CHAPTER 17

405 12 0
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

Dedicated to: Nikka Duran, Jast Jats Damzkie Soco and Angel Arevalo Cala-or

CHAPTER 17

Aeythan

Aitana/Abry's POV

"SORRY NA..." hindi ko pinansin si aswang at nagkunwaring may inaayos sa kama ko.

Alam ko naman na nag-aalala sya pero Nash is a good friend mine since mag-aral ako ng medicine.

"You know that i love you so much, right? you and Aeythan.." and my heart melt with that kaya napabuntong-hininga ako bago sya hinarap. Hinawakan ko sya sa kamay at dinala sa veranda ng kwarto ko.

"I know and i love you too but Nash—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng putulin nya ako.

"Y-you... you love me too?" tanong nya, hindi makapaniwala sa kanyang nadinig.

"Yes, i love you, my feelings is still the same aswang." i chuckled as i hold both of his cheeks and give him a peck na nauwi sa isang matagal at masuyong halik.

"I love you so much, Aitana.. I love you. I love you." he said as our lips parted. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Mahal kita kaya don't be so judgemental to Nash, hmm?" sabi ko, nakasimangot naman kaagad sya.

"I'm jealous but i'm also thinking for our son's safety.. nag-aalala lang ako.." sabi nya.

"I know but.. don't judge the book by it's cover, judge after reading the whole book. Nash is a good friend of mine.." sabi ko, nagpapaliwanag, nagpapaintindi.

"If you say so but i'm still not convinced. Wala pa din akong tiwala sa Nash na yan." sabi nya at nagkibit balikat. Bumuntong hininga naman ako.

"Let's go? I'll just cook something for you, isama natin si Aeydi." nakangiting anyaya ko sa kanya. Agad naman na nagliwanag ang mukha nya at tinanggap ang kamay ko.

I feel so happy that i already told aswang that i still love him. My feelings never change. It's still locked up in my heart and i will gladly keep that kind of feeling.

Despite of the things happened i still feel happy and complete. I have aswang, Aeydi.. I have my family that i will treasure forever.

"What do you want to eat?" masaya kong tanong kay aswang.

"Let's ask Aeythan na lang." sabi nya kaya tumango na lang ako.

Pababa na kami ng hagdan ng madinig namin ang sigaw ng isa sa mga katulong kaya agad kaming napababa at naabutan si kuya Aries at Tabs na mukhang problemado at ang isang katulong na hindi mapakali.

"What's happening here?" agad kong tanong, kinakabahan dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa kung ano man ang nangyayari ngayon.

Parang feeling ko nawawala ang kalahati buhay ko.. Pakiramdam ko nawawala ako pero nasa bahay naman ako, pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko.

Napansin siguro ni aswang ang nararamdaman ko kaya humigpit ang hawak nya sa kamay ko, ganoon din naman ako.

"Yaya.. Anong nangyari?" tanong ko pero tinignan nya lang ako gamit ang mga matang nangingiyak.

"Anong nangyari Tabs?" baling ko sa kaibigan ko ng hindi ako sagutin ni yaya pero lumapit lang sa akin si Tabs at niyakap ako ng mahigpit at sa hindi malamang dahilan napaiyak na lang ako.

"Hey.. What's wrong.. 'Wag ka nga umiyak pati tuloy ako naiiyak! Magluluto pa ako kakain kami nila Aeydi." sabi ko habang pilit syang kinakalas sa pagkakayakap sa akin. Kumalas naman sya at umiiyak na tumingin sa akin.

"Tabitha! Ano ba?! Bakit ka ba umiiyak? Inaway ka ba ni kuya?" tanong ko kasi naiiyak din ako, hindi ko alam kung nababaliw na ba ako or trip lang ng mata ko na umiyak.

"Aries ano ba ang nangyayari?" si aswang na ang nagtanong.

"Teka nga pupuntahan ko lang ang anak ko sa garden." paalam ko para sunduin si Aeydi sa garden, baka pawis na pawis na yon. Akmang lalabas na ako ng magsalita si kuya.

"Wala doon si Aeydi, Abry.." mahinahon nyang sabi kaya napalingon ako sa kanya.

"Ahh sige baka nasa kwarto nya. Sunduin ko lang anak natin, aswang ah." paalam ko pa ulit at akmang aakyat na ulit sa taas ng magsalita ulit si kuya.

"W-wala sa mansyon si Aeydi, Aitana.." napakunot naman ang noo ko at agad na humarap kay kuya.

"Anong wala, kuya? Nandito sa bahay ang anak ko kakikita ko lang sa kanya kaninang umaga." sabi ko.

"Aries.. Hindi magandang biro 'yan." nagbabanta ang boses ni aswang tila may alam na sa nangyayari.

"Hahanapin ko ang anak ko sa labas—"

"Nawawala si Aeydi, Aitana.. Nawawala ang anak nyo." parang may isang milyong kutsilyo ang sumaksak sa akin matapos madinig ang sinabi ni kuya, dali dali akong lumapit sa kanya at binigyan sya ng isang malakas na sampal.

"No! My son is just playing in the garden! Don't you ever say that my son is missing!" sigaw ko, hindi naniniwala sa sinasabi nya. Agad naman na lumapit sa akin si aswang para yakapin ako.

"Desh! Nawawala daw ang anak natin! Naglalaro lang sya diba?" tanong ko kay aswang pero hindi nya ako sinagot.

"Hindi! Nandito ang anak ko!" sabi ko at tumakbo papuntang garden kahit na tinatawag nila ako.

"Anak! Aeydi! Where are you?" paghahanap ko sa anak ko at tinitignan ang bawat sulok para hanapin ang anak ko.

Nang hindi makita sa garden ay pumasok akong muli, nakita ko sila Desh at kuya na may mga kausap sa cellphone nila. Nang magtama ang paningin namin ni kuya ay inirapan ko sya bago muling hinanap ang anak ko.

"Aeythan! I'm not playing around! Come out! No chocolates for one week if you don't come out! C'mon don't make me worry!" sabi ko habang hinahanap ang anak ko sa lahat ng sulok at parte ng mansyon na 'to. Malaki ang mansyon kaya sigurado akong pinagtataguan ako ni Aeydi.

Nilibot ko na ang buong mansyon, lahat ng kwarto, sulok at parte ng mansyon na ito ay pinuntahan ko pero walang Aeydi akong nakita.

Umiiyak akong niyakap si aswang na kanina pa ako sinusundan habang iniikot ko ang mansyon, patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Yung anak natin, Desh.. Yung anak ko.. Si Aeydi.." humagulgol na ako, niyakay nya naman ako ng mahigpit.

Yung anak ko..

"Kasama ko pa sya kanina eh.. Nayakap ko pa sya.. Nahalikan ko pa eh! Paanong nawala yung anak ko?!" hagulgol ko habang hinahampas ang dibdib ni aswang.

Hindi... yung anak ko eh! Agad akong humiwalay ng yakap kay aswang para hanapin ang anak ko.

"Hahanapin ko ang anak ko at hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakikita." sabi ko pero bago pa ako makagawa ng hakbang ay naramdaman ko ang pagdapo ng isang panyo sa may bahagi ng ilong ko kasabay ng pagbigat ng mga talukap ng mata ko.

"Aeythan.." mahinang sabi ko bago ako nilamon ng dilim.

To be continued...

_________

Sorry for almost 4 days na Walang update, pasko kaya pagbigyan nyo na ako hehe.

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon