HAPPY BREAK-UP DAY

147 3 1
                                    

HAPPY BREAK-UP DAY

Originally Written by: Mysterious Rogue

**** **** *** ****

Meron kayang holiday na HAPPY BREAK-UP DAY? Kung meron man, ako na yata ang unang magce-celebrate nuon. Masayang paghihiwalayan, ako lang pala ang nakakaranas ng ganuong pakiramdam. Yung feeling mo bi-polar ka, Masaya kang pupunta sa bahay ng taong pinapangarap mo ngunit uuwi kang malungkot at puno ng pighati dahil sa nangyari na hiwalayan. Masaya, na masakit. Masakit na Masaya. Happy Break-up Day!

**** **** **** ****

“Jerald I’m Sorry” muling sabi sa kain ni Odyssey. Niyakap nya ako ng mahigpit habang ako nama’y nakatalikod.

“Sige, okay lang. Nalaman ko na ang dapat kong malaman. Hindi na ako tututol. Kung alam ko na sasaya ka sa kanya, hindi na kita babawalan. Alam kong nagmamahalan kayo.” Sabi ko naman.

“pero.. nasasaktan ka.”

“syempre. Love without pain is not love at all. Masasaktan ako, OO, kasi mahal kita. Pero naiintindihan ko naman. I should accept the Reality.”

“Sorry Jerald kung hindi ko na nasuklian ang pagmamahal mo sa akin.”

“okay nga lang. sundin mo kung anong nilalaman ng puso mo.”

Humarap ako sa kanya. At niyakap ko sya. Hinawi ko ang ilang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. I cupped her face with my palm and kissed her.

“Mahal kita. Kaya lahat gagawin ko. Lahat gagawin ko, kahit na ikasasakit ko.” Then I smiled. Umalis na din ako.

I don’t know where I am going. My feet just went to a place.. Park.. the place where she said she loves me. Where we she swore that I’ll be her present and the future. The place where She said.. she will always love me..

“bakit? Kala ko ang saya saya ko. Kala ko magtatagal na kami kasi first anniversary namin ngayon. Pero bakit? “ sabi ko sa sarili ko.

“akala ko, isang masayang Odyssey ang aking makikita. Iba pala. Iba ang naabutan ko.”

Sariwang sariwa pa sa akin ang nangyari kanina.

-FLASHBACK-

Mga bandang 8, pumunta ako sa bahay ni Odyssey para icelebrate ang 1st year anniversary namin.Ggabi na kasi, Ayaw nya ako papuntahin nung una dahil daw may bisita ang parents nya, pero sadyang makulit ako. Ayaw ko namang icelebrate ang 1st aniv naming ng mag-isa lang.

Pumasok ako ng bahay ng walang kaabog abog. Wala ngang katao tao eh. Ang tahimik. Nagpasya akong pumunta sa kwarto ni Ody, baka sakaling nakatulog sya.

Binuksan ko ang pinto. At nagulat ako sa aking nadatnan.

HOLDING HANDS..

Kanino?

Kay Vann Torre, ang katropa ko

Pumasok ako ng kwarto. Nabigla naman sila.

“ANO GINAGAWA MO SA KWARTO NI ODYSSEY?” hindi ako galit. Kalmado ako, pero napalakas lang ata boses ko.

Sana.. sana sabihin nya lang na nag-uusap sila. Sana sabihin nyang magkaibigan lang sila.

“Sorry tol, hindi ko alam na—“ magsasalita pa sana si Vann ng pinutol ko.

“NA DADATING AKO?”

“TAMA NA NGA KAYO!” sigaw ni Odyssey. “Vann, sa ibang araw na lang tayo mag-usap.”

Umalis na si Vann. Bale, ako at si Odyssey na lang ang natira sa kwarto.

“JERALD ECHAGUE, I want a break up.” Sinabi talaga nya ang buong pangalan ko. Seryoso nga sya.

Compilation of ONE SHOTS [2012]Where stories live. Discover now