MESSAGE SENT

163 3 4
                                    

MESSAGE SENT

By: Mysterious Rogue

--

Ang Cellphone, lagi kong kasa-kasama yan.

GM kapag nageemo-emuhan.

nagPPM kapag sobrang saya!

Tumatawag kapag nalulungkot.

At nababasag kapag nagagalit.

Lagi akong may load syempre.

Laging may spare na piso sa load ko.

Baket? May matagal na kasi akong gustong isend eh.

Kelan kaya iyon mame-MESSAGE SENT?

Sana masabi ko ng maaga, bago pa mahuli ang lahat.

Sana makarating sa kaniya ang mensahe ko. Sana masabi ko na.

Sana nga..mag MESSEGE SENT.

--

“Arci! Tara na, puro ka naman kasi text ng text diyan oh!” sabay hila ni Jason sa bestfriend niya.

“Best naman eh! Kanina pa yang pagtetext mo oh! Di ba pwedeng magmeeting muna tayo?” pakiusap pa niya.

“ay sorry Best, sorry talaga ha.” Sabay tago sa bulsa niya ang cellphone na hawak hawak.

“oh, guys ngayon, assign kayong dalawa sa sports ha? Manuod kayo ng game naten ng FutSal. Kaya nyo bang gumawa ng article ‘bout that? Dalawa naman kayo eh, excluding the pics pa, kaya kaya niyo nayan.” Sabay alis n gaming editor-in-chief.

“sports.. as usual.” Sabay buntong-hininga ni Arci.

“as always, bakit may problema ba?”

“tsk, maglalaro ka di ba? Sasali ka?Ako nanaman mag-isa.”

“Arci naman oh, di na nasanay. Hmmm. Ganito na lang..”

“ano?”

“pag naipanalo ko yung laban.. may sasabihin ako sa ‘yo.”

“hmm? Oh sige sige! Ako din may sasabihin sa iyo! :D”

“ano yun best?” biglang siglang tanong ni Jason, nagbabakasakaling, pareho sila ng iniisip.

“pag nanalo ka next week sa laban, tiyaka ko sasabihin okay?”

“OKAY! Para sa yo! Ipapanalo ko yun!”

“haha, Jason ha, ipanalo mo yun. Importante din ang sasabihin ko..” at isang mahabang buntong-hininga nanaman ang pinakawalan ni Arci.

--

FUTSAL CHAMPIONSHIP. 9 pm. In the sports arena.Home versus visitors. 2-2

[a/n: futsal is like soccer but it is played indoors.]

“the game’s getting Hot as number 10, Jason Cabanez, shot the last score of the home team.”

“Will the Home team win again? Will the captain ball shoot the last ball in the last minute?”

*TTTTTTTTUUUUUUUUUUUUUUUT*

“and the Home team wins AGAIN! 3-2! A nice long shot by Mr. Cabanez!”

“BEEESSSTTT!!! Ang galing mo!!!” sigaw ni Arci mula sa bleachers ng Home team.

Agad namang tumakbo si Jason sa tabi ni Arci.

“sabi ko naman sa iyo ipapanalo ko to di ba?” sabay gulo ng buhok ni Arci ni Jason.

“haha! Best! Nanalo ka na oh! Ano ng sasabihin mo?”

Compilation of ONE SHOTS [2012]Where stories live. Discover now