CHAPTER 8

563 15 0
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

CHAPTER 8

Happy Family?

Aitana/ Abry's POV

"Here i comeee!!/ HAHAHHAA papa stop!" napakasarap tignan na masaya at tumatawa ang anak ko kasama ang papa nya.

Siguro noon palagi nyang sinasabi na okay lang daw kahit wala syang papa basta kasama nya ako pero tuwing nakikita ko syang nakatingin sa mga kaklase nyang may papa kitang kita ko ang inggit sa mga mata nya kaya masaya ako na masaya ang anak ko.

Pero hindi ko maiaalis sa akin ang makaramdam ng kaba sa tuwing iisipin ko na hindi pa kami ligtas at marami pang maaring mangyari sa amin habang umaaligid ang kalaban. I know Dominic and Shasha is working on it.

Ang hirap. Natatakot pa din ako sa kaalamang nasa palagid lang sila at maaring maulit ang nangyari noon. Limang buwan na noon ang tiyan ko ng may bumaril sa akin mabuti na lang at daplis lang pero naapektuhan non si Aeydi kaya takot na takot akong mawala sakin ang anak ko.

"Ang lalim naman nyang iniisip mo." nagulat na lang ako ng nasa tabi ko na si Aeydi at aswang.

"Wala may naalala lang." sabi ko na lang.

"Then why are you crying?" nag-aalala nyang tanong kaya napahawak ako sa pisngi ko at nakapa ang pisngi kong basa na ng luha.

Desh POV

ANG SARAP sa pakiramdam na tawagin akong papa ng anak ko. Ang saya. Ang gaan sa pakiramdam. Gusto kong bumawi kay Aeythan at Aitana sa mga panahong wala ako sa tabi nila. Gusto kong punan lahat ng pagkukulang ko sa kanila.

Masaya ako na may halong lungkot sa katotohanang wala ako sa tabi ni Aitana habang nanganganak sya para makapitan nya. Wala ako. Pero ang mas nakakaiyak ay yung sasabihin sayo ng anak ko na.

"It's okay papa. Atleast you're now here to protect us from bad guys lalo na doon sa classmates ko." sumimangot sya ng banggitin nya ang salitang classmates.

"Bad guys? Classmates? Anong ginawa nila? Tell me." tanong ko.

"Bad guys are chasing me and mama. Mama said that it's nothing but it doesn't feel like that. Tsaka yung mga classmates ko papa inaaway ako kasi wala daw akong papa." my face softened about what he said.

"I'm sorry Aeythan, promise babawi si papa." i kissed my son's forehead habang inaalala ang sinabi nya.

'Bad guys are chasing me and mama. Mama said it's nothing but it doesn't feel like that.'

Sinong sumusunod kila Aitana? Anong kailangan nila? Hindi pwedeng mapahamak ang anak ko at si Aitana. Hindi pwede. Over my dead gorgeous body.

Kaya ang sakit na makita si Aitana na ang lalim ng iniisip and worst umiiyak pa sya. Napahinto pa kami ni Aeythan sa paglalaro dahil nakita namin syang umiiyak at malayo ang tingin.

I need to talk to Sutton epal and Aries.

Pinatulog ko muna si Aitana para makapagpahinga sya dahil mukhang hindi maayos ang pakiramdam nya. I kissed Aitana's forehead bago tignan ang anak namin.

"Rest too, Aeythan." sabi ko pero umiling sya at tinignan ang tulog nyang mama.

"No. I'll just watch mama sleep." kita ko ang determinasyon sa mata nya kaya hinayaan ko na lang sya. Hinalikan ko din ang noo nya bago nagpaalam at pumunta sa office ni Aries dito sa mansyon.

"I'M GLAD na parehas kayong nandito." sabi ko nang makita si Sutton epal na at home na at home na nakaupo at umiinom ng kape sa sofa.

"What do you need, man?" tanong ni Aries. Umupo ako sa upuan sa harap ng table nya at bumuntong hininga.

"Sino yung sumusunod kila Aitana? Anong kailangan nila?" magkasunod kong tanong. Napabuntong-hininga din sya.

"It's Alexis Montano." Nag-init ang ulo ko ng malaman na lalaki ang humahabol kila Aitana.

"Anong kailangan nya?" tanong ko ulit. Matiim akong tinignan ni Aries bago nagsalita.

"Si Aeythan. Sya ang kailangan niya." walang pag-aalinlangan na sagot niya. Bakit si Aeythan? Bakit ang anak namin?

"Why does he want my son?" tanong ko.

"He didn't get Aitana and you impregnated her. He got mad because of that. He's a psychopath." napamasahe si Aries sa sentido na para bang napakalaki ng problema nya. Nakuyom ko ang kamao ko.

Dahil hindi nya nakuha si Aitana ay kukuhanin nya ang anak namin? Fvck him! Wala syang karapatan na saktan ang anak ko. I won't let him!

Magsasalita pa sana ako ng madinig namin ang sigaw ng katulong.

"Sir Aries! Sir! Sir!" humahangos ito ng mabuksan nito ang pinto. Napatayo kaming lahat.

"What happened?" tanong ni Aries.

"Si- si s-si ma'am A-aitana po!" nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Aitana ng madinig ko ang pangala nya.

Nang makarating ako sa kwarto ni Aitana ay nakita ko itong nagwawala at parang may hinahanap. Para syang nawawalang tao. Iyak siya nang iyak.

"Aeythan?! Aeydi?! Where are you? Anak? Nasaan ka?!" humagulgol na hinahanap nya ang anak namin. Pumunta ako sa kanya at sinubukan syang pakalmahin.

"Shhhhh" pag aalo ko sa kanya pero walang nangyari.

"Hindi! No! Kukuhanin nila ang anak ko, Desh! Kukuhanin nila! Kukunin nila ang anak ko!!--" napatigil lang sya sa pag-iyak ng tawagin sya ni Aeythan na kadadating lang at mukhang nagtataka.

"Mom?" agad na dinaluhan ni Aitana si Aeythan ng yakap at humagulgol habang yakap ang anak.

"Don't leave mama, anak. Don't leave. Stay with mama, please. I beg you. Please stay with mama. Please." Humagulgol nyang sabi.

'I need to catch that Alexis. He can't sit comfortable while Aitana is worried as fvck like this. I can't bare to see her crying. I won't let him take away my son even Aitana.'

I said in my mind as i hugged Aitana and Aeythan.

To be continued....

________

MUST READ!!

So ayun guys yan muna sa ngayon dahil may modules na ako later. Gaya ng sinasabi ko last time, babawi ako every weekend pero I'll try to update kahit may modules kami.

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Where stories live. Discover now