CHAPTER 24

370 12 0
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

CHAPTER 24

Aitana/Abry's POV

"DESH!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tumakbo para yakapin si Desh. Hindi ako makapaniwala sa nakikita at yakap-yakap ko ngayon. Halatang nagulat siya sa biglang pagyakap namin ni Aeydi sa kanya.

"Papa.." umiiyak na si Aeydi habang ako ay kumawala na sa yakap ko sa kanya at hinawakan ang mukha nyang gulat na gulat. Para bang hindi makapaniwala na niyakap namin sya.

"Desh..." umiiyak na sabi ko habang hinahaplos ang pisngi niya gamit ang likod ng palad ko.

"You're alive.. I knew it.." natatawa ngunit umiiyak na sabi ko habang patuloy na hinahaplos pa din ang mukha nya. Tawagin niyo na akong baliw pero nilulukob ako ng saya ngayon at wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng iba.

"Where have you been, papa?" inosenteng tanong ni Aeydi sa kanya. Bumaba naman ang mga mata niya kay Aeydi na para bang may mali bago lumipat ang kanyang mga mata sa akin.

Naging kayumanggi na ang kulay ng kutis nya hindi gaya noon na akala mong gumamit ng gluta pero hindi ko maitatangging mas bumagay sa kanya ang kulay na iyon. Mas lalo siyang naging gwapo. Akmang yayakapin ko siya ulit nang humakbang siya patalikod at iniharang ang isa niyang kamay na para bang pinapatigil niya kami.

Gulat akong tumingin sa kanya nung ginawa niya 'yon.

"Desh?" tawag ko pa sa pangalan niya pero kitang kita ko sa mata niya ang pagkalito na para bang hindi niya kami kilala.

"Sino ho kayo?" napakunot ang noo ko matapos niyang itanong iyon habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Aeydi.

"Ano ba 'yang sinasabi mo, Desh?" nagtangka akong muling lumapit sa kanya pero muli siyang lumayo.

"Hindi ko ho kayo kilala, ma'am. Pero mukhang turista kayo dito sa lugar namin at nagbabakasyon." mahinahon niyang sabi.

"Desh... Ako si Aitana.. Si Abry.. I'm your girlfriend..." pagpapakilala ko pa sa sarili ko pero parang hindi ko nakayanan ang sinabi niya.

"Hindi. Hindi kita girlfriend dahil nag-iisa lang ang babae sa buhay ko at hindi ikaw 'yon." parang nag ilang milyong karayom ang tumusok sa puso ko matapos niya iyong sabihin.

"A-ano bang sinasabi mo diyan? Desh ako si Aitana.. Ako ang ina ng anak mo na si Aeythan.." sabi ko tsaka itinuro si Aeydi.

"Pasensya na pero hindi ko talaga kayo kilala at hindi ho ako ang sinasabi niyong Desh. Baka nagkakamali lang kayo." sabi niya pero umiiyak akong umiling.

"Hindi! Hindi ako pwedeng magkamali, Desh. Ngayon pa ba? Ngayon pa bang nakita ka na namin?" sabi ko at hahawakan sana ang braso niya pero winaksi niya ito.

"Papa! Why are you like that? She's my mom!" sabi ni Aeydi nang makita niya ang ginawa ng papa niya.

"I'm sorry pero hindi ako ang papa mo.. Hindi ako si Desh.." sabi niya at tumalikod. Tumakbo naman ako at niyakap siya mula sa likuran. Naramdaman ko na nagulat siya sa ginawa ko pero agad din niyang sinubukang tanggalin ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya pero nagmatigas ako at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya.

"Miss bumitaw ka na.. Hindi ko talaga kayo kilala kaya bitawan mo na ako." sabi niya pero umiling lang ako habang patuloy pa ding umiiyak.

"Ayoko.. Hindi kita bibitawan. I already let you go before and this time i won't. I won't let you go, Desh.." sabi ko pero pursigido siyang tanggalin ang pagkakayakap ko.

"Bitaw na miss." mariin niyang sabi pero hindi ako natinag.

"Come on, Desh.. Let's go.." anyaya ko pa sa kanya gamit ang malambing kong boses.

"Sabi na kasing bitaw eh!" nagulat ako ng marahas niyang tanggalin ang braso ko. Muntik pa akong matumba kung hindi ko lang nabalanse ang sarili ko.

Gulat akong lumuluha dahil sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya iyon.

"D-desh.." di makapaniwalang tawag ko sa kaniya.

"Tigilan mo ang kakatawag ng Desh sa akin dahil hindi ako si Desh! Samuel! Samuel ang pangalan ko at hindi Desh!" sabi niya at muling tumalikod para umalis pero pursigido ako kaya muli ko siyang niyakap. Dinig na dinig ako ang kaniyang pagbuntong-hininga.

"Bitaw." Mariin niyang utos.

"Please.. Come with us.. Let's go home.." pagmamakaawa ko pa.

"Samuel!" nagulat na lang ako ng may humatak ng buhok ko mula sa likuran. Hindi agad ako nakalaban dahil sa gulat.

Humarap ako at nakita ko ang isang morenang babae na putuloy sa paghatak ng buhok ko.

"Jasmine!" dinig kong sigaw ni Desh pero wala doon ang atensyon ko kundi nasa babae'ng sumasabunot sa akin. Wala akong sinayang na panahon at hinablot din ang buhok niya. Nagsasabunutan kami ngayon.

Nararamdaman kong may pumipigil sa aming dalawa pero walang nagpapatalo.

"Walanghiya kang babae ka! Malandi!" sabi nung babae habang sinasabunutuan ako. Nawalan naman ako ng balanse kaya napahiga ako kaya naman napunta siya sa ibabaw ko pero dahil mas may alam ako sa pakikipaglaban ay agad kong napagpalit ang posisyon namin.

"Tumigil na kayo!" naramdaman ko ang mga braso na pilit akong inilalayo sa babae'ng 'to.

"Ako?! Ako pa ang malandi?!" sigaw ko habang sinasampal ang babae'ng basta basta na lang nanghahatak ng buhok.

"Oh my gosh! Abry!" dinig kong boses ni Tabs pero patuloy lang ako sa pagsabunot at pagsampal sa babae'ng ito hanggang sa naramdaman kong nakatayo na ako at hawak na ni Sutton at kuya habang nasa gilid ko si Tabs at Sha-Sha na gulat sa nakikita ngayon.

Hinanap naman ng mata ko ang anak ko pero hindi ko makita kaya hindi na ako nagulat nang magsalita si Sha-Sha.

"Aeydi is in the cottage already." sabi niya.

"Kuya! Tabs! Desh is alive!" sabi ko pa at akmang pupuntahan para agawin si Desh sa babae'ng iyon ng pigilan ako ng dalawa.

"Stop it, Aitana Bryleigh!" alam kong galit na si kuya dahil buong pangalan ko na ang sinigaw niya.

"Ano?! Malandi ka! Payakap-yakap ka pa sa boyfriend ko!" sigaw nung babae habang hawak siya ni Desh sa braso. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ikaw ang malandi! You bitch!" sigaw ko din. Aba anong akala niya sa'kin? Magpapatalo? No way! I wasn't born para lang apihin!

"I said stop it!" galit ng sigaw ni kuya.

"She started it!/Nauna siya!" sabay naming sigaw ni babae, sinamaan namin ng tingin ang isa't isa.

"I said fvcking stop this already! You're a fvcking CEO, Aitana Bryleigh!" sigaw ni kuya habang hawak pa din ako.

"I said she started--"

"And i told you to fvcking stop it already!"

To be continued.....

__________

And because i'm a genie for today i granted your wish! Desh is alive pero ayon inuntog ko sa bato hahaha.

Dapat talaga patay na si Desh pero dahil ako nga ay isang genie ngayon binuhay ko siya at inuntog!

BUT EVERY WISH YOU'LL ASK WILL HAVE A CONSEQUENCE

Kung hindi patay si Desh sino ang papatayin ko? Kung buhay si Desh sino ang mags-suffer? Si Aitana ba o si Aeythan? 😎

Next?

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant