nalang akong napangiti ng makita kong umasim nalang bigla ang mukha ni Argus.

"So, how's our deal?" Binunot ko ang katana ko sa likud ko at pinaikot ikot ito gamit ang kaliwang kamay ko.

"Hindi ako umuurong sa labanan" sabi n'ya, at dinampot ang katanang naka patong sa mesa.

Marami kasing weapons ang inihanda ni Aziel, at iba't ibang klase ito. And i want to challenge Argus, nang sa ganun makaganti naman ako sa mga masasakit na salitang binato n'ya sa akin.

Pumwesto s'ya sa harapan ko, at itinaas ang katanang hawak n'ya at akma akong titirahin kaya mabilis akong umilag. Wala akong pakialam kung mag duda sila sa kakayahan ko, ang importante, mabigyan ko ng sample ang mushroom head na 'to.

Mabilis ko s'yang sinugod at ginalaw ang katana ko ng pahalang, muntikan na sana s'yang matamaan sa leeg ngunit sinadya kong inilag ang katana ko. Nakita ko naman ang takot at kaba sa mukha n'ya.

Haha, nakakatawa ang mukha n'ya.

Dahil dun, mabilis n'ya akong sinugod at sinipa ang kaliwa kong hita kaya napaluhod naman ako at itinukod ko ang katana ko sa ground. Kinuha naman n'ya ang pagkakataon at mabilis akong sinugud ulit at ginalaw din n'ya ang katana n'ya ng pahalang at muntikan pang matamaan ang mukha ko.

Ang ginawa ko ay bumaliktad ako habang nakahawak ako sa katana kong nakatukod sa ground, at sinadya kong mag landing ang mga paa ko sa mukha n'ya.

"Fuck" sapo n'ya ang mukha n'yang natamaan ng sipa ko at bahagya s'yang napaatras.

Mukhang nagalit naman s'ya ng sobra kaya mukhang na out of control na s'ya at sinugod ako habang ginalaw n'ya ang katana n'ya ng pahalang. Gaya ng sabi ko, ako si Hell. Wala pang nakakatalo sa akin sa labanan.

Nung papalapit na s'ya sa akin, ay umikot ako at ginalaw ko ang katana ko ng pahalang at nasugatan ko ang tagiliran n'ya na s'ya namang kinabagsak n'ya habang sapo ang tagiliran n'yang may sugat.

"Shit, Argus" narinig kong sigaw ni Aziel.

Nagmamadali namang naglakad ang apat sa kinaroroonan namin at dinaluhan nila agad si Argus. Si Aziel naman ay lumapit sa akin at sinisiyasat ako kung may tama ba.

"Wait, wala kang sugat?" Gulat na tanong n'ya sa akin.

Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Bakit? Gusto mong magkasugat ako?"

"No, nagtataka lang ako. Magaling si Argus pagdating sa katana. S'ya ang number na kinatatakutan dito pagdating sa paghawak ng katana, pero ikaw? Hindi ka man lang nasugatan? Si Argus pa 'tong may sugat"

Hindi ko na pinapansin ay mga sinasabi n'ya dahil hindi ko 'yon gustong marinig. Tumalikod ako at naglakad palapit sa mesa na puno ng mga weapons.

"King, mukhang malalim ang sugat ni Argus" narinig kong saad ni Orson.

Tss! Malalim daw. Daplis lang naman 'yon e, sinadya ko talagang daplisan lang s'ya dahil hindi pa oras para kitilin ko ang buhay n'ya.

"Bring him to the palace. Magagamot na s'ya ni Kira doon"

Umikot naman ako paharap sa kanila, kaya nakita ko kung paano namimilipit si Argus dahil sa sakit. Tama nga ang kasabihan, na mas masakit ang kunting sugat kaysa malaki.

Yun din ang iniowasan ko, kaya pagdating sa labanan, doble ingat talaga ang ginagawa ko dahil ayokong ma daplisan ako. Nanghihina ako dun, may gustuhin ko pang magtamo ng malaking sugat kesa maliit.

"Daplis lang 'yan Argus, ang OA mo naman" pahabol na sigaw ko.

Nakita ko namang masama ang tingin n'ya sa akin, habang inaakay s'ya nina Kenric at Orson.

"You are really different. Are you hiding something?" Tanong agad ni Atlas sa akin nang mapalapit s'ya sa akin.

Si Aziel naman ay busy sa pagligpit ng mga weapons.

"Why don't you try to help your king, instead na tanongin mo ako ng ganyan?" malamig na tugon ko.

"Look, Glee, i'm trying to be nice here, kahit ang tingin ng iba sayo ay stranger"

Bigla naman akong napatingin sa kanya at inirapan s'ya ulit. "I don't fucking care"

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay lumapit ako kay Aziel at tinanong ito "What is my next task?"

Lumingon naman s'ya sa akin at ngumisi.

"You have to fight them" turo n'ya sa limang lalaking nakatayo sa di kalayuan sa amin. "that is your last task. If you will survive your last task, magiging member kana ng Glitch"

Tiningnan ko naman ang mga ito, mukhang mga malalakas ang mga ito, sa porma palang.

                    
                       LEMONGREEN1675

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now