Chapter 13: Jealous

1.9K 68 0
                                    

Alam ko kung anong itsura ko nang mga sandaling iyon as I lookes at him in both shock and amazement.

Sinabi ba niyang gusto talaga niya ako? O baka naman epekto na to ng mga sinabi ni Maple na pauli-ulit na naglalaro sa isip ko?

Tapos ay sa walang kadahilanang pangyayari ay bigla kong nakita ang mukha ni Kae sa diwa ko, maging ang sinabi nito kanina sa buong grupo namin noong almusal na nobya niya na ako.

And I confirmed it.

Gusto kong saktan ang sarili ko nang maalala ang mga iyon. Tapos ay muli kong tinignan si GM na naglalakad nang papasok ng building namin.

"Did he just said that he likes me? Tama ba ako ng dinig?"

"Hoy girl!" Mayamaya pa ay may biglang lumitaw mula sa likuran ko, dahilan para mapalundag ako sa gulat.

"Kalabaw na pink," bulalas ko pa nang magulat ako.

Tapos ay tinignan ko iyon at nakitang si Chu iyon. Kasunod niya si Maple na halos abot tenga ang ngiti sa akin.

"What?" Tanong ko pa matapos niyang lumitaw sa harapan ko.

"Wala naman, ang sungit. Meron ka girl?"

"Sino ba namang hindi magsusungit sa ginawa mo. Paano na lang kung atakihin ako sa puso?"

"Suuuuus! Okay naman iyang puso mo, bakit ka aatakihin?" pabirong sabi pa niya habang makahulugan akong tinitignan.

Doon naman sumingit si Maple at nagsalita, she even looked at me suspiciously na para bang may nangyaring kung ano ngayon lang. "Baka naman kasi may nangyati sa puso niya kaya nasabi niyang aatakihin siya, Chu."

"Hay naku, magsitigil nga kayong dalawa. Sa tingin niyo ba may point at sense iyang mga pinagsasasabi ninyo?"

"Bakit?" Si Chu ulit ang nagsalita. "Wala ba?"

"Syempre meron, ngayon pa ba?" Sinundan naman ulit iyon ni Maple na animo'y may ibig sabihin sa mga sinasabi niya sa akin.

"Teka nga, ano bang mga pinagsasasabi mo? Hindi ko kayo maintindihan eh."

"Well, kung isinama niyo kasi ako at hindi niyo ako iniwan kay GM malamang eh nasabi ko sa inyo ng matiwasay, hindi ba?"

"Luh, wala akong kasalanan diyan. Sisihin mo itong si Maple. Bigla na lang akong hinila kanina, nakaladkad tuloy ang beauty ko. Gusto ko pa namang sakyan si GM... este gusto ko palang sumakay sa kotse niya."

"Bakla ka, ang harot mo." Sita pa ni Maple kay Chu nang makita naming pinagpantasyahan nito si GM ng very light.

"Bakit? Totoo naman, ang saya kaya masolo ni GM. At saka sino bang hindi mapo-fall sa kanya,"

"Tanungin natin si Eli."

"Ha? Bakit si Eli? Eh meron na siyang JYB," singit pang muli ni Chu tapos ay tila muli itong nagdaydream. "Iba rin naman ang charisma at appeal ng isang iyon. I like him too," then he looks at me in dismay. "Kaso may nagmamay-ari na sa kanya."

"Kaya nga kanina ko pa sinasabi sa inyo na kung hindi niyo ako iniwan edi sana nakapagkwento na ako."

"Basta ako, GM pa rin all the way."

"Wow, loyalist! Para kanino ba iyang GM all the way mo na iyan, Maple?"

"For her," sabi pa ni Maple sabay turo sa akin. "I think GM likes her, mali pala... I know that GM likes her."

"Wow, so may kanya-kanya pala tayong bata rito. So I guess I'll be rooting for JYB? Pero day, wit ka ng laban kasi may winner na. Hindi ba, sis?"

"Meron na nga ba, Eli?"

The Story Of UsWhere stories live. Discover now