CHAPTER 19

366 11 0
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

Dedicated to: Ma Louise Oscares Cortel, Rosalyn Atibagos and Ara Mascariola Montero

CHAPTER 19

Last fight

Desh POV

"PAANONG NAKATAKAS?!" sigaw kong tanong sa mga bantay at katulong.

"Hindi po namin alam, sir Desh. Nakita na lang po namin yung kumot na nakasabit sa taas." paliwanag nung isa sa mga bantay. Naf-frustrate na inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

Nawawala na nga ang anak namin tapos nawawala pa si Aitana.

"Maghanap hanap kayo! Ang dami dami nyo tapos natakasan kayo ng isa at babae pa!" agad naman silang tumango at sumunod sa sinabi ko.

Isang patibong ang pinuntahan namin kanina. It was a trap. Hinayaan nilang umalis kaming lahat sa bahay para maging abala dahil nasa loob ng bahay ang pakay nila at walang iba kundi si  Aitana ang pakay nila.

At naisahan nga kami ng mga gag*. Nakuha na nila ang anak ko pati si Aitana at sigurado ako na hindi nila basta basta ibibigay ng parang walang nangyari ang mag-ina ko.

"Anong balita sa cctv, Aries?" tanong ko kay Aries na kababa lang. Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

"Tumakas si Aitana at paglabas na paglabas nya ng mansyon ay parang may hinahanap sya at doon na nga dumatin ang isang lalaki na may takip ang mukha na sa tingin ko ay tauhan ni Alexis." sabi nya.

"Kailangan kong mabawi ang mag-ina ko. Kailangan na nating maghanda. Hindi ako pwedeng umupo na lang dito at hayaan ang mga pulis lang ang gumalaw." mariin kong sabi.

They will pay for getting my son and Aitana. Especially you, Alexis Montano. You'll pay if something bad happens to my family.

"Ahm i think you need to see this." napalingon ako kay Tabitha na kabababa lang dala dala ang cellphone ni Aitana. Ibinigay nya sa akin ang cellphone, tumabi sa akin si Aries para makita nya din.

"If you want your son back get out of your house and wait for a van. Ihahatid ka nyan papunta sa anak mo, Aitana Bryleigh Sanchez. Goodluck." pagbasa ko sa text na natanggap ni Aitana tatlong oras na ang nakakaraan. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. They really want me mad and they should be responsible with this anger.

"There's another text message!" sabi ni Aries kaya agad kaming na alerto Bago binuksan ang text.

+639224567845

I know you know that we have your son and your precious Aitana at naisisguro kong galit ka na. Meet us here, Rivera ******** **** *****

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone dahil sa nabasa ko. Hindi ko na kayang mag-intay pa.

"Aries. Let's go."

Aitana/Abry's POV

NAGISING AKO dahil sa malamig na tubig na sumalubong sa mukha ko. Unti-unti king minulat ang mga mata ko. Damang dama ko pa din ang pananakit ng batok ko dahil sa pagkakapalo ng kung anong matigas na bagay dito.

"S-sino kayo? Nasaan ako?" tanong ko ng makitang napapalibutan ako ng mga armadong lalaki. Tinignan lang nila ako.

"Fvckers! Where the hell am i?!" naiinis na sigaw ko pero parang mga walang tainga ang mga kasama ko.

Inilibot ko ang paningin ko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa isa kaming cruise ship at nakatali ako sa isang pole dito sa deck.

"I'm in the middle of the ocean?! The fvck!" sigaw ko dahil nasa gitna lang naman kami ng dagat at umaadar pa ang cruise ship!

"Bakit ba ang init ng ulo mo, Abry. Ganda ganda ng langit oh." napatingin naman ako sa nagsalita.

"Who the hell are you?" tanong ko sa lalaking kadadating lang, di gaya ng mga lalaking nakapalibot ay isang baril lang ang nasa kanya at nasa likod nya ito.

"Ohh you didn't know me anymore? Can't you remember me?" lumapit sya sa akin at hinawakan ang panga ko para palingunin ako sa kanya.

Pinakatitigan ko ang mukha nya at parang pamilyar ang mga features nya sa akin. Para bang nakilala ko na sya noon, para bang nagkita na kami noon pero hindi ko sya maalala.

"Lexis?" pa tanong kong sabi. Tumayo naman sya at pekeng ngumiti at pumalakpak ng parang baliw.

"Very good, Aitana! Very good!" pumapalakpak na sabi nya.

"Where is my son?!" sigaw na tanong ko dahil siguradong sya din ang kumuha sa anak ko.

"Don't worry your son is still breathing. Let's just wait for your knight in shining armor." mapait syang ngumiti.

"What do you want?" tanong ko.

"You broke my heart at pinagpalit mo ako doon sa bwisit na tabachoy na yun!" sigaw nya at muling hinawakan ang panga ko. Masakit ang pagkakahawak nya halos mamanhind na ang panga ko.

"You fvcking chose that fvcker instead of me!—"

"I didn't! You just assumed that we have a thing!" sigaw ko sa mukha nya, mukha namang nainis sya sa akin. Hindi ko naman inaasahang sasampalin nya ako. Nalasahan ko ang lasang metal kaya nasisiguro kong dumugo ito.

"Yun na nga eh! Pinaasa mo ako! Pinaasa mo akong mayroong tayo!" sigaw nya sa akin.

"Hindi kita pinaasa! Kusa kang umasa! Alam mo sa sarili mo na simula pa lang kaibigan lang ang turing ko sa'yo!" sigaw ko.

Hindi ko intensyon na ganon ang isipin nya sa aming dalawa. Hindi ko ginustong saktan sya. Simula pa lang alam na nya na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Kaibigan lang talaga.

"Ahh ganon?" binigyan nya ako ng isang malakas na sampal sa kabilang pisngi.

"Aba't talangang sumasagot ka pa ah!" sabi nya at agad naman ako nakaramdam ng hilo dahil sa pagkakapukpok ng baril sa ulo ko.

"Ipasok nyo yan doon! Bilis!" i felt my body being lift before everything went black.

Alexis POV

"I'm waiting for her reaction once na makita ka nya." nakangising sabi ko.

"Isn't this too much, Alexis." tanong nya pa. Agad naman akong napatingin sa kanya.

"No! This is not enough para sa dinanas ko noon!" sigaw ko, naiinis.

"Pero dinamay mo yung walang kamalay malay na bata!" sigaw naman nya.

"Damay sya dahil anak sya ng karibal ko!" sigaw ko.

"Pero wala syang kasalanan sa'yo! You shouldn't kidnapped their son!" laban nya pa.

"You know what? Gamutin mo na lang ang sugat ni Abry. Now." bumuntong hininga naman sya pero agad din namang sumunod.

They need to suffer like i did. They made me a fool. They made fun of me. They should suffer in hell. I will make them taste the bitterness of hell.

To be continued.....

________

Halaaa😯🙀 pasensya na pero parang sad ending ata eh want nyo?

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora