HOLD ON

65 3 1
                                    

Hold On

By: Mysterious Rogue

Holding on is the bravest way for couples to be strong.

Holding on and looking for one another.

Tulad ko, simula pa lang, kumakapit na ako.

I always want to hold her hand and tell her not to let go.

Hinding hindi ko talaga yun bibitawan.

Kaso pano kung siya ang unang bumitaw?

Siya ang unang kumalas?

Siya ang nagsabing, pagod na siya.. na ayaw na niyang kumapit pa?

Masasabi mo pa kaya sa kanya ang mga katagang ‘HOLD ON’?

---- ----

“Renz, ano ba! Ang sakit na ha.” Sabi niya sa akin.

“haha! Sorry naman, ang sarap kasing hawakan ng kamay mo eh.” Sabi ko naman.

“ang higpit na kasi masyado. Naiipit na ako. Nakakasakal”

---- ----

Naalala ko pa. nung una kaming nagkakilala.

Nasa simbahan ako nun. Wala ng ibang upuan kaya naki-excuse na lang ako dun sa may bandang unahan.

Napalingon lingon din ako. Buti hindi pa nagsta-start yung mass.

Napansin ko ang napakagandang babae na katabi ko. Nagbabasa siya. parang Devotional book.

Napansin naman niya ata akong nakatitig sa kanya kaya naman ngumiti siya sa akin. Nawindang naman ako kaya napaayos na din ako ng upuan. Hindi ko ng mapigilan ang pag tingin tingin sa kanya eh.

Nagsimula na nga yung misa. Siyempre, nakinig naman ako. Hanggang sa nag ama namin.. nahawakan ko ang kamay niya.

Ang lambot ng kamay niya. Para akong nalipad sa cloud nine. ^_________^

Hindi ko nga namalayang tapos na pala kumanta. At ako naman, nakahawak pa rin sa kamay niya.

Haha, natatawa talaga ako sa sarili ko nun. Mukha pa akong baliw na every Sunday natabi sa kanya para lang mahawakan ang kamay niya sa tuwing sasapit ang Ama Namin. :>

Ang gandang balikan ng mga masasayang araw. Ang gandang alalahanin ang mga nakaraan.

Kasulukuyan akong naglalakad.. at nagmumuni muni.

Hanggang sa may naalala nanaman ako..

-flashback-

“humawak ka sa akin!” at agad ko namang inilahad ang palad ko.

“AAAH! Renz! Di ko na kaya!”

“hawak ka lang ng mabuti! Isa dalawa tatlo!”

At binuhat ko siya. muntik na siyang mahulog sa may bangin malapit sa lugar naming. Buti nabuhat ko siya agad.

“salamat Renz! Nako! Kung hindi kita kasama kanina pa ako nagpagulong-gulong diyan!” niyakap niya ako.

“ano ka ba Kat, ang drama haha! Sabi ko kasi sayong kumapit ka ng mabuti eh.”

“hah! Buti nga hinigpitan mo yung hawak sa akin eh.”

“HAHA! Salamat ka, I held on.”

-end of flashback-

Haha, natawa naman ako nung naalala ko yun. Muntikan na yun.

Compilation of ONE SHOTS [2012]Where stories live. Discover now