CHAPTER 20

413 13 0
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

Dedicated to: Jordana Ashley, Raine and Shanice Ampatuan

CHAPTER 20

Aitana/Abry's POV

NAGISING ako dahil sa isang munting iyak ng bata? Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at para akong baliw na biglang tumino ng makita ang anak kong mahinang umiiyak habang nakaposas sa dulo ng kama.

"Aeythan!" sigaw ko at akmang pupunta para daluhan ang anak ko ng may pumigil sa akin. Napatingin ako sa kamay kong nakaposas din gaya ng sa anak ko.

"Anak? Anong ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang, Aeythan.." sunod sunod kong tanong.

Gusto kong daluhan ang anak ko para aluin at yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na magiging maayos lang ang lahat. Na malalagpasan namin to. Kakayanin namin to.

"No mama.." umiiyak na umiling sya.

"Then what? Bakit ka umiiyak?" tanong ko pa. Nag-aalala na ako baka may ginawa sila sa anak ko.

"Your forehead.. It's bleeding..." humihikbing sabi nya. Napangiwi ako matapos maramdaman ang kirot sa may noo ko na tinamaan ng baril.

"It's nothing, anak.. Ikaw ba? Ayos ka lang ba? May ginawa ba sila sa'yo? Hmm?" tanong ko ulit.

"No mama.." para naman akong nakahinga ng maluwag dahil doon. Akmang magsasalita pa ako ng may pumasok sa loob ng cabin na pinaglalagyan namin.

"Gising na pala ang mga kamahalan natin!" sinamaan ko sya ng tingin bago gulat na napabaling sa taong nasa kanyang likura.

Hindi ko inaasahan ang nakikita ko ngayon sa harap ko. Hindi ko akalain na makikita ko sya dito. Hindi talaga.

"Surprise!!!" masaya pang sigaw ni Lexis habang umaalis sa harapan ng taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

"N-nash..." banggit ko sa pangalan ng lalaking nasa harapan ko ngayon pero hindi sya sa akin nakatingin. Walang emosyon ang kanyang mukha pero may munting emosyon na hindi ko mapangalanan akong nakikita sa kanyang mga mata.

"Are you surprised, Abry?" nakakalokong tanong pa ni Lexis sa akin.

"Fvck you! Fvck you all for this!" galit kong sigaw.

"Say that to yourself, Abry!" galit nitong sabi.

"I never wanted you to be like this.. I treated you both like my own brother. I trusted both of you.." disappointed kong sabi.

"I don't like to be your friend! I don't want us to stay as friends! I want more than that!" sigaw nya sa'kin.

"But that's all i can give! I love you but—"

"But as a friend? Kaya sya ang pinili mo? Si Desh? Si Desh na palagi mong kaaway noon? Si Desh aka jumbo? huh?" napaiwas ako ng tingin.

"Abry.. I helped you to hide.. I helped you! Pero sya pa din ang pinili mo—" i cut him off.

"Cause i love him!" agad naman akong nakatanggap ng sampal sa kanya.

"Alexis/Mama!" sabay na sigaw ni Nash at Aeydi.

"Why can't you love me, Abry? Gagawin ko lahat.. Kaya ko maging tatay sa anak mo.. Iwan mo lang si Desh.. Pinapangako ko.. magiging mabuting asawa't ama ako sa inyo.." nagmamakaawang sabi nya. Napa-iling naman ako.

"No... I don't deserve your love.. I don't deserve you..." umiling ulit ako, akmang sasagot na sya ng makadinig kami ng putok ng baril sa labas.

Lahat kami ay agad na naging alerto. Napatingin ako sa anak ko na natatakot na.

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Where stories live. Discover now