Chapter 18: Overprotective

1.5K 55 0
                                    

We are all settled at nasa kwarto na rin ang mga gamit ko. Pagdating namin sa resort kanina ay isa-isa nang nagpuntahan ang mga emplyedo sa mga assigned rooms nila at para saglit na magpahinga bago magsimula ang team building activities ng mga ito mamayang alas kwatro.

Everyone is sharing with someone sa kwarto pero ang ipinagtatakha ko ay tig isa kami ng kwarto ni Chu.

"Mamsh, grabi naman si papa Jae. Pwede namang magkasama naman tayo sa kwarto, pinaggiwalay pa tayo."

"Lalake ka pa rin, baka ayaw niyang makitang magka-"

"As if namang type kita, jusmiyo. Kahit ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo hindi kita pagsasamantalahan 'no." Hindi pa ako natatapos magsalita ay sumingit na ito at kinontra ang sasabihin ko.

Bahagya pa akong natawa dahil naimagine ko ang itsura ni Chu na nasa kabilang linya.

"Wala naman akong sinabing pagsasamantalahan mo ako."

"You're implying it."pagbibigay diin pa niya. "Huwag kang mag-alala dahil you are safe with me, hindi ako tomboy 'no at hindi ikaw ang tipo ko."

"Oo na, baklang 'to. Ipagdiinina daw ba? Dapat talaga si Maple na lang ang isinama ko eh, at least kapag siya pwede kaming magsama sa isang kwarto lang." Kunwari ay angil ko pa nang marinig ko ang reklamo niya.

"Touch move na, mami. Pagtyagaan mo na 'ko dahil ako naman ang dakilang pusher sa Team JaeLi ninyo."

"JaeLi?"

"Oo, JaeLi! Jae and Eli, JaeLi! Jusmiyo naman friend, kailan ka ba pinanganak at hindi mo magets iyang mga sinasabi ko."

"Magtigil ka diyan sa kaka-push mo at baka ikaw 'tong itulak ko. Tara na at kumain, kanina pa ako nagugutom. Mag-aala una na pala."

"Ha? Hindi ka pa kumakain?" Nagtatalhang tanong pa ni Chu sa akin.

"Yayaain ba kita kung kumain na ako?"

"Eh bakit kasi hindi mo yayain iyang si papi Jae. You should be the one na kasama niyang maglunch at hindi iyong hitad na nakikipagflirt sa kanya kanina sa lobby."

Napalunok akong bigla sa sinabing iyon ni Chu, iniisip ko kung kailan iyin nangyari na may lumapit kay Jae na babae at saka ko lang napagtanto na baka noong nagpunta ako sa banyo at nagtagal doon para lang maiwasan ito at si Adrien. Hindi ko alam kung ilang minuto akong naroon, basta na lang hindi ako lumabas hanggang sa masiguro kong hindi na magkasama ang dalawa.

Hindi ko alam kung bakit pero ninenerbyos ako sa tuwing nariyan silang pareho sa tabi ko. Kaya hangga't maaari ay ayokong naiipit sa pagitan nila Jae at Adrien.

Ayoko talaga.

"Babae? Sinong babae?"

"Marie daw ang pangalan. Ewan ko doon, sabi ng sekretarya niya taga legal department daw iyon at matagal nang kursunada si papi Jae."

"Wow, updated, sis?"

"Kailangan, I have to know kung sino ang mga balakid sa JaeLi 'no. Para maitaboy kaagad."

"Push ma push ah, magtigil ka na nga diyan. Tara na at kumain, gutom na ako baka ikaw pa ang makain ko."

"Ay wit, mami. Hindi ako masarap!"

Pagkatapos naming mag-usap ni Chu sa telepono at ilang ulit pang pamimilit dito ay nakumbinsi ko siyang bumaba para kumain sa restaurant ng resort.

Hindi ko mapigilang mapamangha sa oung gaano kaelegante ang lugar na iyon kaya naman gusto kong pagsisihang dito ko siya niyaya dahil nangako akong ililibre ko siya. Todo ngiti pa ito nang makita ang menu na siya namang ikinakaba ng dibdib ko.

The Story Of UsWhere stories live. Discover now