CHAPTER 18

575 37 7
                                    

Chapter 18

GLEE'S POV

"Masaya kana?" Sabi ni Kira habang naka tayo sa gilid ko.

Pagkapasok ko lang sa palasyo ni Aziel ay s'ya agad ang nakita ko. Parang hindi ko nagugustohan ang mga titig n'ya sa akin. Titig na nag babanta, at nag dududa.

"Oo, masaya ako, bakit?" Sarkastikong ani ko.

Nanlisik naman ang mga mata n'yang nakatitig uli sa akin. Hindi naman ako nag papasindak sa mga titig n'ya dahil minsan ko nang pinatikim sa kanya ang katana ko, at alam n'ya kung anong pakiramdam nun.

"Alam kong may binabalak ka, at hindi ako papayag na magtatagumpay ka"

Ngintian ko lang s'ya ng nakakaloko at nilalaro ko ang katana ko.

"Talaga? Sige nga, sabihin mo nga sa harapan ko kung ano ang mga pina plano ko, alam mo diba? Sabihin mo" pang hahamon ko sa kanya.

"Hindi ako tanga para magbubulag bulagan Glee, at lalong hindi ako tanga, para sundin ang iniutos mo"

"Sabi mo, alam mo ang mga plano ko? Sabihin mo na, wag nang marami pang sinasabi"

Lumapit naman s'ya sa pwesto ko at bahagyang tinitigan ang katanang hawak ko, kaya ang ginawa ko, inikot ko ito sa kamay ko, pagkatapos itinutok ko ito sa leeg n'ya.

"Wag na wag kang magkakamali, kung ayaw mong tuluyan nang mamamahinga. Hindi ako kagaya ng iniisip mo, ngunit kung patuloy mo pa ding ipagpilitan ang kung ano man ang nasa isip mo, humanda kang lasapin ang talim ng katana ko, dahil hindi ako magdadalawang isip na gawin ang iniisip mo tungkol sa akin, Kira"

Napalunok naman s'ya habang nakatingin sa akin, ngunit wala akong takot na nakarihestro sa mukha n'ya. Hindi ko alam kung matapang lang ba s'ya, o nag papanggap lang.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala ka guilty Glee. Wala pa akong sinasabi kumagat kana?" Sabi n'ya na may kasama pang tawa.

Nainis naman ako sa inasta n'ya kaya idiniin ko ang katana ko sa leeg n'ya, kaya medyo nasugatan na s'ya, ngunit nanatili pa din ang tapang n'ya kahit na alam kong nakakaramdam na s'ya ng sakit.

"Hindi ako pumapatol sa kagaya mong makitid ang utak, Kira. Pero kung ikaw mismo ang hihingi sa sarili mong kamatayan, bukal sa loob kong ibibigay sayo 'yon" ngumisi ako na parang demonyo sa harapan n'ya, at sa pagkakataong ito, nakita ko ang takot na bumabalot sa pagkatao n'ya.

"S-Sige, g-gawin mo. Sa t-tingin mo ba, kapag pinatay mo ako, hindi 'yon malalaman ni K-King?"

"Malinis akong magtrabaho, Kira, hindi mo alam. Kaya kong palabasing nilason ka ng sarili mong kakitiran, kaya naisip mong magpakamatay. Alam kong may gusto ka kay Aziel, at hindi na bago sa akin 'yon. Pwede ko 'yong gawing dahilan, kung sakali mang mapatay kita ngayon"

"W-Wala akong gusto kay king. Pinoprotektahan ko lang s'ya laban sa mga taong gustong manakit sa kanya"

"At sa tingin mo, ako 'yon?"

Napakurap naman s'ya dahil sa lakas ng pagsigaw ko! Napakapit pa s'ya ng mahigpit sa laylayan ng damit n'ya dahil sa sakit, at dahil marami na ding dugo ang dumadaloy mula sa sugat n'ya sa leeg, dulot ng pagdiin ko ng katana ko sa leeg n'ya.

"Glee! Tama na 'yan"

Mabilis kong binawi ang katana ko, at itinukod ko ito sa sahig. Pagkatapos lumingon ako kay Orson na kararating lang, kasama si Atlas.

"Anong nangyari? Oh my God, Kira? Ano na namang ginawa mo't nagalit ng ganyan si Glee?" Sigaw ni Atlas kay Kira.

Lihim naman akong napangiti dahil kita ko sa mukha ni Kira ang pagkagulat.

"W-What? W-Wala akong ginagawa, Atlas!"

"Kapag nalaman ito ni King, paniguradong magagalit 'yon. Bagohan palang si Glee sa samahan kaya naman, pakitunguhan mo s'ya ng maayos, Kira" patuloy na sermon ni Atlas kay Kira.

Si Orson naman, ay masama lang na nakatingin sa akin, habang nakaalalay kay Kira. Pareho talaga silang dalawa, sagabal sila sa mga plano ko, kaya nararapat lang na patayin sila.

Tinignan ko sila ng nakakakilabot na tingin, kaya sabay silang nag baba ng tingin, habang si Atlas naman ay hindi pa tapos sa panenermon kay Kira.

"What happened?" Sabi ni Aziel na kakarating lang din kasama si Kendric.

"Si Kira at Glee, nag aaway na naman"

"What? Kira, totoo ba ang sinasabi ni Atlas? Ano na naman ang ginagawa mo?" Galit na bulyaw ni Aziel kay Kira.

"K-King, w-wala naman akong ginawang masama"

"Hindi ka masasaktan kong hindi mo ginalit si Glee, Kira!" Napahilot pa s'ya sa sintido n'ya bago lumapit sa pwesto ko. "Ayos ka lang, Glee?"

Tumango lang ako, pagkatapos sinabit ko ang katana sa likud ko. "Ayos lang ako, gamutin n'yo na s'ya"

"Ako na magdadala sa kanya sa clinic King" boluntaryo naman ni Orson, pero bago ito umalis, ay tinapunan muna ako ng masamang tingin.

Napairap nalang ako. Wala akong pakialam kung anong iisipin nila ,dahil ang gusto ko, magawa ko na ang pina plano ko sa lalong madaling panahon.

"Ayos ka lang Glee?" Tanong sa akin ni Aziel pagkaalis nila Orson at Kira.

Nanatili lang ding nakatayo sina Kendric at Atlas.

Inis ko namang tiningnan si Aziel. "Bakit ako ang tinanong mo? Ako ba nasugatan?"

Parang wala lang sa kanya ang sinasabi ko, dahil sinuri pa din n'ya ako.

"Basta wag mo nalang patulan si Kira, ganun talaga ugali nun" sabi naman ni Atlas. Umupo pa siya sa upoang nasa harapan ko.

"Tss" singhal ko kay Atlas.

"Nga pala king, may misyon na tayo. Since kompleto na ang Glitch, pwede na daw tayong mag simula sa unang misyon natin"

Naalarma naman ako sa sinasabi ni Kendric kay Aziel. Misyon? Anong misyong pinagsasabi niya?

"Oo, napaghandaan ko na 'yan. Atlas, ipapaliwanag mo kay Glee ang lahat ng tungkol sa atin. May aasikasohin pa ako"

Tumango naman si Atlas kay Aziel. "Masusunod king"

Humarap si Aziel sa akin, pagkatapos ginulo niya ang buhok ko. "Aalis na muna ako, babalik ako agad"

Inirapan ko lang siya dahil wala naman akong pakialam. Kahit saan niya pa gustong pumunta, wala akong pakialam. Nakakainis lanh dahil parang balewala lang sa kanya ang pagsusungit ko.

"A, Glee! Dun tayo sa opisina ni King. May mga bagay akong kailangan ipapaliwanag sayo" baling ni Atlas sa akin.

Tiningnan ko muna siya ng ilang segundo bago ako sumang-ayon sa sinasabi niya.

Ano bang kailangan kong malaman? E malinaw naman sa akin na isa silang mafia at ang hari nila ay si aziel. Ano ba yung sinasabi nilang misyon?

Kung ano man yon, paniguradong hindi yon magiging hadlang sa mga plano ko. Itutuloy at itutuloy ko pa din ang plano kong pag patay sa kanya.


VOTE.

SCHOOL OF THE MAFIA: A Ruthless NerdWhere stories live. Discover now