SPECIAL CHAPTER 2

678 18 4
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

SPECIAL CHAPTER 2

"AYOKO! LABAS! AMBAHO MO!" sigaw ko kay aswang habang pinapalabas siya sa kwarto namin.

p
"Baby naman--" aangal pa sana siya pero pinutol ko na kaagad siya.

"Wag  mo ako mababy-baby! Doon ka! Maligo ka ang baho mo!" sigaw ko ulit. Mabaho naman talaga siya eh. Ayoko nung ginagamit niyang pabango.

"Mabango naman ako ah," nakangusong sabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mukha niya.

"Hindi. Mabaho ka! Maligo ka nga at yung tide bar ang gamitin mong sabon! Mabango 'yon!" sabi ko at mabilis na isinarado ang pintuan ng kwarto namin.

Natutuwang naiinis ako sa pagmumukha ni Desh. Ganyan talaga ang routine namin sa umaga simula nung magbuntis ako sa pangalawa namin ni Desh. Tuwang-tuwa pa nga siya noong malaman niyang buntis ako. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman sumipa ang baby girl ko.

"Aww hahaha ang saya pag-tripan ng ama mo, anak 'no?" natatawang sabi ko. Sa totoo nyan eh matagal ko ng alam na babae ang dinadala ko, hindi ko lang sinasabi kay Desh dahil gusto ko siya'ng surpresahin.

Siyam na buwan na din ang tiyan ko at ano mang oras ay maari ng lumabas itong baby girl namin. Wala pa siyang pangalan dahil gusto kong si Desh ang magpangalan sa kaniya.

"Ma, can i come in?" dinig kong tanong ni Aeydi mula sa labas ng kwarto namin ni Desh na siyang kwarto ko noon. Malaki naman ang bahay namin-- mansyon naman talaga siya pero ayokong tawaging ganon kaya bahay siya para sa akin. Dito din naman nakatira sila Tabs kaya mas masaya ako.


"Sure, anak," sabi ko sa may intercom. Dinisenyo talagang ganito ang bahay namin. Madidinig mo ang sino mang kakatok sa labas ng kwarto mo pero kung sino man ang nasa labas ay hindi ka madidinig maliban na lang kung gagamitin mo ang intercom.

Bumukas ang pinto at pumasok ang napakagwapo kong panganay.

"May kailangan ba ang baby boy ko?" nakangiting tanong ko habang sinesenyasan siyang maupo sa tabi ko dito sa kama. Agad naman siyang sumunod sa akin at sumimangot kaya napatawa ako.

"Don't call me that, ma.. I'm a grown up man now," i chuckled. Palagi niya 'yang sinasabi simula ng malaman niyang magiging kuya na siya. Dapat daw hindi na siya magpapababy dahil dapat daw ay maging good kuya daw siya kapatid niya.

"hahaha by the way may kailangan ka ba anak?" tanong ko ulit.

"Dad is pouting like a kid downstairs," napatawa naman ako sa sinabi ng anak ko.

"Really?" natatawang tanong ko. Tumango naman siya.

"Yeah. He even use tide bar as his soap like what the fvck?" sinamaan ko naman ng tingin ang anak ko. Kung ano-ano na ang nalalamang sabihin.

"Sorry ma.. Can't help it. Dad is like arghh nevermind," natawa ako nang umirap ang anak ko.

"Are you gay, Aeythan?" nang-aasar na tanong ko. Kitang-kita ko kung paano umasim ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Ma! I'm not gay! That yuck!" nandidiring sabi niya kaya napatawa ako.

"I was just kidding! You're too serious HAHAHA. Call your dad for me, thanks son," sabi ko. tumango naman siya at hinalikan ang tiyan ko bago umalis.

Hinihimas ko ang tiyan ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto at inuluwa noon si Desh na hanggang ngayon ay nakanguso pa din.

"Come here," utos ko at tinapik ang space sa gilid ko. Agad naman siyang sumunod at amoy na amoy ko ang sabong panlaba na ginamit niya.

"You smells good," natatawang sabi ko habang siya ay nakanguso pa din, nagtatampo ang loko.

"It's gross." nakangusong sabi niya at sa tingin ko ay yung sabon ang tinutukoy niya.

"It's smells good to me," sabi ko at mabilis siyang hinalikan sa labi. Agad namang napalitan ng nagpipigil na ngiti ang mukha niyang kanina ay nakasimangot.

"Cute," komento ko pa.

"Cute pero sabi mo mabaho," sabi naman siya, kunwaring nagtatampo.

"Kanina 'yon. Mabango ka na ngayon," sabi ko at kinuha ang kamay niya para ilagay sa tiyan ko.

"Feel our baby, Desh.." sabi ko habang hawak pa din ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko.

"Our baby is kicking," manghang sabi niya habang pinagmamasdan ang tiyan ko.

"Ahmm as much as i wanted you to feel our baby but i want water," nakangusong sabi ko. Natawa naman siya bago ako hinalikan sa noo at tumayo.

Tumayo na din ako para sumunod sa kaniya pero agad kong naramdaman ang pananakit ng tiyan ko. Sh*t. Naramdaman ko ding parang bigla akong naihi. Oh sh*t my water bag.

"D-desh.." pag-pigil ko sa akmang paglabas ng kwarto ni Desh. Taka niya naman akong nilingon. Bumaba ang paningin niya sa tiyan kong sapo-sapo.

"Fvck!" pag-mumura niya at agad akong nilapitan at binuhat.

"Manganganak na ako, Desh.." sabi ko habang namimilipit sa sakit.

"Hold on, baby.. Hold on.. Dadalin na kita sa ospital," tumango na lamang ako dahil masakit na talaga.

"OKAY AITANA, YOU CAN DO THIS, HMM?" sabi pa ng kakilala kong babaeng ob-gyne na doktor. Babae dahil ayaw ni Desh ng lalaki dahil sa kaartehan niya.

"Let's make it fast, Gale," sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Desh sa tabi ko na hindi ko malaman kung siya ba ang manganganak o ako.

"I love you. I love you," sabi ni Desh at hinalikan ako sa noo.

"Okay when i said push-- push, okay? One... Two... Three.. Push!" umire naman ako gaya ng sinabi ni Gale.

"Ahhhhhhh!" pag-ire ko, ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak ni Desh sa akin habang bumubulong ng i love you.

"Okay give me more push, Aitana.. I can see the crown," sabi pa ni Gale habang hinihimas ang hita ko.

"Ahhhhh!" i pushed and pushed another one until i heard the cry of my baby girl.

"Oh my! It's a girl!" anunsyo ni Gale. Nanghihinang napatingin naman ako kay Desh na naluluhang nakatingin sa anak namin.

"It's a girl... She's so beautiful.." puno ng pagmamahal na sabi niya.

"Name her, Desh," ngumiti ako kahit pagod na pagod ako. Tumingin naman siya sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Thank youu, babe.. Thank you..." kitang kita ko ang saya sa mukha niya habang pinagmamasdang ilagay ni Gale ang anak ko sa dibdib ko. I feel so happy again.. It's my second time but it feels like my first time.

"Name our baby girl, Desh.." sabi ko.

"Aiesh Peach Sanchez Rivera.. My baby Peach..." napangiti naman ako sa binigay na pangalan ni Desh.


"Aiesh Peach... Welcome to the world baby Peach...."

_________

A/N; Again, Maraming maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa kwento nila Aitana. Hindi ako makakarating dito ng wala kayo! You guys made my journey as a writer wonderful. I'm very thankful that you all came into my life. Thank you for staying until now. I hope you enjoy the last chapters of MMEPA! I love you all! Mwah!

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Where stories live. Discover now