Chapter 12: I Like You

1.8K 66 0
                                    

Bigla akong nakaramdam ng pagkailang matapos ang sinabi ni Maple kanina. Nagsimula na kaming kumain ngunit hindi ako makapagconcentrate sa kinakain ko dahil iniisip ko pa rin ang mga hanash ni Mapla kanina.

She thinks that GM likes me, as if namang totoo iyon? Paano naman kaya niya nasabi?
Then I took a glance at him na agad ko ring binawi nang mapansing papatingin siya sa direksyon ko. Minsan talaga ay walang dulot na mabuti ang kadaldalan ng mga kaibigan ko, may pagkakataong ganito rin ang ginawa ni Chu sa akin pero kay Jae naman at hindi rin maganda ang kinalabasan.

Minsan gusto ko na lang isiping wala akong swerte sa mga kaibigan ko dahil ipinapahamak lang ako ng mga ito.

Hindi ko naiwasang mapatingin sa pwesto nila Maple at Chu na nasa kabilang side ng table kung saan ako nakaupo. I was sitting next to Jae at sa kabilang side naming ay naroon naman sina Kim at Ryan na panay pa rin ang lampungan.

Kapag minamalas ka nga naman.

"Are you okay?" Mayamaya ay narinig kong tanong ni Jae sa akin. He even leaned his head nang bahagya para ilapit sa akin na mistulang pabulong niya akong kinakausap.

Alanganing napangiti lang ako sa kanya habang pinipilit na hindi mahalata ng mga kasama namin ang nangyayari. I continued eating, then I knod upang sagutin ang tanong niya sa akin.

Inabala ko ang sarili ko sa patuloy na pagkain habang ganoon rin naman ang ginawa ng iba, I was still glancing at Kim and Ryan from time to time nang maramdaman kong may bahagyang Sumiko sa akin.

It was Jae at nakatingin na siya sa akin nang balingan ko siya ng tingin.

"Nakakabusog ba?"

"Ang alin?"

"Iyang tinitignan mo, kanina ka pa hindi mapakali kung kakayain ka ba o titignan mo lang sila habang sa isip mo eh alam kong gusto mo na silang patayin." tatawa-tawang sabi ni Jae sa akin sabay kaswal na ipinagpatuloy ang pagkain.

Ako naman ang bahagyang humilig upang bulungan siya, sabay sabing... "Nakamoved-on na ako."

Tapos ay Nakita ko siyang tumawa bago muling tumingin sa akin. "Yeah right, sino naman niloko mo?"

"Edi huwag kang maniwala kung ayaw mo, hindi ko naman ikakamatay na malamang hindi ka naniniwalang nakamoved-on na talaga ako."

"Fine, lokohin mo sarili mo. Ikaw naman iyan, hindi naman mababago ng mga claims mo kung ano talaga iyang totoong nararamdaman mo."

"Siraulo mo."

"Thank you," tapos ay bumaling ito ng tingin kina Ryan at Kim at saka inginuso ang mga ito sa akin. "Enjoy the view."

I mouthed the words 'Siraulo' towards him para asarin siya pero tila wala iyong epekto rito.

"So Mr. Brillante, I heared from Maple and Chu that you and Eli are highschool friends, is that right?"

Sabay pa kaming napatingin ni Jae kay GM nang magsalita ito at kausapin ang katabi ko. He's smiling pero parang may iba sa mga ngiti niya, at saka ko lang muling naalala ang sinabi ni Maple sa akin kanina.

That he likes me, and by him asking right now about Jae and I ay Lalo lang nagpatibay sa mga sinasabi niya sa akin. Doon ko tinignan si Maple na nakatingin na rin sa akin habang sinasabi sa akin sa pamamagitan ng ekspresyon niya and mga salitang 'I told you so'.

Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Jae at sagutin ang tanong ni GM kanina.

"Yeah, we're friends... before."

"Before?" sabay naming tanong ni Chu at Maple kay Jae nang marinig ang pahayag nito.

"She's my girlfriend now, we started dating not a little too long ago." then he looks at me, wanting me to confirm the things he said to them. "Right, Eli?"

The Story Of UsWhere stories live. Discover now